Chapter 29

1.4K 35 0
                                    

***************************************

Nadatnan ni Charlie si Marky sa kanyang bahay na tulala at nakatingin sa kawalan habang tinutungga ang isang baso ng alak.

"Pare..." inakbayan ni Charlie ang kaibigan

"Charlie kaw pala..."

"Ok ka lang?" tanong nito sa kaibigan

"O-oo naman... alak gusto mo?" alok nito, kumuha ito ng baso at iniabot sa kaibigan ngunit napatingin si Charlie sa kamay nito.

"Anong nangyari sa kamay mo?" takang tanong nito

"Ah ito, wala naaksidente lang" pagsisinungaling nito

"Sya nga pala Marky nabalitaan ko ung nangyari kanina?"

"Ayoko ng pag-usapan yan..." seryoso ang mukha nito

"Pero Marky---"

"Charlie please kung wala ka ng kailangan magpapahinga na ako" at tuluyan na itong tumalikod ng biglang magring ang celphone ni Charlie

"Ha! Ano?! Nasaan si Joey?!" sigaw nito, biglang napatigil si Marky sa paghakbang

"Marky nawawala daw si Joey..." pag-aalalang sabi nito, nagmamadaling tumakbo si Marky sa kanyang sasakyan at sumakay sila ni Charlie

Samantalang...

"Anong nangyari sayo Joey bakit nakita kitang parang wala sa sarili at tulala?" pag-aalalang tanong ni Cholo

"Pasensya na kung ilang beses na kitang naiistorbo..."

"Ano ka ba Joey ok lang un, treat me as your friend kahit hindi pa tayo official na friend..." napangiti naman si Joey "Anong problema?"

"Remember ung guy na kasama ko sa Hongkong ung boss ko?"

"Yah why?"

"Sya ang dahilan kung bakit ako umiiyak..."

"He's your ex?"

"No... were not, were never been together but were close... since highschool days..."

"You mean highschool pa kayo magkakilala?"

"Yah, di ako nakaattend ng graduation noon kasi mahirap lang kami... wala kaming pambayad sa school kaya nagdecide na lang ako na kunin ang diploma ko at di na

magmarcha. Pero sumulat sya sakin sabi nya pumunta daw ako sa school sa araw ng graduation kasi may importante syang sasabihin sakin, pero hindi ko nagawa ang gusto nya dahil pinipilit na ako ng nanay ko na umuwi na kami ng Cebu. Pero... hindi ako nagpaawat nagpilit akong makapunta kahit gabing-gabi na at alam kong malamang wala na sya don..." muling umagos uli ang kanyang mga luha habang nagkukwento

"Pero pagdating ko nandon pa rin sya at naghihintay kahit malapit ng magsara ang school, palapit na ako sa kanya ng bigla akong hilain ng aking ina at pilit na inilayo sa kanya huhuhu... ni hindi nya man lang ako nakita na pumunta ako dun, kaya ngayon sobra pa rin ang galit nya sakin at ginagantihan ako huhuhu..."

"Bat di ka nag-explain sa kanya?" tanong ni Cholo

"Sinubukan ko pero hindi na nya ako pinapakinggan huhuhu..."

Samantalang...

"Mercy asan na daw si Joey?" tanong ni Charlie

"Andun sa park gusto nya daw muna mapag-isa."

"Sige ako na lang ang pupunta sa kanya." sabi ni Marky sabay sakay sa kanyang kotse at pinaharurot un.

Paikot-ikot ang sasakyan nya sa park at hinahanap ang dalaga ng may makita syang dalawang bulto ng katawan, bumaba sya ng kotse para mas makita ito.

"Don't worry Joey maayos din yan basta lagi mo lang itry na magexplain sa kanya" pag-aalo ni Cholo habang yakap ang dalaga, samantalang si Joey ay patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Salamat Cholo, maraming salamat..." paghiwalay nila napatingin sila sa lalaking nakatayo sa tapat nila.

"Sir Marky..." bulalas ni Joey, dahan-dahang lumayo si Marky at sumakay sa kotse nito

"Marky!" sigaw ni Joey at pinaharurot na ang sasakyan

**************************************************

JHingzzy

Gusto nyo pa ng hard drama marami pa yan sa mga susunod na Chapter abangan nyo guyz babush!!!

He's Hot She's Not (MOV) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon