Disclaimer: Cover and multimedia images not mine.
I really wish that I could turn back time. A time for you and me. A time wherein both of us were happily in love with each other. A time wherein both of us were just so fine and worry free. A time wherein we both promise to stay together no matter what. But I know that wishes were never true. Wishes were never real and that they can never come true.
And the fact that wishes never come true... makes me feel so weak, tired and worst... hopeless. I can't accept the fact that both of us parted together like this. Paano mo nagawang iwanan ako nang ganon kadali? Paano mo nagawang itapon lahat nang saya, lungkot, kilig at problemang pinagsamahan natin? I did everything for you. I almost gave my all to you. And you left me here... with nothing. You left me here... suffering, silently dying... ALONE.
Walang naiwan sa akin. Kahit sana lakas nang loob lang para maibangon ko yung sarili. Lahat dinala mo sa pag-alis mo. Yung kasiyahan ko, yung pag-asa ko, yung lakas ko at higit sa lahat ang buhay ko. I was lifeless since you left. I have nothing but our memories together which keeps me from believing and worst... from moving on. Patuloy pa rin akong naniniwala na may pag-asa pa tayong dalawa. Na baka sakaling magbago ang ikot nang mundo at isang araw ay nandito kana ulit sa tabi ko... nagtatawanan tayo at magkayakap sa ilalim nang mga tala. Patuloy pa rin akong umaasa na baka sakaling nagbibiro ka lamang at sasabihin mo muli na mahal mo 'ko at hinding hindi mo'ko iiwan...
HAHAHAHHHAHA! Heto na naman ako sa pagpapakatanga ko. BAKIT KA PA NGA BA BABALIK? Eh halos isumpa mo nga ako nang ipagtulakan ko ang sarili ko sayo. Ako lang yung nagmahal eh. For five years? Bakit naitapon mo na yun nang ganon lang? For five years, ang hirap lang paniwalaan na sa maliit na maliit na bagay ay nagawa mo akong iwan...
Akala ko noon, tayo na. Oh, kung hindi man tayo ay maghihiwalay tayo sa mabigat na dahilan. Pero ang hirap lang kasi talagang tanggapin. Ang sakit sakit na. Nakakapagod. Nakakawalang ganang mabuhay. Yung tipong bawat paghinga ko, damang dama ko yung sakit...
You used to be every breathe I take and now you're gone... You used to be every heartbeat I made and now you're gone... You used to be every step I made and now I'm stuck here to the place where you left me... You used to be my life... So tell me now? How could I ever move on? How could I ever forgive? How could I ever live? ... WITHOUT YOU?
I really wish I could forget you with only one snap... with only one beat... with only one breathe... with only one step.
Sana, hindi ka na lamang pumasok sa buhay ko. Sana hindi ka nalang kumatok sa puso ko. Sana hindi ko na lamang binuksan ang puso ko para sayo. Sana hindi ko na lang natutunang mahalin ka. Sana sinabi mo man lang na iiwanan mo na ako. Atleast naman diba? Nakapaghanda ako. Sana bago ka umalis, tinuruan mo rin ako kung pano lumimot. Kung paano kalimutan ang sakit at pait nang lahat. Sana nalaman ko man lang kung paano ka kakalimutan... kung paano ko maibabaon sa limot ang lahat...
Sasabihin mo, you need space... you need a 'me' time... kailangan mo pang mag-isip. Eh, tunginels! Dalawang araw after the break up, may pa #INLOVE ka na sa status at GM's mo eh! Sinong niloko mo dito? Ha?! SAGOT?! HAHAHAH. Oo nga pala. Ako nga pala yung niloko mo dito. Ang gaga ko naman talaga eh nu? Nagtanong pa ko. Ang bobo ko rin naman minsan eh... Pero ganun naman talaga diba? Kapag nagmahal ka, kahit isang sakong medal meron ka at isang aparador nang ribbons at certificate... lahat nang yan balewala kapag na'inlove ka. Na'inlove ka eh. Walang pero pero, walang tama na, walang talino talino at kung ano ano pa sa love. Kasi nga kapag mahal mo, mahal mo..
At yun yung pinakamasakit. Kasi kahit anong gawin ko, ayaw lumimot nang puso ko. Ayaw pang sumuko nang puso ko kahit na durog na durog na. Pinong pino na.. Para akong tanga na pinipilit pagtagpi-tagpiin ang nabasag nang salamin. Tangang pilit pagsamasamahin ang pitong dragon balls nang nilalakad ko lang. Paano ko nga ba naman maaayos kung ako lang mag-isa? Diba nga sabi nila, a relationship is composed of two people with love and trust to each other? So ano to? Makikipagrelasyon ako sa sarili ko? Kasi ako lang naman ang nagmahal at nagtiwala sating dalawa eh.
Bawat araw na lumipas, taglay ko pa rin ang sakit. Fresh pa rin bawat sugat nang nakaraan. Yung pain na nakakamatay, yung pain na hindi ko maipaliwanag kung paano ko sosolusyonan. Yung kahit galit na galit ako sayo, ikaw pa rin ang magiging lunas nang karamdaman kong ito. Yung kahit anong gawin mong mali, ikaw pa rin yung hinahanap ko. Ikaw pa rin yung hahanapin ko... at ikaw pa rin ang patuloy na hahanapin nang puso ko. This pain within me is never ending and never vanishing.
I wish I could leave my heart out of this pain. I wish I could stop this battle between my heart and my mind. The battle between moving forward and hoping. I wish my heart will stop interfering every decisions my mind was thinking. I wish my heart will never be an ingredient when I fall in love. I wish the scars will be finally healed. I wish I could take this pain out of my heart and throw it far, far away... Yung malayo. Yung hindi ko na siya mararamdaman. Yung hindi na ako masasaktan ulit...
KASI AYOKO NA. PAGOD NA AKONG UMIYAK GABI-GABI SA KAKAISIP SAYO AT SA LAHAT NANG NANGYARI SATIN. PAGOD NA AKONG MAGALIT SA MUNDO. PAGOD NA AKONG MASAKTAN. PAGOD NA AKONG IPILIT NA BABALIK KA PA. PAGOD NA AKONG UMASA. PAGOD NA AKONG MAGALIT SA SARILI KO.. Simple lang naman ang hiling ko..
I wish that this broken angel will be finally healed...
YOU ARE READING
The Broken Angel
Teen FictionSo much pain for someone so young. So much pain for someone so weak and drained. So much pain for someone so innocent and naive. Pain is said to be the silent killer and you might be the next victim. Pain is when you're slowly dying on the insi...