Vote and comment! Thanks! ❤️
Isle Bighani (Part 2)
***
"BAKIT HINDI MO SINABI sa akin na nandito pala iyang si Matthew?" Inis na bulong niya sa kaibigan na kasalukuyang nagtatanggal ng make-up sa mukha.
McKenzie just shrugged her shoulders while continuing her chore. Mas lalo namang nainis si Regine dahil hindi niya masermonan si Mac dahil nasa mismong silid na iyon ang baklang-bakla na si Matthew na binabati ng mga rumampang models kanina-- isa na nga roon si McKenzie.
"Miss Matt, congratulations! Super pasabog ng main event n'yo na napapaypay na lang ako sa sobrang hot ng mga models! Idagdag mo pa na sobrang daring din ng summer collection mo this year. Sure na sure, papatok iyan sa mga atribidang lola diyan."
Pasimpleng tumingin si Regine kay Matthew na nakikipagdaldalan sa isa pang beki na make-up artist. Hindi niya lubos maisip na sobrang natural lang para sa binata na kumendeng kahit nakatayo lang sa isang pwesto samantlang iyang katawan na iyan ang kumubabaw sa-- shit! Ano bang naiisip niya? Sita niya sa pinupuntahan ng utak niya. Pilit na bumabalik sa nakaraang dalawang taon kung saan naibigay niya sa, unfortunately, isang bakla ang pagka-virgin niya.
Inisip na lang niya na baka epekto lang 'to ng pagmamaktol ng isip niya dahil isang bading, bayot, o binabae ang nakakuha ng Bataan. Siguro kinakain lang ng pride ang isip niya. At ang isa pang masakit sa parte ni Regine, ni wala man lang yatang naaalala si Matthew sa mga nangyari? Well, lasing na lasing ang binata that time at dala siguro ng kalasingan, nakatikim ng ipinagbabawal na putahe para sa mga may berdeng dugo tulad nito.
She cannot imagine those hips who rocked her world that night were the same hips that are currently swaying to her direction right now. Regine blinked her eyes and try to compose herself. Dapat na niyang isipin na wala lang ang nangyari. That that steamy night never happened in the first place. Never! Pero ayaw naman niyang makipag-daupang-palad kay Matthew kahit na sabihin pa niya sa sarili na kalimutan na lang ang lahat.
"Hi, McKenzie baby!" Tili, oo tumili, ni Matthew sabay yakap kay Mac nang mahigpit. Napahinto naman sa ginawa ang huli at niyakap din si Matthew habang marahang nakangiti.
Naunang kumalas ang binata sa yakapan. "Dear, you made my creations more beautiful and sexier, just by wearing it! Tama talaga na kinuha kita as my model. Bonggang result, girl!"
Natatawang pinalo ni Mac sa braso si Matthew. Aba, may pag-gan'on? "Well, you're welcome. And congratulations dahil hindi ko madadala nang maganda iyon kung hindi rin maganda ang mga creation mo. So congratulate and thank yourself as well."
Nakahalukipkip lang si Regine habang matamang pinagmamasdan ang masiglang pag-uusap ng dalawa. Nababagot na siya at biglang bumalik ang pagod at antok niya sa katawan nang mawala na ang hype mula sa fashion show. Nabigla siya nang tapikin siya ni McKenzie sa braso kaya napaigtad siya nang bahagya.
"Red!"
Tinarayan niya ito. "Oh? Tara na. Umuwi na tayo, inaantok na ko." Sagot niya, talagang sinasadya na huwag batiin si Matthew.
"Regine, it was nice to see you here. Ngayon ko lang napansin na nandito ka pala?" Biglang nagsalita si Matthew kaya naman tumingin siya ulit dito. Nakangiti ito sa kanya pero gusto burahin ni Regine ang ngiti na iyon. Ngayon niya lang napansin? Ganoon ba ko kawalang-appeal sa kanya na hindi man lang niya ko napansin na nasa tabi ni Mac? My gosh. Ang sarap sabunutan ng baklang ito. Naiinis na singhal niya sa utak.
Nagpakawala siya ng pekeng ngiti. "Yes. Pinapunta kasi ako ni Mac saka nagbabakasyon ako rito." Hindi ko sinadyang pumunta sa fashion show mo!
"Oo, Kuya Matt pinapunta ko siya rito para may kasama akong tagabuhat ng gamit ko." Tumawa si Mac. "Pero heto na nga ang sinasabi ko. Sa kanya tayo tutuloy for tonight. Siya iyong may vacation house dito sa Bighani. Malawak iyon, kasyang-kasya tayo kaysa sa cheap na hotel na pinag-stay-an natin kanina."
Nanlaki ang mga mata ni Regine sa gulat. "Ah, no offense, Mac. Pero akala ko ikaw lang ang magi-stay sa bahay?" Tanong niya na ipinagdiinan ang salitang 'ikaw'.
"The original plan, yes ako lang. But Kuya Matt has some business to do here in Bighani. Baka mas mag-stay pa siya ng matagal dito. Might as well makituloy na lang siya sa'yo, right? Sakto nga at nagbabakasyon ka rin. Sayang nga at bukas na ang flight ko."
Matthew smiled and turned his head towards her. "It's okay Regine if you don't want me to stay. Si McKenzie kasi ang pilit nang pilit. Sinabi ko nang nakakahiya." Mabuti naman at nakakaramdam ka n'on.
Ayaw man niyang makasama si Matthew, lalo na sa ilalim ng isang bubong, dala na rin siguro ng right conduct at pakikisama, Regine gave her not-so-happy smile for the nth time tonight and nod at the two of them.
"Bueno. Dahil mabait naman ako at kuya ka naman ni Mercy, sige. Kunin ninyo na ang mga gamit n'yo. Pero huwag n'yong asahang tutulungan ko kayong magbuhat."
REGINE FELT SO UNEASY laying in bed tonight. Ang kaalamang nasa katapat niya lang na kuwarto si Matthew ang nakakapagpabagabag sa kanya. Si McKenzie ay nasa kuwarto sa ibaba natulog. Apat lamang ang kwarto sa bahay na iyon at lahat ay okupado. Ang isang kwarto kasi ay opisina niya. Pero bakit naman kasi pinili pa ni Mac na matulog sa baba? Nananadya ba ito? Hindi ba nito nahahalata na awkward siya kay Matthew? Nakakainis na babaeng iyon.
Naiinis din siya sa isiping bukas ay sila na lamang dalawa ng bakla ang maiiwan sa bahay kinabukasan. Alam niyang propesyon niya ang pagiging psychologist pero hindi niya alam kung anong topic ang mabubuksan kung sakaling magkaroon sila ng "conversation" ni Matthew. Pero siguro ay hindi rin sila madalas magkikita? Sabi nga ni Mac nandito ito para sa business hindi para sa kung anong monkey business? Bakit ba parang nae-excite pa siya? Hello, may boyfriend na iyong tao at isa pa, berde ang dugo! Kaya boyfriendless man o hindi, wala siyang pag-asa.
Nang hindi pa siya makatulog, nagpasya siyang maligo muna para mabawasan ang maalinsangan na pakiramdam niya. Kapag kasi nape-preskuhan siya, mas madali na sa kanyang matulog.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa banyo na nasa loob ng kwarto niya. Naghubad siya ng lahat ng saplot sa katawan at itinabi niya iyon. Nang buksan niya ang ilaw at pihitin pabukas ang gripo ng shower, nagtaka siya dahil walang tubig na lumabas dito. Pinihit ulit niya ngunit wala pa rin. Napamura siya sa isip nang maalalang hindi niya pa napapabuksan ang water system sa bahay niya. Tuwing bakasyon lang kasi siya pumunta rito kaya talagang pinapapaputulan niya ang tubig sa caretaker ng bahay. Ang nasa banyo sa ibaba lang ang may tubig at naalala niyang doon siya naligo kanina.
Hindi na siya nag-abalang magbihis pa bagkus nagtapis na lang siya ng tuwalya sa katawan at agad bumaba. Papasok na sana siya nang makitang sarado ang pinto at may naririnig din siyang bagsak ng tubig sa loob. Naisip niyang baka si Mac ang nasa banyo kaya naman pumunta muna siya sa sala para maupo at maghintay. Pero dala ng labis na pagod at antok ay nakatulog siya.
NAGISING ULIT ANG DIWA ni Regine nang may naramdamang tumutulo sa binti niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakita niya ang bulto ng isang lalaking gwapo, sobrang gwapo, na nakatunghay sa kanya. This alpha male is drop dead gorgeous in every sense of the word. Natural na malabo ang mga mata niya at ngayong kahit wala siyang suot na contact lens ay alam niyang makisig ang lalaking nasa harap niya.
He's dripping with water, based on the droplets cascading down to her legs. Hindi niya alam pero biglang gusto niyang sunggaban ang lalaki! Her hormones are raging!
Pero bigla iyong parang bulang nawala nang marinig niya ang malambot na pagtawag nito sa pangalan niya.
"Regine?"
Si Matthew lang pala.
BINABASA MO ANG
Despacito (Slow Update)
General FictionTrigger stole Regine's virginity on a hot passionate summer night. She never thought that they would see each other again. But the real shocking thing here was when Regine met Trigger again after two years, he called himself Matthew and what's worse...