FUBU 1
Di ko alam kung bakit pero napaka gwapo nya sa paningin ko!! Kyahhh!! Bakit ba kasi crush na crush kita Amon!! Nasa likod bahay kasi si Amon na katapat ng kwarto ni Maxine at naglalaro ng basketball. Naka Jersey short lang sya at walang pangtaas. Akala ko noon. OA yung may 8 packs na abs pero. Looking at his beautiful, sizzling hot well tone body.. Fuck!! Nakaka takam!!!
"Hoy!! Loka pinag nanasaan mo nanaman si kuya. Magtigil ka nga dyan. Playboy yan f*ckb*y pa. Di pumapatol sa bata. Gusto nyan yung babaeng bukaka agad." Si Maxine. Nasa kanila kasi kami ngayon. Malapit na kasing matapos ang summer kaya sinusulit ko ng narito ako at malaya kong nakikita si Amon. Sa susunod kasi parehas na kaming busy. Sya sa collage ako upcoming 4rt year high school. Hay ang hirap magka gusto sa lalaking mas matanda sakin.. "Lara Nadine Cruz!!! Nakiking ka ba?"
"Ai Amon!!" Bulalas ko. Kasi naman sa teynga ko pa talaga sya sumigaw. Pucha diba!! Sarap sapakin kung di ko lang to bestfriend natadyakan ko na to!
"Kasi naman kanina pa kita tinatawag na kakain na tayo di ka nakikinig. Bilisan mo kaya!!?" Si Maxine na highblood na highblood kaloka sya sobra!!
"Oo na nandyan na. Bwisit na to." Kakamot kamot nalang ako na sumunod sa kanya. Pag punta naming sa kusina. Nandoon si tita Mylyn at kayakap si tito Jeff habang naghahanda ng breakfast namin.. Yes! Dito ako nakikitulog ngayong summer alam naman nila mama at ok lang sa kanila. Matalik kasing magkaibigan si tita My at si mama so alam nya na nasa mabuting kamay ako. Hehehe
"Good morning ma, pa" Patamad na sabi ni Max. Muka pang bruha dahil puyat nanaman. Buong gabing nag dota kalaban yung mga barkada nyang lalaki. Galing diba? Kababaeng tao dota, bilyar, basketball kung ano anong panglalaki ang ginagawa at nilalaro. Di naman sya tomboy. Talagang nahawa lang sa kuya nya at isa pa nyang bestfriend na si Anthony.
"Good morning, tito tita.." Bati ko rin sa dalawang naglalampungan. Kung mag aasawa ako. Promise gusto kong magkaroon ng asawang katulad ni tito Jeff. Maalaga mabait, masipag, mapagmahal, stick to one, loyal, malambig as in total package na sya. Wala nang hahanaping pang iba si tita.. Na patingin naman sila samin. Ang ganda ng ngiti nila. Hay, sana ganito rin ako pag nag asawa ako.
"Morning din. Umupo na kayo at magsi kain na tayo. Maxine baby pakitawag na kuya mo ng makasabay na satin." Utos ni tita.
"Ma si Lana nalang alam mo namang pangarap nyan si kuya." Namula ako sa sinabi ng baliw na babaeng to! Waaahhh ang sama nya!!
"Sige Lana ikaw na tumawag sa future husband mo." Si tito. Wahhhh!!! Nakakahiya!!! Tinawanan nanaman nila ako... Tumayo nalang ako at tinawag sa likod bahay si Amon..
Nadatnan ko sya na nag shu shot parin ng bola . Ang ganda ng paggalaw ng mga muscles nya!! Wahhh!!! Lana mag tigil ka. Wag kang magpapadala sa tukso!! Kinoltoka ko ang ulo ko para lang matauhan ako sa iniisip ko. Pag nakikita ko talaga si Amon nagkakasala ako.
"Hey, Lana what are yo doing??" Tanong nya. Napatingin naman ako sa kanya. Napakalapit na pala nya akin... At dahil matangkad sya ng di hamak sakin ay abs lang nya ang nakikita ko. Fuck Lara Nadine Cruz! Tumingala ka!!!!
"Like the view??" Tanong nya. Napalunok ako at tumango. O_O What the hell!!! Ano nagawa ko!!
"Ahhh Hindi pala! Ano.. uhhhmm kakain na daw!!" Sabay takbo ng mabilis sa loob ng bahay.. Nako!!!! Nakakahiya!! Lana ikaw na tanga! Kung ano ano ginagawa mo! Nakakahiya! Narinig ko syang tumawa. And....
"Easy Shortcake!" Sigaw nya... Ayan nanaman yung shortcake na yan! Ipamuka bang 4'9 lang ako! Pag ako tumangkad! Hu yu sya sakin! Hump >∆<!
-----------------------------
First day of school!!! Kyahhhhh! Miss ko rin tong mga ugok na to!
"KYAAAAHHHHH LANA-GIRL, MAXY-GIRL!! I miss you both!! Musta vacation?" Si Jeff ang ingay ingay talaga ng baklang to. Niyakap nya pa talaga kami na parang sampong taon kaming di nagkita kita eh almost araw araw din kaming nagkikita pag bakasyon.. Baliw lang no??
"Loka parang di mo naman kami nakasama noon bakasyon." Sabi ko at binatukan ko pa sya. Tawa naman ng tawa si Max dahil mukang bibe na nag pout si Jeff sa tabi naming...
"Yuck Jeff magtigil nga yang kapangitan mo. Alam kong pangit ka pero wag mo ng ipag duldulan samin!" Biro ko. Oo na ako na masakit magbiro! Nakasanaya na nila yan. 4 na taon na kaming magkakasama. Di na sila nagdadamdam..
"Tangina mo friend" Tatawa tawa nyang sabi..
"Tangina mo rin.. very much!" Sigaw ko. I love you ang ibig sabihin samin nun. Hahaha mga adik ba? Ganyan kami. Walang talo talo. Malilibog ang mga bunganga. Berde ang mga utak. Pero neutral kami dito. Walang lalaki walang babae. Magkakapatid lang!! Well almost.. Lets not talk about them nakakasira lang ng ganda.
"Hoy mga paker! Tangana nyo! Nasan pusta nyo! Aba nanalo ako kagabi!" Sigaw ni Max sa mga kaklase naming lalaki.. Yan nanaman sila sa dota nila na wala akong alam.. Bahala na nga sila..
"Nagsimula na yung klase." Nakakatamad talaga? Tingin nalang ako sa ground. Nasa gilid kasi ako ng bintana. Sa likod ni Maxine na ngiting tagumpay dahil marami nanaman syang makakain mamayang breaktime at lunch. Courtesy ng mga natalo nya kagabi.
Nanlaki ang mga mata ko ng Makita ko si Amon na kasama ang mga ka team mates nya. Paalis na sila. Ano naman kaya ginagawa nila rito. Nakatitig lang ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko syang lumingon sa gawi ko at kinindatan ako! Fuck! OFMG! Kinikilig ako!
"MISS CRUZ! ARE YOU LISTENTING?" Sigaw ni miss Minchin este miss Carbonel. Napatingin tuloy ako sakanya ng pagulat.. Haizt!! Panira tong matandang dalaga na to!
"Sorry po ma'am" Sagot ko. Buti nalang at di na ako pinansin at nagpatuloy na sa pagtuturo.
--
"Max! Lana!" Sigaw ni Anthony ng makatapat kami sa bilyarang paglalaruan nila. May laban nanaman kasi sila pustahan nanaman. Hay nako kung di ko lang to bestfriend naitapon ko na to! Lumapit ito at inakbayan si Max. Nako galawan!
"Di pa kasi ligawan." Sabi ko. Natawa naman si Anthony.
"Loko. Bash Manahimik." Ok tahimik na ako.. nagsimula na silang makipag usap sa mga kalaban nila. Ang laki ng pustahan. All or nothing pa.. 3 thousand isang set lang! Si Max lang ang lalaban kaya easy lang si Anthony na nakaupo sa tabi ko..
"Hoy Tony. May gusto ka kay Max hano?" Tanong ko. Mapangiti naman sya.
"Oo kayalang kilala mo naman si Max. Masasapak ako nun pag sinabi ko sa kanya na mahal ko sya. Ganito muna siguro kami." Sabi nya. Kilig naman ako. Torpe!
"Bahala ka. Mamaya maunahan ka ng iba. Magsisi ka pa." Sabi ko. Wow ha relate ako doon. Pero iba naman kasi yung akin. Si Amon mahirap talagang abutin. Sobra!!
"Gagawa rin ako ng paraan Lana. Pero di pa siguro ngayon.. Natatakot pa ako na mawala pinaghirapan kong buuin.." Ngiti lang sya. Ay bahala sya. Wala naman akong paki alam love story nila yan. Nanuod nalang kami. Nauna ang kalaban ni Max. Pero nung sya na ang tumitira di na nya pinakawalan ang turn nya. Hanggang sa natapos at putting bola nalang ang matira. In the end panalo nanaman sila. 500 kay Anthony. 500 sakin. 500 pambalato at 1500 sa kanya. Kaya mayaman tong gagang to eh. Di na kaya yan nanghihingi ng baon.
"Ano uwi na tayo?" Tanong nya. Tumango nalang ako at lumabas na kami ng bilyaran. Kami lang dalawa. Halos madilim na rin kasi. Maya maya uneasy nanaman ang pakiramdam nya.
"Hoy, Bakit ba?" Tanong ko.
"Pakiramdam ko kasi may nakatingin nanaman sakin." Sabi nya. Lagi nalang nya yan nararamdaman. Lahat naman ng tao. Alam nila pag may nakatitig sa kanila o wala. Sense ng lahat yun.. Kinakabahan naman akong napatingin sa paligid. Wala naming katao tao. Hay!!
"Bilisan nalang natin, Bash." Sabi ko at nagmadali na kaming maglakad pauwi
..................................