AILEE SHAN'S POV"Pssst, Bakit ako sinama mo?" bulong ko kay Reid na nasa tabi ko, Nilingon niya lang ako at tinignan na parang walang pake sa mundo. Umirap ako nang wala akong nakuhang sagot sa kanya.
Tch! Pa misteryoso pa eh! Tao din naman siya.
"Hoy bakit nga?" pangungulit ko pa, Halatang naiirita na siya sakin pero tinitiis lang niya. Tumingin ako sa counter at isang tao nalang at kami na ang oorder.
"Reid, Bakit?" Tanong ko pa ulit, Hinarap niya ako at tinignan diretso sa mata.
"Eh sa ikaw ang gusto kong sumama sakin, Ano okay na?" Inis niyang sagot, Umiling ako, Kumunot naman ang noo niya.
"Andyan naman sina Samuel si Kuya! Kung ayaw mo sa kanila, Sina Sienna pwede din!" giit ko, Sinamaan niya ako ng tingin.
"Just stop asking." sabay talikod niya sakin dahil siya na ang oorder.
"Bakit ba kasi ayaw mong magpasama sa kanila?" Last nalang talaga to! Curious talaga ako eh, Nilingon niya ako at halatang galit na siya.
"Pag sinabi kong tumigil ka, Tumigil ka na!" Sigaw niya, Nanlaki ang mata ko dahil may ibang nakarinig, Kinagat ko ang ibabang labi ko at gulat na tinignan siya na nakatitig sakin ngayon, Umiwas ako ng tingin.
"Sorry...." wika ko nang hindi makatingin sa kanya, Umalis ako doon at bumalik nalang sa mesa namin, Naabutan ko sila doon na parang naghihintay ng kanilang pagkain.
"Oh asan na?" tanong ni Thea ng makaupo na ako.
"Hintayin niyo na lang." walang ganang sambit ko.
"Andyan na pala eh!" sigaw ni Sienna kaya nilingon ko si Reid na dala ang tray na may lamang pagkain namin, Umirap ako. Bakit siya pa yung may karapatang magalit na dapat ay ako? Dinaig pa niya yung babae sa sobrang sungit eh! Eww!
Tinatanong ko lang naman siya, Ano bang masama doon? Kasalanan niya naman, Kung sana'y sinagot niya lang ako ng maayos ay hindi ko na siya kinulat! Pa misteryoso pang nalalaman eh! Nakakainis! Pasalamat siya't mabait ako kaya hindi ko siya nasabunutan dun!
"AILEE SHAN!" Biglang may sumigaw ng pangalan ko kaya inis na nilingon ko iyon, Nakita ko si Kuya na tinuturo yung plato ko.
"What?!" inis kong sigaw pabalik, Tinuro niya ulit yung plato ko, Tinignan ko iyon at tinutusok ko na pala ng tinidor, Hindi ko man lang namalayan, Kainis kasi yung Reid Euan na yun eh! Sarap pektusan! Eww!
Umirap ako at nagsimula nang kumain, Habang kumakain ako, iniisip kong si Reid 'tong tinutusok ko, HAHAHA! Inalis ko nalang siya sa isipan ko at kumain nalang, Tumingin ako sa kanila na nakatingin din sakin ngayon.
"Ano na naman?" Tanong ko, Habang umiinom ng tubig.
"Ilang taon kang hindi kumain?" Balik tanong ni Samuel sakin.
"Letse!" singhal ko at hindi nalang sila pinansin, Narinig ko pang suminghap silang lahat pero hindi ko na iyon pinansin, Nang makatapos na akong kumain, Hinimas ko ang tiyan ko dahil nabusog ako doon, Isa isa ko silang tinignan, Kumakain pa sina Thea, Sienna, Samuel at Kuya. Samantalang si Reid ay nakatingin sakin? Lumingon pa ako sa likuran ko kung may tao ba pero wala naman, Hinarap ko siya at inirapan. May kasalanan ka pa sakin, Tse!
Nakatitig pa din siya sakin kaya nakipagtitigan na din ako, Problema neto? Eww! Bigla naman siyang tumayo kaya napatingin lahat sa kanya lalo na nung lumapit siya sakin at may nilagay na papel sa harap ko, Tuluyan na siyang umalis kaya hindi ko na siya natanong kung para saan iyong papel.
Kinuha ko yung papel at binasa iyon at kumunot ang noo ko nang makita ang nakasulat doon. 'Library, Now.'
Nag effort pa talaga siyang magsulat eh kung sinabi niya na lang! Ang arte pa eh.Tsaka anong gagawin ko dun sa library?"Anong sabi niya?" Tanong ni Kuya, Ngumiwi ako bago sinagot.
"Wala, CR lang ako." Ngumisi ako para hindi nila mahalatang nagsisinungaling ako, Pero teka nga, Bakit nagsinungaling pa ako, Eh pwede ko namang sabihin yung totoo? Aishtt! Bahala na nga!
Tumayo na ako at lumabas na ng cafeteria para makapunta sa library, Nang makarating na ako nakita kong nakasandal si Reid sa puno at nakakunot ang noong tinitignan ako, Inirapan ko muna siya bago nilapitan.
Ngumisi siya sakin nang makalapit na ako kaya ngumiwi ako. Bakit kung maraming tao hindi siya ganito, Pero kung kami lang.......Bakit?
"What?" Tanong niya nang makitang kanina ko pa siya tinitignan.
"Why are you so mysterious?" Naks! English yun Ailee ha! Psh! Sobrang na cu-curious talaga ako sa katauhan ng isang 'to eh.
"Tch, Basta. Sorry kanina." Himala at marunong pala siyang mag sorry, Akala ko ang sunget niya eh!
"Yah! Whatever----." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang makita ko yung ex ko kasama yung bago niya sa likod ni Reid. Nanghina ako kaya kumapit ako ng mabuti sa punong nasa harap ko.
Letse lang kasi! Akala ko wala na talaga eh! Pero bakit meron pa? Ang tagal na nun ah, Nakita ko pang kumunot ang noo Reid ng makita akong nagkakaganito, Lumingon siya sa likuran niya at binalik ulit ang tingin sakin.
"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya, Umiling ako habang nakatingin pa rin kina Zen, Kasalanan mo naman Ailee! Iniwan mo siya kaya wag kang umakto na ikaw ang mas nasaktan.
"Kaano-ano mo si Zen?" Kilala niya siya? OMG! Kinagat ko ang labi ko, Tinignan ko ang library ngayon at nakita kong kaming apat lang ang tao rito, Idagdag mo pa yung ibang nagtitinda. (Nasa labas po kami ng library)
Nagulat nalang ako ng bigla akong hinila ni Reid palapit sa kanila, Nagpupumiglas ako pero huli na ang lahat dahil nakita na nila kami, Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon idagdag mo pa na sobrang kinakabahan ko, Hinawakan ko ang braso ni Reid kaya napatingin siya sakin, Tumingin din ako sakanya na parang nagmamakaawa na umalis na kami dito pero umiling siya.
"Oh Reid?" Parang nahihiyang bati nung bago ni Zen, Tumango lang si Reid dito saka tinignan niya si Zen at tinanguan rin, Pinisil ko na ang braso ni Reid kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Close pala kayo?" Wika ni Zen, Inismiran siya ni Reid.
"Yeah." Sagot lang ni Reid, Kaya napatingin ako sakanya, Kami. Close? Hindi ko alam yun! Oh my god! Ano ba ang nangyayari?
"Ahhh..." Nahagip ng mata ko na tumingin si Zen sakin, Hindi ko kayang ngumisi kaya tumango nalang ako.
"Uhm, Una na kami." Nagsalita ulit yung babae at hinila na niya palayo si Zen doon, Nakahinga ako ng maluwag pero hindi ko na napigilang humikbi, Gulat na tinignan ako ni Reid, Pero ako yata ang mas nagulat dahil hinila niya ako palapit sakanya at biglang niyakap.
"Ang bata mo pa, May lovelife ka na." Narinig ko siyang humalakhak kaya hinampas ko ang dibdib niya, Pero hindi manlang siya nasaktan.
"Yah! Ang bad mo!" Ngumuso ako, Hinaplos niya ang buhok ko at hinarap sa kanya.
"Treat kita ng ice cream." Ngumisi siya, Ganon din ang ginawa ko tsaka tumango. "Kukunin ko muna yung bag ko. Haha." At hinila na niya ako papunta sa building nila.
Aaminin kong nagiging komportable na din ako kay Reid kahit ilang araw palang kami nag uusap. Nanlaki ang mata ko ng may naalala ako! Agad kong kinalabit si Reid kaya napatingin siya sakin.
"May klase pa ako Reid..." Mahinang wika ko sapat na para marinig niya, Ngumisi siya.
"Hindi ka nakikinig? May meeting ang mga teachers ngayon." Sabay bukas niya sa pintuan ng classroom nila, As usual tumahimik ulit sila ng makita kami ni Reid na magkasama.
Nanlaki ulit ang mga mata ko dahil kaklase pala niya yung bago ni Zen, Tinignan ko siya na ngayon ay nakatingin kay Reid na papalapit sakin ngayon.
"Lets go." Sambit niya at hinawakan ang pulsuhan ko, May narinig pa akong nagbulungan sa likod namin pero hindi na namin iyon pinansin pa.
