AILEE SHAN'S POV
Tinatamad akong tinatahak ang daan papunta sa building ng Senior's, Inutusan kasi ako ni maam na kunin yung libro niyang naiwan kanina sa isang classroom.Pupwede namang siya yung kumuha! Psh!
Nasapo ko nalang ang noo ko nang makitang aakyat na naman ako sa hagdan! Bakit ba kasi walang elevator o escalator manlang dito. Umirap ako at umakyat nalang, Third floor pa yung room na pupuntahan ko kaya may ilang hagdan pa akong tatahakin.
Nang makarating na ako sa second floor, Tinakbo ko na ang papunta sa third floor, Hinihingal pa ako nang makarating doon,Mabuti nalang at walang tao sa hallway dahil oras ng klase, Kumatok ako sa classroom kung saan nanggaling si Ma'am kanina. Nang bumukas ang pintuan, Halos takpan ko na ang magkabilang tenga ko sa sobrang ingay nila! As in ang ingay talaga, Hindi ba nila alam na may nagkaklase sa magkabilang room.
"Why are you here?" Biglang tumahimik ang buong classroom pati ako ng marinig ko ang pamilyar na boses, Unti unti ko iyong nilingon at nakita ko si Reid na diretsong nakatingin at nakapamulsang naglalakad palapit sakin. Dito siya nag-aaral?!
Narinig kong nagbubulungan ang ibang tao doon, Especially ang mga babae, Kesyo daw 'Kilala ko si Reid!' 'Ano ko si Reid' Psh, Kaya siguro ang ingay ng room nila dahil nandito si Reid, Sino ba kasi ang hindi maattract sa kanya? Siguro nung umulan ng kagwapuhan nandon siya at gising na gising.
"May pinapakuha lang si Ma'am." sagot ko, Tinignan niya ako na parang tinatanong kung ano iyon. "Yung libro daw....." Dagdag ko, Tumango siya at tinuro yung mesa sa harap, Naglakad ako papunta doon at dali daling kinuha yung libro,
"Salamat! Hindi mo manlang sinabi na dito ka din pala nag aaral." Baling ko kay Reid, Narinig iyon ng mga kaklase niya. Alam ko. Ang tahimik kasi nila eh.
"You never asked." Seryosong wika niya, Nakita kong gusto niyang ngumisi pero pinipigilan niya lang, Bakit Reid?
"Una na ako, See you." Ngumiti ako sa kanya, Tumango lang siya at ginulo ang buhok ko.
"Yeah, Take care." Tinalikuran ko na siya at dali daling lumabas sa room nila, Bakit ganon siya? Hindi pa din mawala sa isip ko yung pagpipigil niya ng ngisi! Bakit ganun si Reid?
Pagkalabas ko sa building ng SHS nakahinga agad ako ng maluwag, Tumakbo nalang ako papunta sa building namin dahil malapit lang naman, Pagdating ko sa room, Halatang hinihintay talaga nila ako.
"Sorry medyo natagalan, La kasing elevator eh." Tinaas baba ko ang kilay ko dahil ang tahimik nila at mukhang gulat na gukat, Napatingin ako kina Thea at Sienna na nakanguso sa likod ko, Kumunot ang noo ko bago nagsalita ulit.
"Ano ba?! Dont tell me may multo sa likod ko!" Inis kong wika, Tumingin ako sa professor namin na parang naghihintay na lumingon ako sa likod ko.
"Ayts! Sino ba kasi yan?!" Inis kong nilingon ang nasa likod ko, Nagulat ako nang makita ulit si Reid na winawagayway ang I.D ko, Omg! Bakit hindi ko namalayang nahulog iyon? Gawd! At siya pa talaga ang nakakita?
"Uh. Thanks?" parang nahihiyang wika ko, Kinagat niya ang labi niya at tinalikuran agad ako, Now what Reid?
Hindi ko nalang iyon pinansin at umupo nalang sa upuan,Nag discuss na din yung professor namin pero hindi ako nakinig, Hindi sa tamad ako, pero wala talaga akong gana na makinig ngayon. Tumingin ako sa katabi kong si Thea na pasimpleng nag cecellphone si Sienna naman ay nakanguso habang tinitignan ako.
Biglang nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ko. Kumunot ang noo ko nang makitang si Thea ang nagtext.
From:Teya (Thea)
Ail may hindi ka ba sinasabi samin? Kung titignan ko kayo ni Reid parang close kayo or what! Share mo naman oh! Parang sasabog na utak ko sa dami ng iniisip dagdag mo pa na exam na natin next week! Gawd.
Nagbuntong hininga ako bago nag type ng itetext ko sakanya.
To: Teya (Thea)
OA mo! Kahapon binigyan lang naman niya ako ng juice, Close na agad? Stop over-thinking Tey, Hindi kami close or what, Nag uusap lang talaga kami.
Nang makita kong nabasa na niya yung text ko, Tumingin siya sakin at ngumisi, I guess nasagot ko na ang mga tanong niya, Kinalabit ako ni Sienna kaya lumingon ako sa kanya.
"Reid texted, Kita daw tayo sa cafeteria pagkatapos ng classes nila." Pinakita niya samin nina Thea ang text ng pinsan niya, Tumango nalang ako at nakinig kay Ma'am dahil tungkol sa exam ang sinasabi niya ngayon.
"So, 1-150 ang exam natin, Basahin niyo lang yung mga handouts na pinamigay ko dahil doon ko lahat kukuhanin, Next week, Monday ng exam natin, Thats all for today, Goodbye." Nasapo ko ang noo ko dahil next week na agad at hindi pa ako nakakareview sa kahit na anong subjects, Math ang subject ni ma'am kaya alam kong mahirap talaga.
Pagkalabas ni Ma'am sa room, Tumayo ako at nag-unat, Hinila naman agad ako nina Sienna at Thea palabas ng room, Bakit ba atat na atat silang makita si Reid?
Medyo malayo ang cafeteria sa room namin kaya medyo natagalan kaming makapunta doon, Pagpasok namin luminga-linga si Sienna sa paligid na parang hinahanap yung pinsan niya, Maingay ang cafeteria ngayon, Siguro nandito nga si Reid.
"Ayun sila oh!" sigaw ni Thea para marinig siya namin, Ang ingay kasi talaga, Tumingin ako sa tinuturo niyang mesa, Nakaupo doon sina Samuel, Kuya Allen at Reid,Nakatingin halos lahat ng babae sa kanila ngayon.
Naglakad kaming tatlo papunta doon at nang makalapit na kami sa kanila, Padabog na hinampas ni Sienna yung mesa nila. Ngumiwi kami ni Thea nang bigla niyang dinuro si Reid. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Reid.
"Reid Euan bakit hindi mo sinabing dito ka pala nag aaral?" Kinunutan siya ng noo ni Reid, Umangat ang gilid ng labi ni Sienna.
Pero wait! Reid Euan? Second name niya ba yung Euan? Malamang siguro Ailee! Narinig mo namang tinawag siya ni Sienna ng ganon eh!
"Psh, Sorry, Ayoko lang sabihin." Umirap si Sienna at parang hindi makapaniwalang tinignan si Reid, Umiling siya at umupo sa tabi ni Thea. Ngayon saan na ako uupo neto?
Tinignan ko si Kuya at nginuso yung isang upuan sa isang mesa na hindi ginagamit ng umuupo doon, Ngumisi siya sakin at nilapitan ang grupo ng mga babae.
"Yow beautiful ladies, Pwedeng kuhanin ko muna yung isang upuan?" Kumindat pa si Kuya sa mga babae at halos manisay ang iba sa kanila sa sobrang kilig,Umiling ako at umirap.
Pag ikaw talaga nakahanap ng katapat mo Kuya! Tignan lang natin.
Binigay niya sakin yung upuang hiniram niya kaya nakaupo na ako.
"Order na kayo, Treat ko." seryosong wika ni Reid kaya napatingin kaming lahat sa kanya, Umirap siya bago nagsalita ulit. "Ayaw niyo?" Agad akong umiling kaya napatingin siya sakin at inismiran ako.
"Float lang akin!" sabay na wika nina Thea at Sienna, Tumawa pa ang dalawang bruha at nag apir.
"I want burger and spaghetti." sa wakas ay nagsalita na rin si Samuel!
"Footlong lang akin." Ngumisi si Kuya, Tumingin si Reid sakin na parang hinihintay ang sasabihin ko.
"Uhm, Spag. nalang." sambit ko, Tumango siya at tumayo, Tumingin ulit siya sakin kaya kumunot ang noo naming lahat sa kanya.
"Samahan mo ako." seryosong sambit niya at naunang maglakad doon, Nalaglag ang panga nina Kuya at tinignan akong hindi parin makapaniwala.
"Oh my god!"
"Shheeeet! Haba ng hair mo!" Sigaw nina Sienna, Umiling ako sakanila at tumayo para sundan si Reid na nakatitig sakin malapit sa counter.
Bakit ganito ka sakin Reid?