Kristelle's POV
"Good morning, Mr. Sun!" bati ni Kristelle sa sarili pagkagising na pagkagising niya.
Ako si Kristelle Marquez. Anak ng isang surgeon at businesswoman. Di naman sa pagmamayabang, pero may kaya ang pamilya namin. Marami na rin kaming negosyo, may kainan, may pharmacy, at call center. Sabi nila maganda at sexy daw ako, inaalagaan ko kasi ang mukha ko at ang shape ko.
So syempre, gaya ng nakaugalian ko, magsusulat ako sa diary ng mga gusto kong mangari sa araw na ito.
===================
May 13, 2012
Goals for the day:
*Pumunta sa birthday party ni cousin Nikka
*Bisitahin yung isang branch ng fastfood namin (utos ni mama)
*Makipagbreak kay Albert Dominguez
===================
Hayy. Eto na naman tayo. Pang-ilang boyfriend ko na ba si Albert? 14th. Alam nyo, maayos na bf naman si Albert eh. Athletic, matalino, mabait at mapagmahal. Ako lang talaga ang problema. Di ko kasi nakakamit ang lubos na kaligayahan sa mga nakakarelasyon ko. Hindi ako nakukutento. Parang laging may kulang. Sabi ng friends ko, wag daw muna ako makipagrelasyon hangga't di ko yun nakikita sa isang guy. Pero yun pa ang isang problema ko. Kasi, habang nililigawan ako ng isang lalaki, feeling k nasa kanya na yung hinahanap ko. Kaso pag naging kami na, parang di ko na yun nakikita sa kanila. Kaya nga marami na ring takot ligawan ako eh. Baka masaktan lang daw sila. Pero itong si Albert, di pa rin nagpapigil. Kaya ko siya nagustuhan eh. May determinasyon kasi yung tao.
Akala ko siya na yung matagal ko nang hinahanap. Akala ko na naman siya na. Pero hindi pala.
Naawa tuloy ako kay Bert. Nagui-guilty ako. Ramdam ko kasing mahal talaga niya ako, kaso di ko naman yun masuklian. Mas mabuti na 'tong gagawin ko. At.least di ko siya lolokohin. Kesa namang magpanggap akong mahal ko siya, parehas lang kaming talo.
Habang nagmumuni-muni ako at hinihintay na sunduin ako ni Bert dito sa bahay namin sa Caloocan, nagpasya muna akong bilhan siya ng remembrance sa gift shop malapit dito sa bahay. Lagi ko yung ginagawa sa tuwing makikipaghiwalay ako, parang paghingi ko na rin kasi ng sorry sa lalaking masasaktan ko.
Habang naglalakad ako, may nagtext sa cellphone ko. Si Albert.
"Babe, malapit na ko sa inyo ha. Mag-ready ka na." text sakin ni Albert.
So nagmadali na kong pumunta sa gift shop, nang biglang...
BOOGSH!
May nakabanggan ako.
"Aray!" napasigaw ako kasi ang sakit nung pagkakabangga ko sa kanya.
Pagtingin ko, nahulog yung salamin nung lalaki. Infairness, cute siya ha. Inabot ko na yung salamin niya.
"Eto oh."
Dahil nga nagmamadali na ko, pagsuot niya ng glasses niya, nagpaumanhin at umalis na ko.
"Uy, sorry ha. Nagmamadali na kasi ako eh. Sige, bye. Sorry uli."
After that, pumunta na ko sa gift shop at binili ko yung unang parang gitara. Hilig kasi naming maggitara ni Albert eh. Yun na yung pampalipas oras namin. Maliit lang naman kaya nagkasya sa dala kong bag.
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si Bert na naghihintay.
"O, san ka nanggaling?" tanong sakin ni Bert.
"Ah, wala. May binili lang. Let's go?"
"Sige, tara."
Naglakad kami hanggang sa LRT station. Pagpasok namin sa loob ng tren, di naman siksikan kaya lang wala nang maupuan. Kaya no choice, tayo na lang. Habang nakatayo kami ni Bert...
"Upo ka na miss." Sabi sakin nung isang lalaki.
Pagkaupo ko, nagpasalamat ako sa kanya. Tas namukhaan ko siya.
Salamat ha. Teka, ikaw yung nakabangga ko kanina, di ba? Sorry ulit ha. Nagmamadali kasi ako eh."
"Hehe. Wala yun. Di rin naman kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Nga pala, ano pangalan mo?"
"I'm Kristelle Marquez." pagpapakilala ko sa kanya.
"Ikaw, ano pangalan mo? :)"
"Jasper. Jasper Rodriguez."
Tas yun, nagkwentuhan kami. First year EB English student pala siya, bla bla bla. Nang biglang nagsalita si Albert.
"Babe, pababa na tayo."
Ay oo nga. Di ko napansin. Masarap kasing kakwentuhan ni Jasper eh. Kaya nagpaalam na rin ak sa kanya.
"O sige, una na ko Jasper. Nice meeting you."
Tapos nun, bumukas na yung pinto ng LRT. Kaya bumaba na kami ni Bert. Mula dun, walking distance lang naman ang university na pinapasukan namin. Kaya nilakad na lang namin. (malamang walking distance nga di ba? xD)
Pagdating namin sa university, inaya ko siya sa likod ng gymnasium sa tambayan namin. Dun ko sasabihin yung "big news."
"Dun tayo sa tambayan, may sasabihin ako. Maaga pa naman." anyaya ko kay Albert.
"O sige." pag-sang-ayon niya.
Pagdating namin sa tambayan, sinabi ko na agad kung ano ang gusto kong sabihin.
"Albert, di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Sa 4 months na pagsasama natin, pinaramdam mo sa akin ang sorang pagmamahal at atensyon. Pinaikot mo ang mundo mo sa akin. Ramdam kong mahal na mahal na mahal mo talaga ako."
"Salamat naman at napansin mo ang lahat ng yun." sabi sakin ni Bert habang nakangiti.
"Pero, alam mo naman na may bagay na hinahanap ako sa lahat ng mga nakakarelasyon ko. At alam mo rin na kaya kita sinagot ay dahil sa pag-aakalang nasa iyo yun. Kaya lang..."
Napabuntong-hininga ako.
"Nagkamali pala ako. Sorry, Albert, pero di ko na kayang suklian ang mga ginagawa mo par sakin. I'm sorry but I'm breaking up with you. Sana mapatawad mo ako. Sige una na ako sayo. Sorry ulit."
Tumayo na ako, umalis ng tambayan, at iniwan si Albert na tulala.
BINABASA MO ANG
Tren (A story of love)
RomanceIsang normal na araw ang sinimulan ni Jasper, ngunit natapos itong sa isang pambihirang paraan. Umiibig na siya. Sa isang babaeng nakilala niya sa tren. Magmula ng makilala niya ang binibining ito, nag-iba ang takbo ng buhay niya. Lagi nya itong nak...