-"Ano po ang pangalan mo?" tanong saakin nung bata na aking niligtas
"Lucas, Ako si Lucas," sagot ko sa kanya at sinenyasan ko si Bella na samahan sila sa exit. pagkatapos kong senyasan si Bella ako'y lumabas muli ng fire exit at tinignan ko kung ano na ang mga ginagawa ng mga raiders sa mall
"Limang minuto bago maka responde ang mga Pulisya bilisan nyo na at ilabas na ang malaking drills at maghuhukay tayo ng mga kayamanan," Saad ng isang pinuno ng mga raiders kaya pala sila interesado sa pag raid ng mall na ito may tinatago itong kayamanan? paano nila nalaman ang impormation na ito? gulong-gulo ang aking isipan
"Pano nalaman na may kayamanan dito?" tanong ko sa katabi ko na raider.
"Boss niloloko mo ba ako? kasama ka noong pinaplano natin ang pag raid sa mall na ito," sagot nya sa'kin at na guguluhan ang kanyang isipan.
"Syempre alam ko, Sinusubukan ko lamang ang iyong kaalaman," Palusot kong sinabi sa kanya.
5 minutes pa bago maka responde ang nga pulisya kaylangan ko mahanap ang mga natitirang hostages.
"Nasaan ang ibang mga hostages?" Tanong ko sa kanya.
"Boss alam kong bago lang ako sa ganitong trabaho pero alam ko kung ano ang mga dapat natin gawin dahil ilang buwan na natin pinaplano ang pag atake sa mga mall" sagot nya sa'kin.
"Ang dami mong pinagsasabi! Sagutin mo ung tanong ko sayo," saad ko ng may halong galit.
"Boss nasa may exit ang mga hostages gagamitin natin sila para makatakas," sagot nya.
Habang tinatanong ko sya sobrang lakas ng ingay ang iyong mga maririnig dahil sa malalaking mga drills na ginagamit nila sapag hukay ng sinasabi nilang "kayamanan".
Tumungo ako sa sinabi nung tinanungan ko kanina ngunit habang ako ay palapit na sa sinasabi nya na lugar may biglang nag hinala sa ginagawa ko at biglang sumigaw.
"May nag papangap!" Sigaw nya at biglag nagpaputok ng AK nya mabuti nalang at may nakita akong isang store na bukas at nagtago ako duon.
Pinapaulanan nila ako ng bala at dahan-dahan silang lumalapit sa pwesto ko, na punta ako sa may cashier, Hindi sila tumigil sa pag baril sa'kin.
Ginamit ko ang aking baril at nagpaputok din ng baril ng hindi tumitingin sa aking tinututukan.
Hindi ko alam kung may natatamaan ba ako o hindi basta ang ginawa ko lamang ay itinaas ko ang aking baril at nag suppressing fire ako hanggang sa mawalan ako ng bala at nagdasal na lamang.
Tinangal ko ang aking suot na maskara at banda sa aking mukha. Pumikit ako ng sobra dahil sa aking takot na ito na ang aking huling oras.
Malapit na ang mga raiders sa tinataguan ni luke at pag ka tutok nila sa gilid sila ay nagpaputok ng kanilang baril.
______________________________
Naka pikit ang aking mga mata. Na saan na nga ba ako? na matay na ba ako? na sa langit na ba ako? bakit biglang tumahimik ang aking mga paligid?
"HAAAAAA!?!!?!" Sigaw ko dahil may biglang humawak sa aking likod.
"Suko na ko wag niyo ko patayin!!" Dagdag ko
"Uhm.. Sir magsasarado na po ung store namin, pati na din po ung mall 10:30PM na po," Sabi ng cashier na tumapik sa aking likod.
Hindi na ako umimik pa at umalis sa store at umalis sa mall. pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko hindi ko alam kung ano ba ang nangyari.
![](https://img.wattpad.com/cover/88031983-288-k694714.jpg)
BINABASA MO ANG
DreamScade (OnGoing)
FantasyWhat if I told you that you have been given a gift. A gift that allows you to save your memories by just sleeping? That allows you to travel back in Time? Come, and let's discover what will happen if someone discover that He have been given a gift. ...