CHAPTER 2

1.5K 48 11
                                    

Tila ba nakaramdam siya ng pagkadisgusto sa paglapit ng babae kay Dylan. Nakaramdam siya ng inis at tila ba uminit ang buong mukha niya. Unang beses na mangyari na may nakalapit sa taong mahal niya.

Nakita niyang ngumiti nang matamis ang babae nang abutin ni Dylan ang papel na hawak nito. Gusto niyang batukan ang binata sa ginawa. Bakit ba niya ito tinanggap? Namumula pa ang mukha ng babae. Tumaas lalo ang kilay ni Zoe dahil dito. Maganda iyong babae, may maliit na mukha, maputi ang balat nito at may blonde na buhok.

"Thank you, Dylan. Sana basahin mo iyong ginawa ko." Pagkatapos sabihin iyon ng babae ay bigla na lang itong nagtatakbo paalis sa harapan ni Dylan. Nakita niyang napakamot ng ulo si Dylan at gumuhit ang isang ngiti sa labi nang tingnan ang papel na hawak nito.

Nagdadabog na lumapit si Zoe sa binata at bigla na lang hinablot sa kamay ni Dylan iyong papel na binigay ng babae. Dala ng kanyang inis, pinunit niya iyong papel at itinapon sa gilid ng hall way.

"Anong ginawa mo?" galit na tanong ni Dylan sa kanya. Nginisihan lang niya ang binata at hinawakan sa braso.

"Nood tayong sine, Dylan. Please..." nag-puppy eyes pa siya sa binata. Pero hinila ni Dylan ang kanyang braso at masama siyang tiningnan.

"Shut up! Hindi ko nagustuhan iyong ginawa mo, Zoe! Bakit mo pinunit iyon? Para sa akin iyon Zoe! Babasahin ko pa iyon. Nakakainis ka talagang babae ka." Naglakad na paalis si Dylan at iniwan siya. Napasimangot naman siya at sinundan ito.

"Sandali naman! Hintayin mo ako, Dylan." Mabilis ang paglalakad ni Dylan. Ano bang ipinagpuputok ng botche ng lalaking ito? Papel lang naman iyon e!

"Ayaw mo talaga akong hintayin ah!" hinubad niya ang kanyang sapatos sa paa at ibinato ito sa likuran ni Dylan. Napahiyaw ito bigla nang matamaan ang likuran nito ng takong sa sapatos niya.

"Fvck!" tumigil ito at nilingon siya. Para bang kakainin na siya ng buhay ni Dylan sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

"Sabi ko naman sa'yo na hintayin mo ako. Ang tigas ng bungo mo," sabi ni Zoe habang sinusuot sa paa iyong sapatos niya. Mabibigat na paghinga ang naririnig niya mula kay Dylan. Alam niyang nagtitimpi lang ito sa kanya. Ngumisi siya nang humarap dito at pinisil ang ilong niya.

"Kumain na lang tayo sa canteen. Nagugutom po ako," malambing niyang saad nito.

"Fine! Pagkatapos nating kumain, gusto kong mag-isa muna. Naiintindihan mo ba ako, Zoe? I. WANT. TO. BE. ALONE!" Nabasag yata eardrums niya sa lakas ng sigaw nito. Maiiyak pa yata siya pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

"Alright. Pagbibigyan kita ngayon. One hour lang dapat. After one hour, balik ka sa akin. Kung hindi ka---" tinakpan ni Dylan ang bunganga niya kaya namilog ang singkit na mga mata niya.

"Oo na! Ang ingay mong babae ka!" pinakawalan siya nito at inakbayan. Nabibigla pa rin siya kapag si Dylan ang gumagawa no'n sa kanya. Madalas siya kasi ang umaakbay rito. Kakaibang kuryente ang dumadaloy sa kanyang katawan kapag nagkakalapit ang kanilang katawan. Naging tahimik tuloy siya habang naglalakad sila papuntang canteen.

"Bakit mo iyon ginawa kanina?" mahinahong tanong nito. Ayaw na niya pag-usapan iyon e.

"Interesado ka ba sa babaeng iyon? You know her? Ngayon ko lang siya nakita." Parang pinipiga ang puso niya habang nagtatanong kay Dylan.

"Reighn Ellery. Isang second year nursing student." Nilingon niya si Dylan at mas lalong kumirot ang puso niya nang makita ang pangingislap sa mga mata nito habang nagsasalita.

"Bakit mo alam?" naiiyak na talaga siya. Bakit niya pa kasi tinanong. Sumasakit tuloy puso niya. Tumawa si Dylan sa kanya kaya pinong kurot ang tinanggap nito mula sa kanya.

"Buwesit Zoe! Makakatikim ka na talaga sa akin!" banta ni Dylan sa kanya. Hindi siya umimik dito. Hinihintay niya ang sagot nito.

"Kapatid siya ni Hayden. Transferre iyon dito. Nagkabalikan na kasi ang Daddy at Mommy nila kaya lumipat na sila ulit ng Mommy niya rito," sabi pa ni Dylan. Hindi niya mapigilan na bumuntong-hininga.

"You like her?" tang'ina! Hindi niya dapat tinanong iyon pero lumabas na sa bibig niya.

"Cute siya." Ang sagot nito.

"Tch!" naisatinig niya at naunang pumasok sa loob ng canteen. Nawalan tuloy siya ng gana na kumain. Nag-order lang siya ng isang hamburger para kay Dylan at dalawang Lemon Juice.

"Akala ko ba gutom ka? Bakit ito lang?" takang tanong nito nang makita ang dala niyang tray.

"Pasalamat ka na lang at nilibre kita! Bilisan mong kumain para makaalis ka na," pagtataboy na niya rito. Narinig niya ang mahinang tawa nito. Iniabot niya and burger dito.

Napapatingin sa kanila ang ibang mga studiyante at bilang ganti ay tinataasan niya ng kilay ang my ito lalo na iyong mga babaeng halatang may gusto sa Dylan niya. Dahan-dahan namang iniangat ni Dylan ang kanyang mukha nang mapansin ng mga papasok sa canteen. Nakita niyang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Dylan at hindi niya ito nagustuhan. Lumingon siya para makita kung sino ang tinitingnan ni Dylan. Napaismid siya bigla nang makita ng mga mata niya iyong babae kanina na nag-abot ng papel kay Dylan. Namula ang mukha nito agad nang makita si Dylan na nakatingin sa kanya. Naiinis talaga siya. Gusto niya ay sia lang ang ngingitian ni Dylan nang ganoon. Pakiramdam niya kasi may gusto si Dylan sa babaeng ito.

May dalawa itong mga kasama na babae. At sinisiko siya ng dalawa habang nakatingin sa kanilang puwesto.

"Gusto mo... tabi kayo ng babaeng iyon?" sarkastiko niyang tanong kay Dylan. Napatingin ito bigla sa kanya. Nakasimangot na ang mukha niya ngayon.

"Huwag na! Baka ano pang kabaliwan ang gawin mo sa kanya." Ipinagpatuloy nito ang pagkain ng burger.

Buti alam mo! Naiinis ako sa kanya. Kahit pa kapatid siya ni Hayden ay kakalbuhin ko siya kapag lalandiin ka niya!

"Mabait kaya ako. Wala akong masamang gagawin sa kanya. Gusto mo makipag-kilala ako sa kanya? Gagawin ko iyon." Nakangiti niyang sabi dito.

"I know what you're thinking, Zoe. Kaya huwag mong lapitan si Reighn. Nakuha mo ba ako?" Tinapos nitong kainin ang burger at uminom ng juice.

Nakita niyang umupo na iyong tatlong babae sa katapat na mesa nila. Tumayo si Dylan at nagpaalam na sa kanya.

"Kita na lang tayo sa classroom mamaya. May pupuntahan pa ako. Huwag kang gagawa ng kalokohan, Zoe." Iniwan siya nitong nakatunganga. Nakatingin lahat ng mga studiyante dito habang paalis ng canteen.

Nawalan na talaga siya ng gana kaya tinapos na lang niyang inumin ang juice niya. Balak niyang pumunta na lang muna ng library habang naghihintay sa next subject nila.

Bigla na lang ang pagkagulat niya nang bumungad sa harapan niya iyong Reighn. Hindi maitago sa mukha nito ang inis at galit. Tinaasan niya ito ng kilay.

"What?" Taas-noo na tanong niya rito. Lumikha ng ingay ang ginawa nitong paghampas sa mesa. May kinuha ito sa bulsa at nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

dugtong ni myjeilapad

My Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon