Disclaimer: Photos not mine.
This day is indeed exhausting. Wala na akong ginawa kundi magmukmok at umiyak. Saturday naman bukas so okay lang, I can have all the rest that I want. So I was just lying here in my bed. So boring. I decided to open up my social media accounts. I opened first my Instagram account, checked out everything there. Biglang nanghina yung lahat sakin nung makita ko yung mga litrato namin dun sa IG. Yes, my IG were all about us. It's all about our vacations, biglaang roadtrips and everything. Its all there. I remember, one time.. Tinay told me that the first step in moving on is to delete all the pictures you had together because pictures will always remind all the memories we had. Pero hindi eh. Para sakin kase, kahit anong delete mo nang pictures at kahit anong tapon/sunog mo nang mga bagay na magpaparemind sayo sa kaniya... yung memories kasi naka'engrave na yan sa kaibuturan ng puso at isip natin. Hindi na yan mawawala diyan. Siguro it's a matter of positivity na lang na makakalimutan mo din siya... hindi lang nga lang ngayon.
"Haaaays. Kaya ko'to.. Magpo-post na lang ulet ako nang solo picture ko sa IG.. Hmm, ano nga bang magandang photo na ipost?"
I scrolled down all the pictures in my phone. Solo pictures ko lahat yung nandun, don't worry. Hindi ko i-totorture yung sarili ko. Last month kasi, hiniram ni bes yung cellphone ko. Nakita niya sa gallery ko na puro pictures namin ni Drey yung nandun..
*Flashback*
"Bes, pahiram naman nang phone mo. Makikitawag lang.."
"Oh eto, Tin. Diyan na muna, nag-aaral parin naman ako para sa quiz bukas."
Binigay ko sa kaniya yung phone ko then continue studying. May long quiz kame bukas so kailangan talagang mag-aral. Medyo kahinaan ko din kasi yung Math Subject. Kailangan ko pang mamemorize lahat nang formulas nung Conic Sections. Teka, paano nga ulit naging 5 yung sagot dito?
"Hoy! MADDELAYNA!"
"Ano na naman Tin? Tsaka hindi Maddelayna ang pangalan ko. Maddison."
"Wala akong pakialam sa pangalan mo. Hoy, hoy! Ikaw na bruha ka.. bakit nandito pa rin tung mga pictures niyong dalawa dito, ha aber?"
"Eh, hindi ko kasi kayang i-delete.. tsaka yan na nga lang yung natitira saken. Yung pictures na lang, wag mo namang ipagdamot."
"Calay, hindi ko to ipinagdadamot sa'yo. Pero kasi habang nandito pa to sa phone mo, patuloy ka pa ring kakapit kasi sasabihin mo, etong litratong to na lang ang pinanghahawakan mo. Hindi ka ma ka ka move on kapag nandito pa to. Alam mo, Lay.. May nabasa akong libro eh. Ang sabi, first thing to do when you are moving on is to delete all the memories or things that reminds you of him. Yun yun Lay!"
"Oh, sige na. Hindi naman ako nananalo pagdating sayo eh. Basta please, ako na lang yung magbubura mamaya."
"Okay, sige. Kahit alam kong iiyak ka na naman mamaya kapag nakita mo tung lahat. Pero basta ipangako mo sakin na bukas, wala na tong mga pesteng 'to sa phone mo. Intyendes? Pag nakita ko pa to rito bukas, sasampalin kita nang magtino ka.."
YOU ARE READING
The Broken Angel
Teen FictionSo much pain for someone so young. So much pain for someone so weak and drained. So much pain for someone so innocent and naive. Pain is said to be the silent killer and you might be the next victim. Pain is when you're slowly dying on the insi...