Start of her revenge♡
Jennaya's POV
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone sa bulsa ko.
From: Mama
Anak nsan kna? Nsa bhay nko. Umuwi kna. Mag ingat ok? Labyu.
Tinignan ko ang oras, 8:26PM na rin pala. Sila Mahal at mga kaibigan niya--namin eh nag kakasiyahan pa.
Ayoko namang istorbohin sila kaso, si Mama kasi. Wala siyang kasama sa bahay. No choice. Lumapit ako sakanya kasi lumayo silang mga boys samin. Iha-'hot seat' daw muna nila si Mahal.
Nagpaalam ako kela Zai na pupunta lang ako kay Mahal.
"Mahal," hindi nila ako nakita o naramdamang lumapit kasi nagkakatuwaan sila kaya kinalbit ko siya. "Mahal!!"
Napaayos sila ng upo sa damuhan at tumingin sila sakin. "Bakit Prinsesa ko?"
"Naks! Prinsesa 'no." Kantyaw ni Jacob kaya nag tawanan sila.
Napailing nalang ako at natawa. Mga lasing na rin sila.
"Kasi nag text na si Mama eh," Pinailaw ko ang cellphone ko at inunlock 'to. "Hinahanap na 'ko. Kung okay lang sana, uwi na tayo?"
Tumayo siya at pinagpag ang short niya tapos umakbay sakin. "Pano mga 'tol? Uwi na kami."
Tumayo na rin sila at tulad ng ginawa ni Mahal, pinagpag din nila ang mga short nila at sabay sabay kaming nag lakad papunta sa lamesa kung saan kami nakapwesto kanina.
"Hatid ko na kayo." Sabi ni Jacob.
"Hindi na. Malapit lang din naman kami."
"Uuwi na kayooo?!" Si Zai.
"Oo. Uuwi na sila sa kaharian nila. Hahahaha!" Ang mapang asar na Joseph.
"Kaharian?" Takang tanong nilang mga babae.
"Eh kasi 'Prinsesa' tawag nitong si Luke kay Naya kaya niloloko ni Jacob." Paliwanag ni Kevin.
"Nakakakilig ka naman kayo Luke." -Chezca.
Lumapit sakanya si Jacob at umakbay, "Edi Prinsesa na din tawag ko sayo."
"Shut up! (>///<)" Shut up daw pero halata namang kinikilig sa akbay ni Jacob. XD
Nagreply ako kay Mama na pauwi na at syempre nag iloveyoutoo ako. Ganyan kami ni Mama eh! :">
Nag paalam na kami at umuwi na. Medyo ginabi kami kaya hanggang sa may amin niya 'ko hinatid. Tatlong bahay ang layo.
"Ingat ka sa pag uwi, Mahal." Niyakap ko siya at niyakap niya din ako.
"Opo. Sige na, pasok kana. I love you, Prinsesa ko." Naramdaman ko ang pag halik niya sa noo ko.
"I love you too, Mahal."
"PDA!" Napabitaw kami ni Mahal at tumingin sa nag salita.
"Khaycee?" Takang tanong ni Mahal, ang alam niya bihira nalang 'yan mag punta dito.
"Oww. Hi Luke. Long time no see." Tumingin siya kay Luke ng may nakakalokong ngiti. "Missed me?"
"Sige na, hihintayin kita makapasok, Prinsesa." Hindi siya pinansin ni Luke. Tumango nalang ako at nag lakad na.
"Mag ingat kayo.." Napatigil ako dahil nag salita ulit si Khaycee pero hindi ako lumingon sakanya. "..sumasang-ayon ang tadhana sa pag hihiganti ko sa mga taksil na tulad niyo."
Wala akong narinig na kahit ano mula kay Mahal kaya hindi ko nalang din pinansin si Khaycee at nag dirediretso sa bahay.
Lumabas si Mama sa living room galing sa kusina. May mga gamit doon. Kanino 'to?
"Mama, kanino pong mga gamit 'yan?" Lumapit ako sakanya at kiniss siya sa cheeks.
"Samin." Tumingin ako sa likod ko, "Dito na muna kami titira ni Mama dahil pinapaayos ang bahay namin."
Ako at si Khaycee sa iisang bahay? Aishh! Dati okay lang pero iba na ngayon.
"Ah. Sige Ma, sa kwarto po muna 'ko." Hindi ko nalang pinahalata na apektado ako.
"Mag palit ka nalang muna ng damit mo at bumaba ka din agad para makakain na tayo nila Tita mo." Tumango nalang ako at nag diretso sa kwarto ko.
Nag palit ako agad at kinuha ang cellphone ko, tatawagan ko dapat si Mahal pero nauna na siyang tumawag.
"Hello?"
[Nandito na po ako sa bahay.] Tumango ako na para bang nakikita niya.
"Mahal, si Khaycee."
[Bakit?! Anong ginawa niya sayo?! Okay ka la--]
"Wala. Wala siyang ginawa. Pero kasi.." Bumuntong hininga ako, mukhang hinihintay niya naman ang sasabihin ko. "..dito daw muna sila titira. Mahal, baka mag hihiganti na talaga siya? :("
[Higanti? Haha.] Tamo, nakuha pang tumawa. [Prinsesa naman! Ilang beses na niya 'yan sinabi pero wala naman siyang ginagawa. Wag ka nga mag paapekto, saka bakit naman siya mag hihiganti?]
Ilang beses na nga ba niya sinabi na mga hihiganti siya? At bakit nga ba siya mag hihiganti? "Kasi inagaw kita sakanya?"
[Tsk. Inagaw? Eh hindi naman ako sakanya. Wag mo nalang intindihin ha?] Again, tumango ako na para ang nakikita niya.
"Anak, kakain na!" Hala, Tinatawag na 'ko ni Mama.
[Ha? Ano Prinsesa?] Akala niya ako 'yun.
Umiling ako na para bang nakikita niya din, "Wala. Si Mama 'yun, kakain na daw kami. Kumain kana din ha? I love you."
[Opo. Eat well Prinsesa ko, I love you more.]
*toot*
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako dahil nakatayo doon ang nakangiting si Khaycee, "Natatakot kana ba?"
Tinignan ko lang siya at lumabas na. Linagpasan ko, to be exact.
"Argh!" Nainis na siya, kanina ko parin siya hindi pinapansin eh. At yun ang ayaw niya sa lahat, kinakausap ka niya tapos di mo siya papansinin. "Pinupuno mo talaga ako ha?! This is the start of my revenge!"
'Wag ka nga mag paapekto.'
'Wag ka nga mag paapekto.'
'Wag ka nga mag paapekto.'
Bigla ko nalang naalala 'yung sinabi ni Mahal. Right! Wag ka mag paapekto Naya.
**
A/N: Hi. Kamusta ang update? ^0^ Vote lang ng vote guys. :)
XOXO~!
JoannamarieBanting.<3
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is My Stepbrother.
JugendliteraturPaano kung matupad mo nga ang pangarap mo pero hindi naman sa paraang gusto mo? Parang Ako. Parang Siya. Nangarap kami pareho ng isang magandang pamilya. Natupad nga pero.. ..dapat ko naman siyang tawaging KUYA.