02. Amnesia

176 3 3
                                    

I sat frozen when I realized that this guy with red hair, who happened to be Mercy's gay brother, is also that guy whom I gave my V-card with two years ago. Mabuti na lang at hindi nakatingin ang mga kasama ko sa akin kundi magtataka sila dahil para akong tuod na nakatingin lang sa lalaking nakangiti ngayon.

When someone cleared her throat, I swing my head to the left, for me to see McKenzie scrutinizing me. Nagtatanong at nagtataka ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. How I wished na nakatingin na lang sana siya sa cellphone niya habang ka-text or ka-chat ang kung sinumang lalaki katulad kanina.

"May problema ba, Red? Mukha kang constipated. You want some tablet?" Seryosong tanong niya sa akin habang hindi mapuknat ang pagtatanong sa mukha. Minsan pinagpapasalamat ko na dense si Mac and I'm really thanful na gumana iyon ngayon.

I shake my head and smiled at her. "Uh.. No thanks." Sa pagkakangiti ko, mukha siguro talaga akong constipated dahil mukhang hindi naniwala sa akin si Mac.

Nang lumingon ako ay masayang nagkukuwentuhan na sina Mercy, Dawn at ang dalawang lalaking bagong dating. Nakatayo sila habang nagbebeso-beso. Tumayo na rin kaming dalawa ni Mac at nilapitan ang mga bisita. Ayoko sanang lumapit pero nang nahuli kong nakatingin sa akin 'yong kuya ni Mercy, na Matthew ang pangalan, sa pagkakatanda ko, bigla akong nataranta at ngumiti nang malawak.

"Sam, Kuya Matthew, ito pala sina Mac and Regine. Naku, nagulat pa iyang si Red nang malamang bakla ka." Pakilala ni Mercy habang tumatawa.

Nakipag-beso si McKenzie sa dalawa at pagkatapos niyon, nagulat na lang ako nang hilahin ako n'ong Sam at halikan ako sa pisngi. Putsa, ang awkward. Mas lalo akong nanigas nang si Matthew naman ang lumapit sa akin habang tunatawa. Obviously, natatawa siya dahil hindi ako makapaniwalang bakla siya! Pero umaakto siyang hindi ako kilala at hindi ako makilala. Should I copy his actions? Act like nothing happened? Or talagang hindi lang niya ko maalala? For Pete's sake, bakla siya!

Hindi lang simpleng halik sa pisngi ang ginawa sa akin ni Matthew bagkus ay niyakap niya pa ko. Nanlaki lalo ang mga mata ko sa sobrang tense.

"Hi, Regine. Kinukwento ka sa'kin nitong babaitang kapatid ko. Ikaw pala iyong Psychologist na friend niya? Lagi niya kasing sinasabi na I should consult one dahil medyo baliw-baliw din ako." Sabi bigla ni Bakla nang kumalas siya sa akin. Agad naman akong nag-shift sa plastic mode ko at ngumiti sa lalaking kumuha ng virginity ko.

"Oh? Kinukuwento niya pala a-ako? Wow! That's.. that's great! Haha!" Mukha akong baliw habang sinasabi ko iyon, mabuti na lang at hindi napapansin ng mga kasama ko iyon maliban na lang kay Mac na takang-taka pa rin sa kilos ko. Ang problema sa babaeng iyon, sa sobrang tahimik, masyadong observant e. Pati kaliit-liitang changes sa amin napapansin niya. Argh!

"Hey, Kuya, alam mo ba nang kinukwento ko kay Dawn na girl-boy-bakla-tomboy tayong magkakapatid, bigla ba naman akong hinampas? Sayang ka raw kasi e." Patuloy sa kwento si Mercy habang nakaupo na kami at umiinom. Ngayon ko lang nakita na masaya siya, iyong genuine na masaya habang nakikipag-usap sa kuya niya.

Ang kwento nga ni Dawn, minsan lang daw niya makasama ang family niya kaya siguro sabik din si Mercy sa kuya niya. Pero gusto ko mang makisama sa kwentuhan nila, para akong tanga na isip nang isip, at tingin nang tingin kay Matthew dahil parang wala talaga siyang maalala. Sabahay, it was two years ago and it's just a one night stand. Pero para kasi sa akin, mahalaga iyon. Iyon ang araw na humiwalay sa katawan ko ang hymen ko! My gosh, if I had known na bakla ang naka-una sa akin, baka hindi ko siya pinatulan in the first place. Lalo na at kuya pala siya ni Mercy.

"So anong trabaho mo Kuya? Ang alam ko kasi si Kuya Mattias is having his own chain of restaurants?" Tanong ni Dawn while eating their pulutan. Their, kasi hindi ako umiinom at nababalisa lang ako lalo.

Despacito (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon