Ako ay isang FERRIS WHEEL, umiikot
Umikot muli, maibsan lang lungkot
Sa mata ng iba ay kaakit-akit
Ngunit saakin ay hindi makalapitDahil ba iba ako o may iba ka
Kay sarap tingnan ang ngiti mo.... Sa IBA
Ako rin nagpapasaya! Hindi ba?
Pero kay sakit kasi pinili mo siyaMAS PINILI MO SIYA!.. Pinili mo siya..
Ganon naman talaga, maganda siya
At wala akong patama sa kaniya
Kaya naisip ko, tama na, tigil naNgunit bakit patuloy paring umikot
Kahit nag- uumpisa nang kumirot
Ang MAKINANG gusto na sayo'y lumimot
AYAW! Magpapigil, sayo'y nakatutokAng pintuang matagal ng nakatambay
Na sa iyong pagdating na hinihintay
Ilang taon rin ang ginugol ko mahal
Sana sa ngiti ko'y makita any lumbayOo nga at kilala ako ng lahat
Na masayahin sa pagtingin ng lahat
Ako'y nag-ayos, mukha parin ay kalat...
Wala naman sa mukha kung magtatapat!Gusto ko nang itapon!, magbago! Lahat!
Lahat ng aking nararamdaman sayo
Lahat ng pagtingin na gusto ko'y akin
Kaya mo bang maihandog sa akin?Tandaan mo, masira man ang FERRIS WHEEL.
meron at meron paring aayos sa akin
At hindi sa lahat ng pagkakataon
May magmamahal sayo gaya ng akin...