Damit

29 0 0
                                    


mga kandidato na nakadikit sa damit ko

tunay bang ako ito

nangako sakin na gagawin ito

pero parang panaginip lamang ito


nagtulak ng kariton

suot ko ang damit na binigay niyo

nakikita niyo ba ako?

o nakikita niyo lang ako kapag kailangan niyo


kapag malapit na ang botohan

ako'y mabilis na lumabas

inasam na mabigyan ng pilak

na sa inyo ay kapiranggot lamang


magandang katayuan, magandang kasuotan

magandang salita, ang kapal ng mukha!

taon-taon ko na lamang naririnig 

ang mga pangakong kay sakit na sa pandinig


pero paano nga ba sasabihin?

kung kayo ay natatakot saakin

paano nga ba babanggitin? 

kung patay ang aabutin


dalawa kaming nagtutulak ng kariton

dalawa kaming nakasuot , nakatatak IBOTO....

siya ay nagtitinda ng asin

ako naman ay nangungulekta ng basura


pareho kaming matanda na

pero kaya paring magtulak pa

sa totoo lang hindi ko na kaya

pero para may makain gora!


hinihintay ko na mapalitan ang damit

gusto ko sana'y puti at plantsadong damit

ngunit paano makakamit?

kung ako ay nakadapa sa putik?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Daily TulaWhere stories live. Discover now