Prologue

364 10 0
                                    

Prologue

"Malapit na ang birthday mo anak. Ano gusto mong regalo?" Umupo siya sa kama ko.

Mula sa pagkakahiga, umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko. "Mama, ang gusto ko lang naman po ay ang pabayaan niyo na kami ni Luke."

"Hindi pwede Jennaya. Hilingin mo na kahit ano, 'wag lang 'yan."

Napasinghap ako sa sinabi ni Mama. Alam kong any time, tutulo na ang luha ko.

"Hindi naman po kami mag kadugo ah. Bakit hindi niyo nalang kami hayaan? Mahal namin ang isa't isa." Basag na ang boses ko at nagtuluan na ang luha ko.

"Kahit sabihin mo pang hindi kayo mag kadugo, sa mata ng tao mag kapatid na kayo."

Ganito nalang lagi ang eksena. Hihilingin ko kay Mama na hayaan na nila kami ni Luke pero lagi naman nahahatong sa away.

Tumayo na si Mama, "Sumunod ka na sakin sa baba. Handa na ang hapunan, nag hihintay na ang Papa at KUYA mo."

--

Ganyan naman lagi si Mama. Simula nang malaman niya ang relasyon namin ni Luke, lagi niya nalang dapat ipamukha sakin na Kuya ko 'yun.

Ang sakit isipin na 'yung taong dalawang taon mong minahal..

..dalawang taon mong kasama mangarap na bumuo ng pamilya.

Ay ang taong kailangan mo pang tawaging KUYA.

Natupad nga 'yung pangarap namin magkaroon ng pamilya pero hindi naman sa paraang gusto namin. :(

Ipaglalaban kita kahit pa mali sa mata ng iba.

My Boyfriend is My Stepbrother.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon