Chapter 1

144 3 3
                                    

  Isang malakas at malutong na sampal ang binigay ni Milagros sa mukha ng kasintahang si Kenneth. O kung sa madaling salita ay dating kasintahan na.
Fuck that man!
pagkatapos niyang ibigay ang pera niya at patirahin sa pamamahay niya ay nagawa pa siya nitong lokohin.
Ang walang hiya!
Mabuti nalang at hindi niya binigay ang pinakaiingatan niyang pagkababae kung 'di siguro ay nagmamakaawa na siya rito na 'wag iiwan at kailangan na pakasalan siya nito dahil nakuha nito ang kanyang pagkainosente.
Ngunit iba ngayon ang sitwasyon sa pagitan nila.
Ito pa ang may ganang manloko at ipagmukha siyang tanga?
Heh! Puwes nagkakamali ito ng binangga dahil kung lalaki lang ang pag-uusapan marami siya no'n!
Oo, marami! ngunit mga pusong mamon naman at kung kumending ay daig pa ang bebe.
"I'm so sorry, Babe--"
"'Wag na 'wag mo akong tinatawag na 'babe' dahil hindi ako baboy! Hoy, ikaw lalaki pagkatapos kitang pakainin, pabihisan at patirahin sa bahay ko ay ganito pa ang isusukli mo sa'kin, ha?" nakatungo lang ang lalaki  "I'm so sorry Mila, Let me--"

"Shut the fuck up!" putol niya sa mga litanya nito na gustong magpaliwanag sa kaniya.
Bumaling siya sa babaeng kasama nito na parang pinako sa kinatatayuan at nakayuko ang ulo. Mukhang natakot ito sa aura niya.
"At ikaw babae, kaanu-ano mo ang lalaking 'to?" pinanlisikan niya ito ng mga mata.
"Bo-Boyfriend ko po siya." nanginginig na sagot nito.
Kahit hindi niya aminin sa sarili nag-iinit na ang sulok ng mga mata niya. Ngunit pinipigilan niyang ang sarili na hindi maiyak sa harap nito at makita siyang mahina. Ayaw niyang bigyan ito ng pagkakataong maliitin siya at sabihang mahina, na siya si Milagros Lauherta na hindi naaapektuhan ng salitang 'mahina' dahil siya ay isang Police woman sa kanilang lungsod.
She's brave and Prideful woman. Wala siyang kinakatakutan kahit na bomba pa ang mga tabi niya sa pagtulog.
Humugot siya ng malalim na hangin at marahas na bumuga upang kalabanin ang kahinaan bumabalot sa loob niya. Pinakalma niya ang sarili.
Tama na ang sakit na ito!
Tama na! 

  "Well, bagay naman pala kayong dalawa," komento niya.
napaangat ang dalawa at parang may mali sa mga sinabi niya. Mapakla siyang tumawa na parang nang-iinsulto at tinitigan ang dalawa na tila nahuli sa isang karumal dumal na krimen.
"Mukha kayong mga baboy, maraming taba, nakakahighblood kayo!" kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao sa paligid ng mall.
Wala siyang paki-alam kung ma viral man siya sa Internet nang dahil sa lalaking ito.
Mga talunan!
Hinding hindi siya papayag na apak-apakan ang pagkatao niya bilang isang tao at bilang isang babae.
Insulto iyon para sa kanya.
Na parang pinapalabas nito na isa siyang pangit na klase ng babae dahil pinagpalit siya nito sa isang mas bata at mas sexy pa sa kanya.

At parang wala siyang karapatan na mahalin at seryusuhin ng isang lalaki.


ITUTULOY....  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're  MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon