First Feather: EMOTIONS

32 1 0
                                    

Disclaimer: Photos not mine.

Someone told me that the hardest thing to do in life, is to let go of what you thought was real

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Someone told me that the hardest thing to do in life, is to let go of what you thought was real. Kasi nga diba? Paniwalang paniwala ka na totoo siya. Yung tipong kahit niloloko ka na sa harap mo, hindi ka parin maniniwala na hindi kana niya mahal. Minsan maiisip mo na lang at maitatanong mo sa sarili mo kung saan ka ba nagkulang, ano ba ang nagawa mong mali para gaguhin ka nang taong mahal mo, kung hindi ka pa ba sapat, kung ano bang meron yung bago niya na wala ka.. at maiinis ka na lang sa sarili mo kasi kahit ilang buwan na yung lumipas, namumutawi pa rin yung luha sa mata mo.. nasasaktan ka parin.

"Uuy!"

Apektado ka parin..

"Hoooy!"

Naaalala mo parin yung pinagsamahan niyo.

"Ano baaa?! Natutulala ka na naman! Ano ba? Limang buwan na ang nakalipas, hindi ka parin nakakabalik sa mundo? Haller, Ate girl! Ano ka? Move on din tayo diba? Ganun kaba ka busy sa studies mo at wala ka talagang time mag move on?"

Oh, ayan. Umeksena na naman yung bespren ko. Kahit ganyan 'yan, siya lang yung tanging natira sa tabi ko nung walang wala na talaga ako. Nung iniwan ako nang tanging buhay ko.

"Sorry naman bes, hindi naman kasi madaling kalimutan yung five years. Five years yun. Hindi yun basta basta."

"Ay ang galing! Iba din. Hoy, bruha! ikaw lang naman yung nagsasabi na hindi basta basta yang relasyon niyo. Eh diba nga, two days after nang break up niyo, nakalimutan ka na niya agad? May bago na siya agad! Hoy, Calay! Tigil tigilan mo ko sa mga walang kwentang rasones mo ha? Aba! Anong petsa na, hindi ka parin nakakalimot? Ilang beer na ba yung nalaklak natin? Diba hindi na nga mabilang? Mga isang milyong beer pa ba ang kailangan para makalimutan mo siya?"

Mahaba na naman ang lintanya niya. Ewan ko rin ba sa sarili ko! Naiinis na rin naman ako. Gusto ko na siyang makalimutan ngunit hindi ko din magawa.

"Ewan ko ba bes. Gusto ko na rin namang makamove on pero di pa rin ako maka-alis alis sa lugar kung saan niya ako iniwan."

"So ano to? Kailangan mo pa ba nang tagasundo para lang maka-alis na yung puso mo sa lugar na yan? Bes, alam mo may nakapagkwento sakin. Ang pagmomove-on, may process yan. Sabi nila, it's called DABDA. Denial, Anger, Barter, Depression and Acceptance. At sa limang 'yan? Nandiyan ka parin sa D bes."

"D? Depression na? Hala. Oo nga, siguro Depression na tong nararamdaman ko. Yes! Acceptance na yung susunod!"

"Tungek! D palang. DENIAL! Ni hindi mo pa nga maamin sa sarili mo na kaya hindi ka maka-move on ay dahil sa umaasa ka parin. Hindi mo pa rin matanggap na wala na yung lahat sa inyo! Bes, alam ko namang masakit. Alam kong hindi madaling kalimutan pero kasi tingnan mo naman yung sitwasyon. Ikaw na lang yung nakakapit. Ikaw na lang yung umaasa. Eh yang pesteng Andrei na yan? Nakalimang girlfriends na! Eh ikaw? Kailan yung progress mo?"

The Broken AngelWhere stories live. Discover now