Chapter 3

10.5K 102 18
                                    

Chapter 3


AMON

Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay ay sila mama at papa agad ang naabutan ko. Umiiyak si mama. Mabilis akong lumapit sa kanila at niyakap sya. Ano ba kasi nangyari? Ang sabi lang nila sakin nakatulala daw na umuwi si Maxine at umiiyak.

"Amon, yung kapatid mo." Si mama.

"Nasan sya?" Tanong ko. Gusto ko syang makausap.

"Nasa kwarto nya ayaw nya kaming kausapin. Nagkulong na sya. Ano ba nangyayari sa kapatid mo? Baka kung napano na yun." Humahagulgol na sabi ni mama.

"Mahal, naman."

"Nag aalala ako sa anak natin."

"Mama, malakas si Max. At saka sasabihin naman siguro nya satin yung mga nangyari. Just give her sometime.." Sabi ko sa kanya. Tumango tango nalang sila. Hay, Sana nga maayos lang si Maxine.

------------

LANA

"Bash okay ka lang ba? San ka ba pumunta kahapon? Nawala kang bigla kahapon?" Tanong ko sa nakatulalang si Maxine. Nasa garden kami at parang wala akong kasama. Nang aya aya sya dito dahil wala naman daw klase. Kayalang ganito naman sya. Kanina ko pa napapansin na di sya masyadong nakikipag usap sa lahat. Lalo na sa mga lalaki. Dati rati lagi naman syang bangka sa usapan. Di sya nagsalita at nanatili lang na tahamik. Hay ano ba yan!?

"Ano nangyari sayo!! Bat ganyan mukha mo?" tumingin sya sakin at bahagyang ngimiti.

"Wa-wala may.. May nakain lang akong bawal sakin. Hehe" Sya. Kaya naman pala namamaga yung mukha.. hmp..

"Matigas kasi ulo mo. Kumain ka nanaman siguro ng strawberries." Singhal ko. Mahilig kasi sa bawal. Kaloka!

"Sorry naman masarap eh. Don ka na nga dito na muna ako." Sabi nya. Nako nakakaloka. Tumayo ako. May kalyangan dn kas akong gawin sa library.

"Sige sige may gagawin din kasi ako. Bahala ka na dyan." Sabi ko. Ngumiti naman sya at tumango. Nagmadali na akong umalis at pumunta sa library.

"Lana!!!" Rinig ko yung isang lalaki na tumawag sa akin. Napatingin ako sa pinanggalingan nun. Mateo. Matt for short. Tumigil naman ako at hinintay sya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Matt is one of my suitor Oo tama kayo. May nanliligaw sa pandak na ako. Matangkad sya 5'6 nga sya eh tapos mabait pa at laging nakangiti. Kung di ko lang mahal si Amon. For sure sya magugustuhan ko. Hahaha.

"Wala may gagawin ka ba? Saan kapupunta? Samahan na kita." Sabi nya sakin.

"Sa library lang may kukunin akong libro." Sabi ko. Tumango tango naman sya. Nagsimula na ulit akong maglakad. Maging sya ay sumabay na rin sakin.

FUBU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon