Visitor ♡
Jennaya's POV
Pag kagaling namin ni Mahal sa park, hinatid na niya ako sa may kanto ng street namin.
Baka kasi makita siya ni Mama pag hinatid niya pa 'ko hanggang bahay. Wala na naman akong Papa eh, hiwalay na sila ni Mama matagal na.
"Nandito na po ako." Sigaw ko pag kapasok ko sa bahay.
"Mabuti naman at nandito kana."
Biglang may nag salita sa likod ko. Lumingon ako at napataas ang kilay ko nung nakita ko ang pinsan kong galit sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Dinadalaw namin si Tita Melba. Saka namiss kita, my dear cousin." Pumunta siya sa unahan ko habang may hawak na strand ng buhok ko mula sa likod at hinigit ito.
"Aray! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sakaniya.
"Tinatanong pa ba 'yan?! Syempre ikaw! Ikaw ang problema ko Naya!" Diretso siyang nakatingin sa mata ko at galit na galit na ang itsura niya.
"Pwede ba Kaycee, tamana! Hindi k--"
"Hindi niya 'ko mahal? Ganun ba ha Naya?! Kung hindi ka kasi umepal noon, edi sana kami ang mag kasama ni Luke! Akala ko ba pinsan kita? Eh sulutera ka naman eh!" Sasampalin na niya ako kaya lang may humawak sa kamay niya.
"Wag na wag mo siyang sasaktan."
Tumingin ako at otomatiko akong napayakap sakaniya at umiyak na 'ko.
"Ti..to.."
"Shh.." Niyakap niya na din ako at hinagod niya ang buhok ko ng paulit-ulit na parang inaalo ako. "Nandito na si Tito. Don't cry na. Big girl na eh."
Nagtataka siguro kayo kung sino siya 'no? Boyfriend siya ni Mama. Mahigit isang taon na sila at sobrang close kaming dalawa.
Bumitaw na 'ko sa pag kakayakap kay Tito at pinunasan ang luha ko. Si Kaycee naman, umalis na.
"Tara, doon tayo sa garden niyo. Usap tayo."
Kinabahan ako, alam kong tatanungin niya ako kung ano 'yung sinasabi ni Kaycee pero bago pa ako umangal eh nahila na niya 'ko.
May isang malaking swing dito sa garden namin at doon kami naupo.
"Ano 'yung sinasabi ng pinsan mo?" Katulad ng sinabi ko, alam kong itatanong niya 'yan.
"Tito.. a-ano kasi eh.. 'yung classmate na--"
"Wag kang mag sisinungaling sakin Naya. Magagalit ako sayo, sige ka."
Napahinga ako ng malalim. "But promise me Tito, 'di mo sasabihin kay Mama? Please? -3-"
"Promise. (^_^)(")" Haha. Natawa ako kay Tito kasi he raised his left hand and he smile like.. uhh, idiot? Hahaha. Sorry Tito. (^_^)V
"Kasi Tito.. may boyfriend na po ako. Almost two years na.." Nanlaki naman ang mata ni Tito.
"A-almost two years? (O.O)" Tumango naman ako. "Natago mo samin 'yun ng Mama mo? Pero teka.. ano naman kinalaman ni Kaycee don?"
"Si Kaycee po kasi, may gusto siya sa boyfriend ko. Mag kakaklase kaming tatlo noong elementary, pero silang dalawa ang pinaka close. Pero dumating 'yung time na kelangan mag patuloy ni Luke ng pag aaral sa ibang bansa. Bago siya umalis noon, nag tapat siya na ako ang gusto niya dati pa. Simula ng maging kaklase ko din naman siya, crush ko na siya. Kaya nung tinanong niya kung pwede niya po 'ko ligawan, pumayag ako kahit malayo kami. Hanggang sa nalaman ni Kaycee 'yun.."
Tumingin ako kay Tito at nakikinig pa rin siya. "..nagalit siya sakin. Nagpalipat siya ng school. Ilang taon lang din naman eh, umuwi na dito si Luke at pinag patuloy niya 'yung panliligaw sakin hanggang sa ayun, sinagot ko na siya."
Ginulo ni Tito ang buhok ko. "So hanggang ngayon galit parin si Kaycee sayo?"
"Opo. Pati yata kay Luke, galit din siya."
"Alam mo ba Naya, Luke din ang pangalan ng anak ko. Hindi mo pa kasi siya na mimeet, lagi kasing busy 'yun."
Dahil tanggap naman ako ni Tito, syempre tanggap din namin ni Mama ang anak niya. Pero, si Mama pa lang kasi nakakakilala sakaniya. :(
"Ano nga po pala 'yung real name niya Tito?"
"Luc--"
"Nandyan lang pala kayong dalawa." Nagulat kami ni Tito nung dumating si Mama.
"Hi Mama." Bati ko.
Tumabi si Mama sa kanan ko at napapagitnaan nila akong dalawa. "Hello, Baby. Anong pinag kukwentuhan niyo?"
Tumingin ako kay Tito at pinandilatan ko siya ng mata.
"Wala naman Hon. Nagpakwento lang ako tungkol sa nangyari kanina sakanya sa school." Si Tito na ang sumagot.
"Ah, tara mag meryenda na tayo. Umuwi na rin sila Ate, nag yakag bigla si Kaycee." Ate ni Mama ang Mama ni Kaycee.
"Siguro natakot." Bulong sakin ni Tito. Hahaha :D
"Ano?" Tanong ni Mama.
"Ang sabi po ni Tito, kumain na tayo. Tara na, dali."
Tumayo ako sa harap nilang dalawa at hinila ko sila patayo. Kaso nasa swing nga pala kami kaya umuga 'yun ng malakas.
"AHHHHH!" Sigaw namin ni Mama at tumawa naman ng malakas si Tito. Ang kulit naming tatlo! Hahahaha. ≧∀≦
**
A/N: Don't forget to vote every chappy. Thankies! :D :*
XOXO~!
JoannamarieBanting<3
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is My Stepbrother.
Roman pour AdolescentsPaano kung matupad mo nga ang pangarap mo pero hindi naman sa paraang gusto mo? Parang Ako. Parang Siya. Nangarap kami pareho ng isang magandang pamilya. Natupad nga pero.. ..dapat ko naman siyang tawaging KUYA.