Jasper's POV
So ayun na nga. Sinundo ko na si Best Ella at tumungo na kami sa LRT.
Pagpasok namin sa waiting area, sakto namang dating ng tren. Ang nakakatuwa, skip train yung dumating. Wala masyadong tao. Kaya makakaupo kami. Swerte talaga.
Marami rin kaming sumakay sa LRT kaya kahit di siksikan, di pa rin maiiwasang may tumayo. Pagtingin ko sa mga taong nakasabay samin, nagliwanag ang mga mata ko. Kasi naman...
Andun siya.
Yung babaeng mala-anghel na nakasalubong ko kanina.
Grabe, destiny. Di rin naman siya malayo sa kinauupuan ko, kaya inoffer ko yung upuan ko sa kanya. Syempre babae eh.
"Upo ka na miss." Offer ko kay Angel. Yie. Yan na lang tawag ko sa kanya.
V
"Salamat ha. Teka, di ba Ikaw yung nakabangga ko kanina? Sorry ulit ha. Nagmamadali kasi ako ako eh."
"Hehe. Wala yun. Di rin naman kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Nga pala, ano pangalan mo?"
Dun ko nalaman na ang pangalan niya pala ay Kristelle Marquez. Wow. Perfect name for the perfect girl.
"Ikaw, ano pangalan mo?" :) Tanong ni Angel Kristelle sakin.
"Jasper. Jasper Rodriguez."
Yey. Kilala na namin ang isa't isa. Habang nag-uusap kami, biglang sumingit yungkasama niya. Ngayon ko lang napansin na may kasabay pala siya.
"Babe, pababa na tayo." sabi nung kasama niya.
Ouch. Ang sakit. May boyfriend na pala. No chance na agad. x(
"O sige, una na ko Jasper. Nice meeting you." Sabay baba.
Ahay. Di ko man lang nakuha ang number niya.
Bababa na rin pala kami next station nang bigla akong kinausap ni Ella.
"Best, sino yun?" usisa sakin ni Ella.
"Wala, nakasalubong ko lang kanina. Ganda niya no?"
Hindi sumagot si Best. At parang sumimangot. Naisip ko baka may iniisip na problema. Kaya di ko na tinanong. Pag tapos nun, bumaba na kami ng LRT.

BINABASA MO ANG
Tren (A story of love)
RomansaIsang normal na araw ang sinimulan ni Jasper, ngunit natapos itong sa isang pambihirang paraan. Umiibig na siya. Sa isang babaeng nakilala niya sa tren. Magmula ng makilala niya ang binibining ito, nag-iba ang takbo ng buhay niya. Lagi nya itong nak...