akala ko masaya na ako
sa aking suot na pampalubag loob niyo
pero ikinagulat ko, ako ang naloko
naloko sa sariling pagpapakatao
ano ba dapat ang aking isusuot
kahit na sa loob ay gusot-gusot
dalawa lamang ang aking damit
pang-araw at panlamig lang ang meron ako
lagi kong isinusuot ang pang-araw
kahit ang kailangan ko'y panlamig
sarilinin ko na lang ba ang nararamdaman?
kahit ako'y matutumba na?
nagsimula nang umulan sa aking lugar
ngunit mas pinili na umaraw, maitago ko lang
ang katawan kong kong gumagaralgal
maipakita ko lang na wala akong ibang nararamdaman