CHAPTER 4
LANA
Di ako makapaniwala sa sinabi ni mama at papa na patay na daw si tita Mylyn. Pinatay daw ito sa harap mismo ng bahay nila. Sino naman ang gagawa nun? Napakabuting tao ni tita My. Ni wala nga akong alam na kaaway nya. Paanong nangyari yun?
"Totoo ba mama?" Tumango naman sya.
"Mag ayos ka na at pupunta tayo. Para naman may makaramay sila. Alam kong mahirap kay Jeff at Amon ang nangyayari lalo na at balita ko at may nangyayari ring di maganda kay Max. Hay ano ba nangyayari sa pamilya nila." Si mama. Halatang galing sa pag iyak si mama. Best friend nya Kasi si tita My.
Tumango nalang ako at pumunta na sa kwarto ko at nag ayos. Mabilisan lang dahil gusto ko na talagang makarating roon para damayan si Max. Maging si Amon na rin. Alam kong kaylangan nila ng kaibigan ngayon.
Pagkababa ko ay naroon na rin sila mama at papa at hinihintay na ako. Abay sabay kaming lumabas ng bahay at nag tricycle papunta kila Max.
-----
"Wala si Max." Sabi ni Amon ng nasa second floor ako ng bahay nila at papunta sa kwarto ni Max. Wala kasi sya sa labas so akala ko nasa loob sya ng kwarto nya pero wala rin pala.
"Sorry akala ko nandito sya." Sabi ko.
Napatitig ako sa kanya. Halatang pagod na pagod sya at ramdam ko ang lungkot nya. Gulo gulo pa ang buhok nya at malamlam ang mga mata nya na halatang galing sa pagkakaiyak.
Wala sa loob ko na lumapit sa kanya at niyakap ko sya. Natigilan sya.
"Magiging maayos din ang lahat." Sabi ko. Naramdaman ko na lang na mahigpit syang yumapos sa akin at umiyak. Ngayon ko lang sya nakitang ganito at nasasaktan ako para sa kanya. Kung kaya ko lang sanang pagaanin ang loob nya.
Matagal tagal din syang umiyak sa balikat ko hanggang sa maging hikbi nalang ito. Nakayakap parin sya sakin at mas lalo iyong humiigpit pero di naman sa point na masasaktan na ako.
"Salamat Lara. Salamat. Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Sabi nya. Tinapik ko nalang ang likod nya.
"Ok lang yun. Nandito naman talaga ako para damayan kayo. Kapatid naman na yng turingan nati diba?" Ako, pero di ako sumasang ayon sa kapatid na term sinabi ko lang yun para di nya malaman na mahal ko sya. Natigilan sya. Bakit kaya?
"Amon.." Kumalas sya pero hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa noo.
"Yeah, magkakapatid." Sya at lumayo na. Parang di nya nagustuhan ang sinabi ko. Bakit kaya? Hay nako naman. Anong koltok nasa utak ng lalaking yun?
----
AMON"Bro, condolence." Sabi ni Clark kateam mate ko at mga kaibigan na rin. Napangiti nalang ako ng mapait at nanahimik na di ko kasi lubos maisip na wala na si mama na wala na yung isa sa dahilan kung bakit nagsisikap akong mag aral. Para di na sila maghirap ni papa.
Mabilis kumalat ang nangyari kay mama. Siguro dahil sa press at sa mga makakating dila na pinagsabi ang nangyari. Di ako makatingin sa kabaong nya. Di ko sya kayang Makita na naroon sa loob ng parihabang bagay na yun. Hindi hindi ko kaya.