I love you, goodbye

50 0 0
                                    

I love you
Ang tatlong salitang iyong binitawan
Bago mo ako pansamantalang iwan,
Upang ayusin ang mga dapat ayusin
Para sa payapang pagmamahalan natin,

Ngunit kalakip ng tatlong salitang iyong binitawan,
Ay ang salitang ayokong marinig kanino man.
Ang masakit na salitang paalam,
Dahil ang kasunod nito ay di na alam.

Maraming ibig sabihin ang salitang paalam,
At maaaring hindi matanggap ng sino man.
Ngunit para saakin ito ay dalawang kahulugan,
Na naging sahin ng magulong isipan.

Una, Paalam hanggang sa susunod na pagkikita,
Pangalawa, Paalam ito na ang huli nating pagkikita.

Paano ko nga ba panghahawakan ang tatlong salitang iyong binitawan,
Kung ang kalakip naman nito ay ang salitang ayokong marinig kanino man.

I love you, ang tatlong salitang iyong binitawan,
Ngunit ang kasunod nito ay ang salitang, Paalam.

What's on my mindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon