Chapter 5
AMON
Dali dali akong pumasok ng marinig kong umiiyak si Maxine sa loob ng bahay. Nasa tabi sya ng kabaong ni mama at humahagulgol ng iyak. Di makapagsalita lahat ng tao rito maging ako. Nahihirapan ako sa nakikita ko. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap sya. Halos mapaupo sya pero di ko sya hinahayaan. Naaawa ako sa kapatid ko.
"Max, tama na!" Pigil ko sa kanya. Yumapak sya sakin. At paulit ulit ang sinasabi nya.
"Sorry... Mama sorry." Iyak lang ito ang iyak habang sinasabi yon. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
"Wala kang kasalanan, bunso. Tama na." Pagpapagaan ko sa loob nya. Kung sino mang ang hayop na gumawa nito kay mama. Magbabayad sya. Di man sya mapanagot rito sa lupa. Mananagot sya sa may taas.
Kumawala sya sakin at tumakbo palabas. Sinubukan kong habulin sya ngunit di ko na alam kung saan sya napunta. Fuck!
Bumalik ako sa bahay na si Lana at Anthony na ang nakita kong naroon. Mabilis na lumapit si Lana sa akin at niyakap ako. Di ko na sya pinigilan. Iyak lang din sya ng iyak. Niyakap ko sya. Sana lang maging maayos ang lahat. Sana lang. Sana lang talaga.
......
"Di parin ba umuuwi si Max!" Tanong ni papa sakin. Ilang araw ng di umuuwi si Max. Nag aalala na kaming lahat. Last night na ni mama. Pero wala parin sya. Kinakabahan ako na di ko alam. Ano na nangyari sa babaeng yun?
"Di ko alam pa. Hinahanap na namin sya pero di namin sya makita." Napaupo nalang si papa sa upuan dito sa loob ng kwarto nila ni mama. Napahawak sya sa buhok nya at sinabunutan yun.
"Di ko na alam ang gagawin ko. Ano ba nangyari sa anak ko?" Nilapitan ko sya at niyakap. Maging ako naguguluhan. Bigla nalang naging magulo. Dati naman di ganito. Dati naman masaya kami.
"Kukuhana ko po muna kayo ng tubig." Sabi ko. Tumango sya at lumabas na ako. Pagkarating ko sa pintuan ng kusina. Napatigil ako ng may marinig akong nag uusap.
"Anthony, nawawala si Max! Di ko na alam ang gagawin ko!? Sabihin na kaya natin sa kanila?" Si Lara.
"Lana, no! Wag ngayon. Last night ni tita. At saka babalik si Max. Kung malalaman nya ang gagawin natin. Siguradong magagalit yun!" Si Anthony. Ano naman ang iniisip nilang gagawin. Sinilip ko sila. Nanlaki ang mga mata ko ng nakita kong magkayakap ang dalawa. Di ko alam kung ano ang nasa dibdib ko pero may naramdaman akong kirot na para bang sinasaksak yun ng milyong beses.
"Ehem" pagpukaw ko sa kanilang atensyon. Napatingin naman sila sakin at mabilis na nagkalas.
"Amon." Si Lana. Di ako nagsalita at umakto na di ko sila nakikita. Shit ano ba nararamdaman ko. Pagkakuha ko sa tubig ay lumabas na rin ako at hinayaan sila roon kahit na gustong gusto kong kunin si Lara at itali sa bewang ko... Fuck!
Ano ba nararamdan ko?
-------
Week later
Lana
DI parin nagpapakita si Max. Alalang alala na ako. Saan yun nag sususuot! Di na sya pinakawalan ng rapist nya? O baka naman napatay na sya ng lalaking yun? No wag naman sana. Para akong tanga at baliw na tahimik at nakatulala habang binabagtas ko ang daan pauwi sa bahay namin. Simula ng malaman ko ang nangyayari sa kanya ay di na ako mapakali. Nawala pa sya! Ano nalang ang mangyayari sa kanya.