Camera

14 0 0
                                    


pilit kong itinutok ang camera

sa mukha niyong kay saya

ano ba dapat ang madama?

nang puso kong sayo lamang sumasaya


ngunit sayo rin ito sumasakit

bakit ba sayo naaakit?

kahit na ang sakit-sakit 

nang puso kong hindi nagagalit


bawat click,pindot, nasasaktan

gusto ko nang itigil ito pero.....

ako lang ang magmumukhang tanga

sa mga kaibigan ko ba talaga?


nakaya ko na naman na video-an ka

pero hindi ko na kinaya nang kasama mo siya

sabi nga nila "wasak"......

alam ko na naman eh! wag nyo nang ipamukha sakin


anong filter ang gagamitin 

sa emosyon kong hindi alam ang gagawin

nagsabay pa ang puso't isip sa layunin

ang umiyak nang umiyak ngayon din


pero paano? wala ang kaibigan sa tabi

nakisabay rin ang kantang nakakalungkot 

sa puso kong kumikirot

ayaw ko na! gusto ko nang....


hayaan ang gripo na masira

nang ito ay maging malaya

dahil ito ay nasasakal rin

sa maskarang laging suot natin


itutulog na lang ba?

gaya ng sumasakit na ulo?

sana nga ganun kadali

mawala ang sakit kahit saglit

Daily TulaWhere stories live. Discover now