Chapter 1

4.6K 53 1
                                    

"Ano kaba tol di ko magugustuhan yun, Ok ka lang?"

Toink!!! sabay bato ng libro ulo ni Marky

Toink!

"Aray!"

"Josefina gising na tanghali na! Ano ka ba naman ang kupad-kupad mo talagang kumilos" sabay bato na unan sa dalaga.

"Ano ba yan ate ang aga-aga pa" sabay kamot nito sa ulo

"Anong maaga pa tignan mo tirik na ang araw tulo laway ka pa" sabay pahid ni Joey sa gilid na labi nya

"Wala naman niloloko mo ako" sabay tayo " Hay nakakatamad talagang pumasok" sabay kuha ng tuwalya at pasok sa banyo

"Hoy Josefina gagraduate ka na wag mong sayangin ang isang taon" sabi ng ina nito, sabay buntong hininga ng dalaga.

Josefina Castro aka. Joey isang 4th year student, isang matalinong bata ngunit simple lang ito sa buhay di pala ayos in short isip bata pa. Bunso sa dalawang magkapatid galing sa isang simpleng pamilya.

"Josefina!" tawag ng kaklase

"Uy Marcy andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap"

"Nagboboys hunting lang… hihihi"

"Boys hunting yuck!, tumigil ka nga Mercy may boyfriend ka na lumalandi ka pa"

"Ano ka ba wala naman masama dun di pa naman kami serious ni Joshua, at anong yuck yuck? Kaya di ka nagkakaboyfriend masyado ka kasing manang"

"I'm not manang, simple lang talaga ako"

"Simple? Simpleng losyang hahaha!!!"

"Hay naku, ewan ko sayo" biglang dumaan sa harap nila si Marky sabay bati

"Hi Joey, may notes ka ba sa Physics? Hindi kasi ako nakapasok last week."

Marky Salvacion 4th year student gwapo, matalino at kilala ang pamilya, isa ang kanyang sa mga may-ari ng school nila at isa lang ito sa mga negosyo nila. Pero kahit mayaman ang binata mabait pa rin ito sa mga classmate nya.

Magkaibigan si Joey at Marky not close saktong friends lang. Classmate silang dalawa, pag di nakakaattend si Marky sa klase kay Joey sya nanghihiram ng note. Matic na un.

"Eto oh…" sabay abot ng notebook sa binata.

"Thanks a lot, your my savior talaga" nakangiti sabay kindat sa dalaga

"What's new?" sabay irap nito

"Sige I'll go ahead bye!"

"Bye!" pahabol ni Mercy na kinikilig

"Grabe best ang gwapo nya talaga" kinikilig nitong sabi na parang nahihimatay

"Sino?" taka nitong tanong

"Sino pa eh di si Marky"

"Yun gwapo???" sabay turo kay Marky habang nakikipag-usap ito sa mga babae

"Don't tell me di ka napopogian kay Marky"

"Hmmm… gwapo nga pero di ko sya bet"

"Huwag kang mag-alala di ka rin naman nya bet hahaha!!!"

"Lokaloka!!!" sigaw nito "Gaga ka talaga, sya nga pala speaking of Marky alam mo bang napanaginipan ko sya kanina"

"Oh really, ano naman panaginip mo?"

"Nag-uusap sila ni Charlie sa classroom tapos narinig kong sinabi niya "Ano kaba tol di ko magugustuhan si Josefina, Ok ka lang? she's not my type hehehe..." at sa sobrang inis ko dahil sa kahambugan niya binato ko sya ng makapal na libro sa ulo" sabay halukipkip ng mga braso.

"What! kawawa naman si Marky, tapos anong nangyari?" naghihintay ng sagot

"Hindi ko na alam kasi binato ako ni Ate ng unan sa ulo kaya ayun nagising na ako..." nanghihinayang nitong sagot.

"Ano ba naman yan Josefina bitin naman kwento mo?" inis nitong sabi sa babae. "Wait bakit mo nga pala napanaginipan si Marky???" napatingin ito ng masama sa dalaga.

"Oy oy oy oy alam ko na yang iniisip mo... hindi ko sya iniisip alam mo naman di ako interested sa kanya kung gusto mo sayong-sayo na sya..."

"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo." sabi nito

"Hay naku halika na nga..." at sabay na umalis ang dalawa.

*****************************************************

JHingzzy

Guyz I'm back! eto po ang bago kong story sana magustuhan nyo tulad ng iba kong story ;)

He's Hot She's Not (MOV) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon