Chapter 4

1.2K 39 25
                                    

Dylan's POV

Agad naman kaming nakarating sa hospital ni Zoe, dahil malapit lang naman ang hospital sa school namin.

"Zoe! I'm so sorry, please don't leave me" I said habang karga-karga ko si Zoe sa mga bisig ko papunta sa emergency room.

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa oras na mawala si Zoe sa buhay ko. Hindi ko kaya kahit ubod pa siya ng sungit. I can't lose my bestfriend.

"Nurse! Nurse! Help!" Sigaw ko sa mga nurse na tumatakbo papunta samin na may dalang stretcher. Inihiga ko agad si Zoe sa stretcher. Pagdating namin sa emergency room, ipinasok naman nila agad si Zoe.

"Dito ka na lang po sa labas maghintay Sir. Bawal po kayo sa loob" sabi nung isang nurse na babae pagpasok sa emergency room ni Zoe.

"Miss please tulungan niyo po yung bestfriend ko!" Pagmamakaawa ko dun sa nurse. Tinanguan niya lang ako at agad na pumunta sa emergency room kung nasaan si Zoe na nakahiga.
Napaupo nalang ako sa sahig. Kasalanan ko ito eh! Kung hindi ko lang naitulak si Zoe hindi siya mapupunta sa ganitong lugar. Hindi pa naman niya gusto ang ganitong klaseng lugar. Kasalanan ko ang lahat ng ito, bakit pa ba kasi niya inaway si Reighn, napakabuti ngang tao ni Reighn para awayin niya.

"Dylan?" Nahimasmasan lang ako ng may sumigaw sa pangalan ko.

"Tita Abby!" Agad akong napatayo pagkakita ko kay Tita Abby yung mommy ni Zoe.

"Where's my daughter? What happened Dylan? Bakit puno ka ng dugo? " Agad niyang tanong sakin. Lumingon lang ako kung nasaan si Zoe na ginagamot ng mga nurse.

"Oh my god! Zoe!" Agad na umiyak si Tita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi kasalanan ko ang lahat ng ito. This is all my fucking fault.

"Tita?" agad naman siyang tumingin sakin.

"Tita I'm so sorry, kasalanan ko ang lahat ng ito naitulak ko si Zoe.Hindi ko alam na napalakas yung pagtulak ko sa kanya. Tita! I'm so sorry, hindi ko sinasadya!" Hindi ko na kinaya, lumuhod at umiyak ako sa harapan ng mommy ni Zoe.

"Dylan stand up! Para kang batang inagawan ng candy. Everything will be okay, Zoe is the bravest girl I know! Kakayanin niya ang lahat ng ito. Alam kung hindi mo sinsasadya Dylan I understand okay stand up" Sabi naman ni Tita habang umiiyak, napakabuting tao ni Tita hindi ko nga alam kung san nagmana si Zoe.

Makalipas ang kalahating oras, lumabas yung nurse sa emergency room kung saan ginagamot si Zoe.

"Nurse, kamusta po yung lagay ng anak ko? Is everything okay? Wala naman pong malubhang nangyari sa kanya diba?" tanong agad ni Tita Abby sa nurse at hindi parin humihinto sa pag-iyak.

"Si Miss Cy nalang po yung magpapaliwanag sa inyo." Pagkasabi nung nurse agad namang lumabas ang isang magandang babae na parang mas matanda lang sakin ng limang taon at sa palagay ko ay siya si Miss Cy, pero parang ang bata pa niya para maging isang doctor.

"Kayo po ba ang kamag-anak ni Miss Zoe Madrigal?" tanong sakin ni Miss Cy.

"I'm her mother Miss?"

"Miss Ysabelle Cy po. Im the doctor in charge of Miss Zoe Madrigal."

"How's my daughter Doc? " Tita Abby asked.

"Okay na si Zoe. Hindi naman po malubha yung likuran niya. Napalakas lang po talaga ang pagtama ng isang bagay sa likuran ni Zoe para masugatan po ito. Pasalamat lang po tayong hindi sa spinal cord tumama kundi magiging komplikado ang kalagayan niya. Buti na lang po nadala siya agad dito sa hospital dahil maraming dugo na lumabas sa likuran niya. Zoe can stay in the hospital for 4 or 5 days dahil kailangan pang observebaran yung likod niya. Ililipat lang mamaya si Zoe sa private room." Pagpapaliwanag ng doctor. Thank god hindi malubha si Zoe.

My Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon