Chappy 1♡

297 9 0
                                    

Introduction ♡

Jennaya's POV

"Naya, nandyan na si Luke sa labas." Sigaw ng isa kong kaklase mula sa pinto ng room namin.

"Osige. Salamat!" Sigaw ko dahil medyo malayo ang pwesto ko.

Kanina pa naman ayos ang gamit ko kaya binitbit ko na ang bag ko at lumabas na ng room.

"Maganda ka pa sa hapon, aking prinsesa."

Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod ko.

Pero hindi na ako pumalag kasi amoy pa lang niya, alam ko na kaagad kung sino siya. (^_______^)

"Mahal naman! Ang daming tao, bumitaw kana dyan." Saway ko sakanya.

"Sus! Alam mo namang sanay na sila satin. Diba nga, tayo ang Best Campus Couple? Dalawang sunod na taon natin nakuha 'yung title na 'yun."

Kinilig naman ako bigla sa sinabi niya. Dalawang sunod na taon namin nakuha 'yung title na 'yun dahil na rin sa sobrang sweet niya. :">

"Kinikilig ka na naman dyan. Akin na nga 'yang bag mo."

Kinuha niya sakin 'yung shoulder bag ko at sinabit sa balikat niya.

"Ako, kinilig? Asa ka pa." Hinawakan niya din ang kamay ko saka kami nag lakad papuntang gate.

"Tanggi ka pa eh halata naman."

"Oo nalang." Halata nga ba? AHHH! Nakakahiya. (>O<)

Ay, ang landi mo Naya. Hahaha!

By the way. I'm Jennaya Marie Moya but you can call me Naya.

Siya naman ang Boyfriend ko. Si Lucas Jed Fuentabella pero nakasanayan na ng lahat na tawagin siyang Luke. Short for Lucas.

2 years na po kami next month, February 14. (^O^)

Alam niyo ba? Noong una naming napanalunan sa JS Prom yung title na 'Best Campus Couple' eh hindi pa naman talaga kami nun.

Nanliligaw palang siya pero M.U na kami kaya sinagot ko na siya tutal ang alam naman ng lahat eh kami na. (^_______^)

Ang pangalawang panalo naman namin, 1 year na kami nun. Hihi :">

Kaso lang, di naman kami legal. (-ω-)

"Oh, bakit nakasimangot ang prinsesa ko?"

I sighed, "Wala lang. Naiinggit kasi ako sa mga mag ko-couple na legal. (T^T)"

He pinched my cheeks, "Don't be. Kahit naman hindi tayo legal, tumagal naman tayo ng halos dalawang taon."

"Sabagay tama ka. Tara punta nalang tayong park, date tayo Mahal! (^O^)" Bumitaw ako sa kamay niya pero humawak ako sa braso niya.

"Basta ba libre ng Prinsesa ko eh."

"Uwi nalang pala tayo Mahal. (-O-)" Biro ko sakanya.

"Bakit ba ang kuripot ng Prinsesa ko? Tara na nga. Libre ko. (-______-)"

Oo nga pala. Prinsesa ang tawag niya sakin at Mahal naman ang tawag ko sakaniya. :">

**

A/N: Keep on reading my stories. :)

XOXO~!

JoannamarieBanting<3

My Boyfriend is My Stepbrother.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon