Pansamantalang nagkukwento ang kaibigan kong si Althea ngayon tungkol sa nakaraan ko. Kanina ko pa siya pinipigilan pero ayaw niyang magpa awat.
"Thea! Tama na please!" Saway ko pa sa kanya dahil alam kong anumang oras ay tutulo na ang luha ko, bumaling siya sakin at sinamaan lang ako ng tingin, Umiling ako at tumingala para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
"Full package na 'yon! Mabait, Ma-effort, Matalino, Gwapo. Oh san kapa? If i know, May balak siyang hintayin si Ailee hanggang college, Pero wala eh. Ayaw niya ng umasa." Napahikbi ako nang marinig ko iyon, Naramdaman kong niyakap ako ni Sienna, Kaibigan ko din.
"Hussh now Ail, Kung kayo, Kayo talaga." Humikbi ulit ako at sinubukang tumawa pero nabigo ako.
"Aisht! Ill stop na! Parang maiiyak na din ako eh!" Nahagip nang paningin ko si Thea na pinunasan ang mata niya,
"I need air...." Mahina kong wika, Kinalas ni Sienna ang pagkakayakap niya sakin at tinanguan ako, Tinapik naman ako sa balikat ni Ailee.
Tumayo ako at inayos ang pagkakatali ng kulay golden brown kong buhok, Pinunasan ko din yung ilang luha ko at nilisan ang lugar na iyon.
Pumunta ako sa library namin at umupo sa isang bench doon, Pumikit ako dahil sa sarap ng hangin dito, Walang tao ngayon dito at mabuti nga iyon dahil tahimik.
"Uhm. Paupo?" Biglang may nagsalita sa tabi ko at nakita ko ang nakakabatang kapatid ni Sienna na si Samuel. Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Problem?" tanong niya nang makaupo na siya..
"Uhm. Wala 'to," Ngumisi ako sa kanya, Tumango naman siya.
"Pwede mo naman akong sabihan ng problema mo if you want." giit niya pa.
"Psh! Wala lang 'to Samuel! Siya nga pala, Wala kang pasok?" sabi ko.
"Wala, Bago ko din makalimutan. Punta kayo sa bahay next week, Dadating pinsan namin."
"Who? Si Ayana ba?" Tanong ko. Umiling siya.
"Reid, Hindi mo pa siya kilala kaya ipapakilala kita sakanya same as Thea. Dalhin mo na din si Kuya Allen." Tumango ako sakanya, Nagpaalam na din naman siya dahil may pupuntahan pa daw siya.
Reid? Great name.