Chapter 34

1.5K 33 0
                                    

**********************************************

"Marky..." sambit ni Joey, tinulungan siyang tumayo nito pero tumanggi ito at tumayo mag-isa.

Pinunasan nya ang kanyang mga luha at dahan-dahan naglakad paalis habang umiiyak, hinabol sya ni Marky.

"Joey..." tawag ni Marky

"Anong ginagawa mo dito, umalis ka na..."

"Joey sinundan talaga kita, alam ko na ang totoo sinabi lahat sakin ni Cholo..." paliwanag nito, napatingin dito ang dalaga at muling naglakad ito.

"Joey, san ka pupunta?" pigil nya dito, hinablot nya ang kamay nya dito

"Wala kang pakialam!" matigas na sabi nito, sumakay kagad ito ng tricycle

"Joey!" sigaw nito, sumakay kagad si Marky sa kotse para habulin ang sinasakyan nito

Nakarating ng bayan si Joey, lingid sa kaalaman nya pinagmamasdan sya ng lalaki sa malayo. Pumasok ito sa isang paupahan na bahay para sa kanyang matutuluyan.

Bumaba si Marky ng kotse at lumapit sa landlady.

"Excuse me po..."

"Ay bawal dito ang lalaki, di kami natanggap ng bed spacer na lalaki" paliwanag nito, biglang tumunog ang celphone nya.

"Hello Pare"

(Kumusta? nakita mo na si Joey?) si Charlie sa kabilang linya

"Oo pero di kami magkasama ngayon..."

(Ha! bakit?!)

"Saka ko na lang ikukwento may aasikasuhin lang ako, bye." pinatay na nito ang telepono, sumakay na sya sa kotse at pinagmasdan muli ang tinutuluyan ng dalaga.

"Grabe nakakaawa sya... Kung hindi ko sya pinahirapan noon hanggang ngayon nagtatrabaho pa rin sya... Ang tanga mo Marky, ang tanga mo!" sabunot sa buhok nito, sising-sisi sya sa lahat ng nagawa nya kay Joey.

MARKY POV:

Kinabukasan maaga akong nagtungo sa bahay na tinutuluyan ni Joey, nakita kong umalis sya at sinundan ko ito.

Kung saan-saan nagpunta si Joey, mukhang naghahanap ito ng trabaho.

Kring... Kring... Kring....

"Hello Charlie"

(Bro nasan ka?)

"Eto sinusundan si Joey..."

(Hahaha!!! Kailan ka pa naging spy?) pang-aasar ni Charlie sakin

"Ano ka ba bro, kailangan kong itama ang lahat, mukhang naghahanap siya ng trabaho ngayon kailangan ko syang tulungan..."

(Pwede mo naman syang pasundan kayang-kaya mo yan, kung trabaho lang problema pwede mo naman syang ipasok sa company nyo dyan sa cebu...)

"Bro nilalayuan nya ako, tingin ko hindi nya tatangapin ang tulong ko..." paliwanag ko

(Marami kang kilalang negosyante dyan kayang-kaya mo syang ipasok, use your influence...)

"Your right bro, thanks a lot. Siguro nga mas mabuting kumuha ako ng agent na magbabantay sa kanya para alam ko lahat ng kilos nya..."

Pagkatapos kong makausap si Charlie agad kong tinawagan ang kilala kong agent. Nagkita kami sa isang coffee shop.

"Good Morning Sir" bati nito

"Good Morning, meron sana akong papasundan sayo..." inilapag ko ang picture ni Joey sa mesa pati ang address nito

"Kailangan di nya malaman na sinusundan mo sya, wag kang magpapahuli. Sundan mo sya kahit saan sya magpunta, alamin mo lahat ng ginagawa nya at ireport mo sakin. At higit sa lahat wag na wag mo syang sasaktan... Maliwanag ba?"

"Maliwanag po Sir."

"Sige makakaalis ka na..." (Pangako Joey, babawi ako sayo hinding-hindi na kita pababayaan...)

Ginawa ng agent ang trabaho nya sinundan nya si Joey kahit saan ito magpunta. Isang araw nasa opisina si Marky ng makatanggap ng tawag galing dito.

"Hello, anong balita?" tanong nito

(Sir nag-aapply po sya ngayon ng trabaho) balita nito

"Ha?! saang company sya nagpunta?" tanong nito

(Dyan po Sir, sa company nyo...)

"Dito sa company?!" gulat na tanong nito

(Opo Sir)

"Sige Salamat." natigilan si Marky

"Andito sya..." sambit nya sa sarili

**********************************************

JHingzzy

Magkikita kaya sila ni Marky? Ano pa kaya ang mga magiging plano ni Marky to win her back? abangan sa nalalapit na pagtatapos ng He's Hot She's Not (MOV). Gudnyt!!!

He's Hot She's Not (MOV) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon