Chapter 1

15 3 0
                                    

AILEE SHAN'S POV

*******

"Kuya bilisan mo na nga diyan! Dami mo pang arte eh!" Malakas na sigaw ko kay Kuya, Pupunta kami ngayon sa bahay nina Sienna, Ngayon daw kasi dadating yung pinsan nila.

"Eto na!" Sigaw niya pabalik, Lumapit muna ako kina Mommy at Daddy at hinalikan sila sa pisngi.

"Take care." Bilin nila, Tumango ako, Inunahan ko na si Kuya na makapasok sa sasakyan namin, Umupo ako malapit sa bintana.

"Sino ba kasi yun?" Naramdaman kong umupo na si Kuya sa tabi, Nilingon ko siya at nginiwian.

"Ipapakilala nga satin diba? Maghintay ka!" Humalakhak siya at sinaksak ang earphones niya sa kanyang tenga, Allen Shin, Ang nag iisang kapatid ko.

Buong byahe namin ay tahimik lang ako,Hindi ko naman makausap si Kuya dahil hindi niya naman ako maririnig. Mga tatlumpong minuto din ang tinagal ng biyahe namin bago makarating sa bahay nina Sienna.

Bumaba ako sa kotse namin at tinignan ang bahay nila, Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito, Marami talagang nagbago, Ang dating kulay berde nilang gate ay naging pula na ngayon, Malaki ang bahay nila, Pero hindi sa nagmamayabang ako mas malaki ang bahay namin ng konti.

Nag door bell kami sa gate nila, At bumungad samin si Thea at Sienna, Nakarating na pala si Thea, Ngumisi si Kuya sa kanila, Nagbeso naman ako.

"Ang gwapo ng pinsan nila!" Bulong ni Thea sakin habang nagbebeso ako sakanya, Humalakhak ako. "Masungit nga lang. Hihi." Dagdag niya pa, Nadagdagan na naman siguro yung crush netong si Thea, Una si Samuel, Pangalawa yung college sa school namin na si Ivan, Pangatlo naman siguro itong pinsan nina Sienna.

Sabay kaming  apat na pumasok sa loob, Nagmano ako kina Tita at Tito at sinundan ulit sina Thea na papunta sa garden nila. Pagdating namin doon, Nakita ko si Samuel na nakatingin samin at ang isang kasama niya ay nakatingin ata kay Kuya, Ewan?

Kumaway ako kay Samuel, Ngumisi siya sakin at kinawayan din ako, Umupo ako sa isang upuan doon at tinignan yung pinsan nilang mukhang masungit nga. 

"Reid, Sina Ailee at Kuya Allen nga pala, Kaibigan ni Ate." Ngumiti ako kay Reid pero tumango lang siya, Psh. Masungit nga.

"Ilang taon ka na brad?" Dinig kong tanong ni Kuya sa kanya.

"17." Simpleng sagot niya, Ahead pala siya sakin ng dalawang taon, 15 palang ako. Grade 10 student, Sina Thea at Sienna naman ay parehong 16 na, Ako yung pinaka bata sa aming tatlo.

"So saan ka mag aaral?" Nakangising tanong ni Thea kay Reid,Nag papapansin lang yata ang isang 'to eh.

"Why are you so curious, miss? Kanina ka pa ah." Mukhang napahiya si Thea sa sinabi ni Reid, Pero nakuha niya pa ding ngumisi at umirap. Umiling si Reid sa kanya.

Gwapo si Reid, Matangos ang kanyang ilong, May pagka chinito ang kanyang mata, Tamang tama ang pangangatawan niya at halatang masungit talaga siya.

"Ill go ahead." Sambit niya at umalis sa garden,

"Ang sungit talaga nun! Parang may dalaw palagi!" Sabay tingin ni Sienna sa daang hinatak ni Reid. "Sorry sa inasta niya Thea, Ganun lang talaga siya." Tumango si Thea at umirap na din.

"Na turn off na ako, Eww! Dalawa nalang ulit crush ko!" Humalakhak si Thea at nakita ko pang sumulyap siya kay Samuel na busy ngayon sa cellphone niya.

Tumingin ako kay Kuya na busy na din sa cellphone niya ngayon, Busy na naman siguro siya sa mga babae niya. Nakaramdam ako ang pagka uhaw kaya tumayo ako at sinabing iinom muna ng tubig.

Naabutan ko pa sina Tito at Tita na paalis kaya kumaway at ngumiti ako sa kanila. Tinahak ko nalang din ang daan papunta sa kusina nila, Naabutan ko doon si Reid na nakapameywang habang nagtitimpla ng juice, Mas lalo tuloy akong nauhaw, 

Napatingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay, Ngumisi ako sa kanya at kumuha ng baso. Ngumiwi siya, Humalakhak ako, Binuksan ko ang ref nila at nakitang walang tubig doon.

"Wala ng tubig?" tanong ko sakanya, Umiling siya at nginuso ang upuan sa harapan niya.

"Anong gagawin ko diyan?" Takang tanong ko, Ngumisi siya, Natigilan ako. Nginisihan ako ni  Reid?

"Edi umupo, Hintayin mo 'tong juice." Kumunot ang noo ko pero wala na akong nagawa kundi ang umupo nalang sa harapan niya.

"So, Ilang taon ka na?" Biglaang tanong niya, Umangat ang gilid ng labi ko at hindi makapaniwalang tinignan siya.

"15 palang." sagot ko, Kinuha niya naman ang baso ko at nilagyan iyon ng juice, Mabait naman pala siya ah. HAHA.

"Bata. Haha." Humalakhak siya kaya tinaasan ko siya ng kilay, Marunong din pala siyang tumawa?

"Eh bat ang sungit mo kanina?" Biglang tanong ko. Nagkibit balikat siya.

"Ingay kasi nung kasama ni Sienna." Humalakhak ako at tumingin sa kanya.

"Psh! Mas maingay nga ako dun eh!"

"Really?" Humalakhak ulit siya, Ang sarap din pala niyang kausap! Haha.

"Shan." Bigla kong narinig ang boses ni Kuya kaya nilingon ko siya, Nakakunot ang noo niya habang tinitignan ako, Ngumisi ako sakanya.

"Bakit?" Tanong ko, Unti unti naman siyang lumapit sakin.

"Uwi na tayo, Baka ma late tayo bukas." Sambit niya, Tumango ako at ngumuso, Tumingin ako kay Reid na seryosong nakatingin samin ngayon.

"Una na kami, Nice talking with you." Tinanguan niya lang ako at tinapik niya sa balikat si Kuya, Umalis na kami doon at nagpaalam kina Sienna,

"Close pala kayo." Sabi ni Kuya habang tinatawagan ang driver namin.

"Hindi naman." Sagot ko pero mukhang hindi niya iyon narinig dahil sinagot na ata ni Manong yung tawag. Pagkababa ng tawag at ngumisi sakin.

"Crush mo siya no?" Hinampas ko siya.

"What? NO! NEVER!" Sigaw ko tumawa lang siya.

"Mas gusto ko siya kesa kay Zen." Bigla siyang nagseryoso, Natahimik ako dahil namention na naman ang pangalang ayaw kong marinig.

Mabuti nalang at dumating din si Manong Ramon kaya hindi na nagsalita pa ulit si Kuya.

When will i forget you Zen?

Crazy In LoveWhere stories live. Discover now