// 8 : Falling for Rain

22.6K 661 46
                                    

{ Love, Rain // 8 }

"Class, next week, may upcoming field trip na inorganize ang ating Student Council."

Kenji' s POV.

Medyo papikit pikit pa ako ngayon. Mga 2 am na kasi akong nakatulog eh. Tinapos ko kasi yung paggawa ng Love Signs. Kahirap palang mag isip, napiga yung utak ko eh!

"For this year, P1300 yung bayad."

Napatingin ako kay Rina na talagang nakikinig kay Ma'am. Tumingin din ako kay Ma'am na may hawak na isang papel at nagsasalita. Mamaya ay nagtaasan na sila ng mga kamay. Nakita ko si Rina na nakataas kaya tumaas na rin ako.

"Ano daw meron?"

"Field trip daw. Tinatanong ni Ma'am yung mga possibleng sumama."

Ahhh.. may field trip pala. Sus, kung tutuusin ayoko ng field trip. Simula't sapul kasi, nahihilo agad ako sa bus. Ang baho kasi nung paang plastic na puno eh. Yung may green o orange, pine tree ata na may pabangong nakakahilo. Kaya ayoko talaga ng field trip, di ko kasi masyadong naeenjoy.

Nakinig na rin ako kay Ma'am na kinukwento kung san daw kami pupunta. Siguro ang pinaka alam ko lang na lugar na pupuntahan ay yung Star City at Mall of Asia. Lagi naman kasing dun tuwing pagabi na.

"Kenji, sasama ka!!"

Yun agad ang binungad sa'kin ni Rina habang naupo kami sa upuan sa ay cafeteria. Lagi kasi nga akong hindi nasama pero sa huli napapasama dahil ni Rina. Sobrang mapilit! Pwede na nga sya dun sa mga Malls, yung mga nagsasalita dun. Pero, sa ganda niya, pwede siya sa TV :D

"Oo na, sasama. Ikaw pa, malakas ka sa'kin."

"Wehee, ang sweet ni Kenji my loves ko!"

Kumain naman na kami habang nagkwekwentuhan. Kasama namin as always yung mga iba pa naming laging kasama tuwing break time. Napunta naman ang usapan sa bagyo. May paparating daw kasing bagyo ulit sa Pilipinas.

"Baka umulan sa field trip!"

"They can't stop us. Hoho >:D"

"Magdadala ng payong, sus!"

"Hindi naman siguro. Next week pa naman yun. Monday pa lang!"

Nung narinig namin yung bell, agad na kaming tumayo para pumunta sa aming classroom. Naakyat kami ng marinig naming naulan pala sa labas.

(Short Story) Love, RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon