{ Love, Rain // 4 }
"Nakakainis no, dumaan lang sa'tin yung bagyo! Nag hi lang!"
"Rinaaa, maawa ka naman dun sa mga kakaiba ang bahay!"
"Kainis kasi, di nakapag gala!"
Kenji's POV.
Nasa cafeteria kami, kumakain. Break time kasi namin ngayon. Isa't kalahating araw lang pala ang walang pasok dahil ng sinasabing bagyo daw na nasa Region 6 na.
Kasama namin sa table ang mga kaibigan ni Rina. Hindi ko naman sila gaanong ka-close pero nakilala ko lang din sila dahil kaibigan ko nga si Rina. Tahimik kasi akong tao, naging loner nga ako nung first year eh. Hindi naman as in na loner, tahimik, siguro.
"Rina, bili lang akong Mirinda."
Tumango naman siya. Nginitian ko yung mga kasama din namin sa table at tumayo na. Lumapit ako sa cashier. Sa kanya mo kasi sasabihin yung bibilhin eh, hindi yung kukunin mo lang.
"Ate, Mirinda nga po."
Kinukuha pa ni "ate" yung Mirinda ko ng may lumapit sa'kin. Pagkita ko, si Mike.
"Mineral."
Maiksi lang ang kanyang sinabi. Nakatingin pa rin ako sa kanya, kaya siguro, nahalata niya. Napatingin din kasi siya sa'kin. Pero, di niya naman ako binati.
Mamaya din naman, bumalik na si "ate" na dala dala yung Mirinda ko. Inabot ko naman sa kanya yung bayad ko. Medyo nag iba naman ang expression ng mukha niya.
"Ineng, walang barya?"
P500 kasi yung inabot ko. Yung naibayad ko kasi kanina na pambiling tinapay ay yung natitira kong barya. Katunayan, humingi pa ako ng apat na piso kay Rina dahil kulang.
"Wala po eh."
"Ay naku, iho, magkaklase ba kayo?"
Napatingin ako kay Mike. Siya kasi ang kausap ni "ate". Napatingin din siya sa'kin habang binubuksan niya yung Mineral water na nabili niya.
"Pwede gang dine ko na ibawas at bayaran mo na lang siya?"
BINABASA MO ANG
(Short Story) Love, Rain
Teen FictionGenre: School Life, Romance // "If I were rain, that joins sky and earth that otherwise never touch, could I join two hearts as well?" -- Original quote from Bleach. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php