- "LUKE!? LUKE!? LUKE!!"
Nang ako'y magising, masakit ang aking ulo at malabo ang aking paningin. Naririnig ko rin ang isang boses na tumatawag ng pangalan ko.
"Luke!!!! Hayyy salamat at okay ka lang. Alam mo bang kanina pa kita sinusubukang gisingin kasi late ka na? May pasok din ako noh" saad ni Xavier.
"Inayos ko na din yung baunan mo, kunin mo nalang sa sala. Wag mong kalimutan uminom ng gamot. Ohh sya mauna na ako" dagdag nya.
Nawalan pala ako ng malay kagabi dahil sobra kong pinagod ang aking katawan. Hindi ko namalayan na hindi na pala kinaya ng katawan ko kaya bigla nalang ako nawalan ng malay.
...
Natapos na akong maligo at mag bihis, kumain ako at uminom ng gamot. Buti nga at hindi na sobrang kumikirot ang sakit ng ulo ko hindi na kasing lala katulad kahapon.
7:30 A.M na nang ako ay makadating sa malaking gate ng school, may nakita akong dalawang lalaki na nakatayo malapit sa isang mamahalin na kotse na mukhang may hinihintay. Hindi ko ito binigyang pansin at nagpatuloy sa pag lalakad, nang malagpasan ko ang malaking gate ng school ay biglang may humawak sa aking braso at tinanong kung ako daw ba si Luke Ze'v. Sinabi kong oo at sinabihan niya ako na kailangan ko daw sumama sa kanila.
"Bakit ho? Ano ang kailangan nyo sakin?" Tanong ko sa lalaki.
"Kailangan mong sumama samin at kailangan kang makita ni boss, initusan niya kami na sunduin ka" saad ng lalaki.
"Malalate na po ako sa klase ko, hindi ba pwedeng mamaya nalang pag katapos ng klase ko?" saad ko sa kanya.
"Wag ka nang mag alala sa klase mo, in-excuse ka na ng mga professors mo kaya pwede ka nang sumama samin" saad niya.
"Eh pano kung ayaw ko sumama?" tanong ko.
Bigla niyang pinakita ang kanyang baril na nakatago sa coat na suot nya.
"Ganun ho ba? O sige ho sasama na ako" saad ko sa kanya dahil sa takot na ako ay barilin.
Sino kaya ang boss na tinutukoy nya at bakit niya ako kaylangan makita? Halos kalahating minuto na ako naka sakay sa sasakyan nila. Huminto ang sasakyan dahil pula ang stop light, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, pinagisipan kong buksan ang pinto at tumakbo ng mabilis.
Sinubukan kong buksan ang pinto, agad akong umalis sa kotse at tumakbo hangang sa aking makakaya. Hinabol ako ng isang lalaki ngunit hindi naman ako hinabol nung isa, tumakbo ako sa isang kakahuyan na aking nakita.
"LUKE! BUMALIK KA DITO! KAYLANGAN KA MAKITA NI BOSS! BUMALIK KA KUNG AYAW MONG MASAKTAN!!!" sigaw ng lalaki habang hinahabol ako nito.
Hindi ako nagsalita dahil sa sobrang taranta ko sa pag takbo at biglang may malakas na putok ng baril.
"Sh!t sh!t sh!t sh!t! Napatay ko si Luke f***! Malalagot ako kay boss nito, baka patayin pa ako." saad nu'ng lalaking humahabol.
"Anong ginawa mo...?" saad nu'ng lalaking nagdadrive.
"Hindi ko naman gustong patayin si luke tinutok ko ang baril sa kanyang hita at hindi ko inaakala na mababagok siya f***!"
Yun ang aking huling narinig bago ako mawalan ng malay.
____________________________________
BINABASA MO ANG
DreamScade (OnGoing)
FantasyWhat if I told you that you have been given a gift. A gift that allows you to save your memories by just sleeping? That allows you to travel back in Time? Come, and let's discover what will happen if someone discover that He have been given a gift. ...