Chapter 10

2.6K 61 49
                                    

Third Person's POV

Napasigaw sya sa gulat dahil nakita ni Zoe ang kanyang Mommy sa di kalayuan habang papalapit sa kanila.

"Zoe!" Nakangiting tawag ng Mommy ni Zoe. Saglit pa syang napalingon sa kanyang kausap dahil napansin nyang nawala ang topic tungkol sa kanya. Mabuti nalang talaga at biglang dumating ang Mommy nya. Hindi pa sya handang sabihin ang lahat kay Dylan. Iniisip nya na hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni Dylan ang totoo. Natatakot din sya sa pangalawang pagkakataon na masaktan na naman sya. Ayaw nya ng magpakatanga muli sa pag-ibig.

"Mom." Nakangiting sabi ni Zoe at 'saka ito nakipag-beso sa magulang. "Akala ko po ay busy kayo at hindi nyo kami masusundo?" Tanong ni Zoe.

"Ganun na nga, pero syempre mas gusto ko pa ring masundo kayo." Nakangiting sabi nito at napadapo ang kanyang paningin sa kanyang apo. "Dykiel!" Nakangiting bati nito.

"Mama Lolaaa!" Masiglang tawag ni Dykiel at 'saka mabilis na lumapit sa kanyang Lola. Hinalikan ng Ginang si Dykiel sa magkabilang pisngi. Natatawa naman si Dykiel ng gawin iyon ng kanyang Lola, nakikiliti kasi sya sa paraan ng paghalik nito.

"Napaka-cute naman talaga ng apo ko. How are you baby?" Tanong ng kanyang Lola.

"I'm okaayy po! Mama Lola I have a new Tito." Nakangiti at sabik na sabi ni Dykiel. Mabilis naman nyang itinuro si Dylan na may pagtataka pa rin sa kanyang mukha habang nagmamasid ito sa kanyang paligid. Mabilis na lumapit si Dylan sa Mama ni Zoe at 'saka ito binati.

"Hello po Tita. Mabuti at nakarating kayo." Magalang na bati ni Dylan.

"Mabuti na nga lang talaga." Sagot ng Ginang. Napansin nya naman ang isang lalaking katabi ni Zoe. Kilala nya ito dahil naipakilala na rin sya ni Zoe noong nagkaroon sila ng pag-uusap sa video call. Isa pa ay madalas ito ang bukambibig ni Dykiel sa tuwing makakausap nya ang kanyang apo.

"Alfred you're here." Masiglang bati ng Mama ni Zoe. Lumapit ito kay Alfred at 'saka nakipag-beso. Alam nya ang lahat tungkol kay Zoe pati na rin ang relasyon nito kay Alfred. Kahit anong pilit nya na magpakasal kay Alfred ay hindi nya ito magawa. Alam nyang mahal pa rin ng kanyang anak ang kanyang best friend. Nalulungkot lang sya sa kanyang apo sa tuwing tatanungin nito ang kanyang totoong Daddy ay wala silang masagot.

"Yes Tita. Pinasama na po kasi ako ni Tito dito sa Pilipinas. Isa pa gusto kong makasama sila Zoe at Dykiel."

"Paano ang trabaho mo roon?"

"Nandun naman po sila Kuya at ang parents ko. I know that they can handle it." Nakangiting sagot ni Alfred.

"Ganun ba? Oh sige. Alam kong pagod at gutom na kayo. Let's go." Nakangiting pagyayaya ng Ginang.

"Yehey!" Malakas at sabik na sagot ni Dykiel. "We we're going to Mama Lola's House! I'm so excited!" Nakangiting sabi nito at lumapit sa kanyang Lola at hinawakan ito sa kamay. Napailing nalang sila Zoe at Alfred sa kakulitan ni Dykiel. Masyado talagang hyper ang batang iyon. Samantalang, pakiramdam naman ni Dylan ay naiiba ang mundong ginagalawan nya sa pamilya. Apat na taon syang walang balita sa kanyang kaibigan. Tapos makikita nya nalang na may dala na itong anak. Napatitig ito sa bata at bumilis na naman ang tibok ng puso nya. Hindi nya matukoy kung bakit ganun nalang ang naging reaksyon nya.

Sa loob ng apat ng taon nya sa Pilipinas ay maraming nangyari. Natapos nya ang kolehiyo at sya na ang nagpapatakbo ng kumpanya nila. Magkasintahan pa rin sila ni Reighn at Dylan, magkasama na rin sila sa iisang bubong. Si Reighn naman ay isa ng ganap na nurse sa kilalang Hospital. Lahat ay nakukuha nilang pareho pero maliban sa isa... Ang magkaroon ng sariling anak.

Sa apat na taon na pagmamahalan nila ay gusto nilang may mabuo. Pero hindi nila alam kung bakit kahit ilang beses nilang gawin ang pagse-sex ay walang mabuong bata. Hanggang sa nagpa-check up sila at nalaman nila na baog si Reighn. Ito ay namana nya sa side ng father nya. Labis ang pagkalungkot ng dalawa at para bang nawalan sila ng gana sa isa't isa. Alam ni Dylan sa kanyang sarili na nag-iiba na ang nararamdaman nya kay Reighn. Ilang beses na ring nag-suggest si Reighn na mag-ampon nalang pero tumatanggi palagi si Dylan sa kanyang desisyon. Ang gusto nya kasi ay kadugo nya ang bata. Minsan na ring naisip ni Dylan na mag-anak sa ibang babae pero lagi nalang syang umaatras sa tuwing makakaharap na ang babae. Ang dahilan nya kasi ay baka biglang guluhin ang buhay nya kapag nakuha nya na ang bata.

My Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon