Chapter 37

1.7K 36 0
                                    

**************************************

Anim na buwan hindi nagpakita si Joey sa kanyang pamilya, nagpatuloy pa rin itong magtrabaho sa kumpanya nila Marky. Si Marky naman ay dumadalaw-dalaw na lang sa Cebu para kumustahin ang kalagayan ng dalaga.

Naging maayos ang relasyon nila, naging maayos din ang trabaho niya. Hanggang isang araW...

"Marky kinakabahan ako..."

"Don't worry sasamahan kita, di kita papababayaan..."

"Paano kung hanggang ngayon hindi pa rin ako matanggap ng pamilya ko?" nagaalalang tanong nito

"Ang mahalaga hindi ka nag-iisa, andito ako sa tabi mo..." pinapalakas ni Marky ang loob ng dalaga.

Bumaba na sila ng sasakyan at dahan-dahang lumapit si Joey sa nakasarang pintuan.

Tok... Tok... Tok...

"Joey wala dyan ang nanay at kapatid mo!" sigaw ng babae

"Bakit po?" takang tanong niya

"Sinugod and nanay mo sa ospital nung nakaraan."

"Ha?!" gulat na gulat na sabi nito

Agad silang sumakay ng sasakyan at nagpunta sa ospital, nangiginig at naiiyak si Joey sa nalaman.

"Joey calm down... malapit na tayo..." pag-aalo ni Marky dito

"Pag may nangyaring masama sa inay ko hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko, pinabayaan ko sila..."

"Wag mong sisihin ang sarili mo, everything's gonna be fine..."

Mabilis na nakarating ng ospital sila Joey at nagtungo sa kwarto kung saan nandoon ang kanyang ina. Agad niya itong binuksan at dinatnang nahiga ang kanyang ina. Payat ito at halatang mahina pa, tuluyan ng syang humagulgol sa pag-iyak. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay.

"Anong nangyari kay inay?" tanong nito sa kapatid niya

"Joey sobra siyang nag-alala nung ilang buwan kang hindi umuwi, lagi ka niyang iniisip at sinisisi ang sarili nya sa mga kasalanan niya sayo..." naiiyak na sabi nito

"Ate patawarin nyo ako kung hindi ako nagpakita sa inyo, natatakot kasi ako na baka hindi pa rin ako tanggap ni inay. Pero ni minsan hindi kayo naalis sa isip ko..."

"Joey pasensya rin kung naging masama akong kapatid sayo, Sorry talaga..." hingi nito ng tawad, nilapitan ito ni Joey at niyakap.

"Joey..." nagising na ang ina nito

"Nay!" lumapit siya dito

"A--anak patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko sayo..." sambit nito

"Nay wag kayong magsalita ng ganyan, ako ang patawarin nyo kung hindi ako nagpakita ng ilang buwan... Natatakot lang ako---"

"Wala kang kasalanan anak... Ako ang may kasalanan kung bakit ka umalis..."

"Nay..."

"Wag kang mag-alala ok na ako, nastress lang daw ako..."

"Wag kayong mag-alala nay andito na ako, hindi ko na kayo iiwan pa..." Natuwa naman si Marky sa kanyang nasaksihan, alam nyang wala ng magiging problema ang kanyang kasintahan.

Pagkalipas ng tatlong araw lalabas na ng ospital ang kanyang ina. Sinalubong sila ni Marky.

"Ok na Joey, pwede ng lumabas ang nanay mo..."

"Binayaran mo na ang bill?" takang tanong nito

"Maliit lang naman ok lang..." nakangiting sabi nito

"S--sino sya?" tanong ng ina nito

"Ay nay si Marky po... B--boyfriend ko..." di malaman ni Joey kung ano ang magiging reaksyon ng ina nito.

"Good Morning po... Kumusta na po pakiramdam nyo?" magalang na tanong ni Marky

"Mabuti naman... Ikaw ba ang nag-alaga sa anak ko?" nagkatinginan sila ni Joey

"O--opo..."

"Maraming salamat sa pagtulong mo sa kanya at di mo sya pinabayaan..." nakangiting sabi nito

"Walang anuman po... kahit ano gagawin ko para kay Joey, tara nakahanda na po ang sasakyan" at lumabas na sila ng ospital

********************************************

JHingzzy

He's Hot She's Not (MOV) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon