Chapter 2: Repetition

85 13 3
                                    

-"Huhhhh?!!!!!!!" Nagulat ako dahil pag mulat ng aking mga mata, ako'y nagising sa bus. Panaginip nga lang ba ang nangyari? Bakit parang totoo na nasaksak ako? Tinignan ko ang aking tagiliran at wala naman itong kahit anong galos ngunit bakit pakiramdam ko ay totoo ang nangyari?
                         
Malapit na ang aking destination kaya bumaba ako sa bus, pinagtinginan ako ng mga tao sa bus kanina dahil napasigaw ako nang pagising ko, nakakahiya grabe. Bumaba ako sa bus at napagmasdan na medyo madilim ung iskinita ng aking tinitirahan.

Malapit na ako sa may bahay ko ng biglang dumilim ang paligid na tila kagaya ng nasa panaginip ko, dé jà vu ba kung tawagin...

May tatlong tao na biglang pumalibot sakin at bumulong sa aking tenga ang isang nasa kanan ko. Hindi ko ito maintindihan at nang pag mulat ko ng aking mata ay nawala ang mga taong pumalibot sa'kin, na-ilang ako sa ngyari.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at tulad ng aking panaginip, may lalaking naka takip ang mukha ang sumalubong sa aking mukha. Ito'y may hawak ng patalim.

"Akin na ang wallet, cellphone at bag mo kung ayaw mong mamatay!" Saad nya.

Hah! Anong akala neto, bibigay ko ang mga gamit ko na pinagipunan ko ng ilang buwan? Hindi nya ba alam na marunong ako ng martial arts?   

Pwes humanda ka! Bigla kong hinablot ang kanyang kamay at pinaikot ito para mabitawan nya ang patalim. Kaagad kong sinipa ang kanyang binti para siya ay matumba. Kinuha ko ang patalim at tinutok sa kanya.

"Ano ha! Magnanakaw ka pa?! Tara!" Sigaw ko habang tumatayo siya at tumakbo paalis.

______________________________
                         

Yun ang gagawin ko kung marunong ako mag self-defense, kaso in reality? eto, inabot ko ang aking mga gamit sa kanya.

"Oho wag niyo ho akong saktan, eto na ang gamit ko" saad ko sa sobrang takot ko.

"Salamat dito boy!" Nang marinig ko iyon naalala ko ang nangyari duon sa panaginip ko. Pag katapos niyang sabihin yon ay sinaksak niya ako, nakailag ako ngunit ako'y nahiwa parin ng patalim. Mukhang malalim ang pagkahiwa niya, tinamaan yata ang ugat ko.

"Sh*t ang sakit p***ng ina, Tulong!!" Ngunit hindi ako makasigaw, walang boses ang lumalabas. Gumapang ako hangang sa hindi na kaya ng katawan ko dahil nawalan na ako ng madaming dugo. Ako ay tila naghihintay na lamang sa aking oras dahil sa tingin ko hindi na ako aabot. Bakit ganun? bakit ako pa? bakit ko napanaginipan na mangyayari sakin to at hindi ko parin nabago ang hinaharap. Ako'y nakahiga parin sa sahig, kagaya ng nangyari sa panaginip ko...

                           *B L A C K O U T*


_________________________________

Authors Note:
Ayun! So namatay padin si Luke sana sa next chapter maiba na ung mangyayari sa kanya abangan sa susunod na yugto!

DreamScade (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon