// 5 : I need the rain now

23.8K 702 45
                                    

{ Love, Rain // 5 }

"Ate, notebooks ko, pa checkkkkkkkkkk"

Kenji's POV.

Tiningnan ko si Ashley. Nasa kwarto ko siya at binibigay sa'kin yung mga notebooks niya. Kakauwi ko lang din at dumiretso agad ako sa kwarto.

Ngumiti ako kay Ashley. Ngumiti rin siya. Kinuha ko yung pantatak na ang desenyo ay araw na nakangiti. Yun kasi ang gustong gustong makamit ng kapatid ko. Pag binigyan ko kasi siya nun, may katumbas yun pagdating ni Papa mula sa kanyang trabaho.

Binuklat ko yung notebook niya at ayos naman ito. May sulat at may mga checks. Gumagawa siya ng exercises at assignments. Matapos kong buklatin lahat, binigay ko sa kanya at kinuha ko ang palad niya. Nakangiti siya nun na tuwang tuwa. Tinatakan ko na siya at nagtatalon siya sa tuwa.

Lumapit siya sa'kin at pumanlong. Hinawakan ko naman yung buhok niya habang naglalambing siya sa'kin. Nagkwekwento din siya ng mga nangyari sa school niya. Yung mga biro ng mga guro at mga nilaro niya at ng mga kaibigan niya nung nag uwian sila.

"Ate ateeee"

"Hmm?"

"May nangyari sa school mo??"

"Ha? Wala naman.."

Tumango-tango siya at tumayo na. Kumaway siya sa'kin habang naglulundag papaalis ng kwarto ko. Nakangiti lang ako habang pinapanuod siya.

< "Kenji, pwede mo pang pag isipan.. wag kang magmadali.." >

Nahiga ako sa kama ko habang inaalala yung nangyari kanina. Nung mga oras na yun, hindi ko alam ang gagawin ko at sasabihin ko. Para bang may nagsasabi sa'kin na h'wag kong tanggapin pero parang sinasabi naman ng utak ko na tanggapin dahil crush ko siya.

Inaalala ko rin si Rina.

Bumangon ako sa pagkakahiga at inabot ang aking bag na nasa lamesa. Binuksan yun at kinuha yung maliit na box. Regalo ko sana para kay Rina. Hindi ko nga lang naibigay. Tuwing anniversary ng friendship kasi namin, lagi kaming may regalo sa isa't isa. At pagkatapos mong ibigay yun, sasabihin mo sa kanya yung gusto mong matanggap next year. At ito, hawak ko ngayon yung sinabi niya na gusto niyang regalo.

Siguro stressed lang siya kanina. Dahil siguro ng mga magulang niya na pinipilit siyang ipasok sa entertainment. Ayaw niya kasing mag artista kahit mukha siyang modelo at artista.

(Short Story) Love, RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon