Disclaimer: Photos not mine.
Nagising ako na masakit na masakit ang ulo ko. Yung tipong nais mo siyang iuntog sa pader or what. Hangover feels meeen! Umupo ako sa kama at inalala ang mga nangyari kagabi. Nasampal ko na lang ang sarili kong noo. Ano pa bang bago? Aba syempre umiyak na naman ako. Linggo na ngayon pero tila wala pa akong balak bumalik nang Manila kahit na may klasd na bukas.
Humaplos naman ang malamig na hangin sa umaga nang tagaytay sa aking mukha at ramdam na ramdam ko ang pampakalmang dala nito. I really love it here. Aside from the fresh air, given na naman kasi yun, I love the ambiance of Tagaytay kasi parang nakakatulong siyang ma'lighten yung kahit anong hard feelings meron ka inside you. Like kapag galit ka, nakakatulong siyang mapahupa yung galit mo. Kung pagod ka at stress na stress sa work, ang ganda siyang stress reliever. That's why I always wanna come back here. Ansabi ko pa nga noon sa sarili ko, if I will to marry someone, I will ask him to build me a house here in Tagaytay...
I was busy inhaling all the positive vibes of Tagaytay when someone knocks on the door.
"Bes, gising ka na ba? Baba kana, kain na tayo. Pinabilhan na rin kita nang gamot kay Manang, alam ko namang sakitin ka nang ulo tuwing nainom. Sunod kana ah?"
Hahaha. That girl, she really knew every piece of me. I'm really lucky to have her as my friend. She's always there for me, in every good times and bad times. I just found myself smiling with those thoughts.
After kong magmuni-muni nang mga bagay bagay, lumabas na rin ako and joined Tinay in breakfast.
"So Tin, tell me who's the stranger you dated na hindi ko alam?"
"Ahh, yun? His name is Shan and he's a nice guy."
"Eh kung nice guys siya, then bakit mo hindi pinagpatuloy? Chance mo na sana yun."
"Naku Lay, it's a no-no. I can't imagine myself having a relationship no. Parang ambadoy lang isipin ha."
"Ikaw talaga Tin. Natakot ka lang yata dahil sa mga nakikita mong pinagdadaanan ko eh. Tin, lahat nang tao may kani-kaniyang lovestory. Hindi porket iniwan ako ay iiwan ka rin niya."
"Bes, magkaiba man tayo nang lovestory, ganun pa rin yun. Masasaktan at masasaktan pa rin ako kasi nga diba? Love, to be true has to hurt at hindi pa ako ready na masaktan."
"Alam mo Tin, ikaw tung naturingang mas matapang sating dalawa eh ikaw rin naman tong pinakamahina pagdating sa love. Ganun naman talaga Tin diba? Kapag nagmamahal ka masasaktan ka. Sa love kasi pag tinamaan ka, tinamaan ka. Hindi ka pwedeng umilag. Hindi mo masasabi kung kailan ka ready kasi hindi mo rin naman alam kong kailan yung tamang panahon para sa'yo diba? Sige ka. Sa kakaiwas mong iyan, naiwasan mo na rin yung taong mag-aalaga at magmamahal sana sa'yo nang tunay."
"Aba, aba, aba. Natututo kana Lay ah? Ang galing ah. Ganyan na ba yung epekto nung alcohol sa utak mo? Naku, sabihin mo lang ah. Marami akong alcohol dun sa aparador, gusto mo samahan pa natin nang betadine."
"Para ka talagang shunga, Tin. Kain kana nga.'"
"Pero alam mo Lay, nag-iimprove kana. Kailangan lang pala sayo ay yung hatakin ka palabas nang bahay niyo para kahit papaano mabawas bawasan naman yung eyebags mu. Nako, mukha ka nang zombie sa kakaiyak eh."
"Oo Tin, tama ka. Kahit papaano nga ay nabawasan yung bigat nang damdamin ko. Naku, paano na lang kapag wala yung bestfriend ko."
"Sige, bolahin mo pa ako. Pero alam mo Lay, mag make up make up ka naman. Mag-ayos ayos kana nang sarili mo. Paano ka makakahanap nang bagong boylet niyan?"
"Ano bang pinagsasabi mo diyan Tin? Kakawasak lang nitong puso ko, hindi pa nga naibabalik lahat nung piraso, ipapawasak ko na naman? Wag na uy. Kala mo sa puso ko? Pusa? Siyam yung buhay? Naku, hindi ko na kaya ang isa pang heartbreak."
YOU ARE READING
The Broken Angel
Teen FictionSo much pain for someone so young. So much pain for someone so weak and drained. So much pain for someone so innocent and naive. Pain is said to be the silent killer and you might be the next victim. Pain is when you're slowly dying on the insi...