{ Love, Rain // 13 }
"My loves, anong nangyari sa mata mo??"
Kenji's POV.
Nakatingin sa'kin si Rina. Nakatingin siya sa'king mga mata.
"Ba't para ang puffy?"
Kinusot ko yung mga mata ko.
"Umiyak ka ba?"
Patuloy ko pa ring kinukusto yung mga mata ko.
"Hindi ah."
"Eh bakit nag swoswollen??"
Tinakluban ko yung mata ko.
"Hindi nga! At anong swollen?! Si Rina, kung ano anong binabasang dictionary."
Napalipat naman yung usapan sa kanya. Nakatanggap kasi daw siya ng offer na mag star sa isang drama pero di niya daw sure kung tatanggapin kasi ayaw daw niya nung role.
Mamaya rin naman ay dumating na si Ma'am at nagsimula na yung klase.
- - -
< "Go outside and catch as many raindrops as you can. For every one you catch, it’s how much you love me and for every one you miss, that’s how much I love you. --- Love, Rain." >
Huh??
Nandito ako sa locker's area nung nabasa ko to na nasa locker ko.
Ano bang ibig sabihin ni Rain dun?
"Alam ko na ang nangyari kina Mike at yung Robles!!"
"Eh? Anu anu?? Dali!"
Medyo pinasok ko yung ulo ng konti sa may locker ko. May naririnig kasi akong nag uusap na nasa kabilang locker. Bale nasa left sila. Di ko naman kilala kasi di ko sila kita dahil nakatago nga ako dun sa bukasan ng locker ko.
BINABASA MO ANG
(Short Story) Love, Rain
Teen FictionGenre: School Life, Romance // "If I were rain, that joins sky and earth that otherwise never touch, could I join two hearts as well?" -- Original quote from Bleach. For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php