chapter two.

91 8 4
                                    

"Helen," tawag ni Jasmine sa kaibigan niya, "Nandiyan na 'yung suspect. Pasok ka na sa loob."

Tumango si Helen at pumasok na sa kwarto kung saan naka-upo ang isang suspect. Sinimulan na ni Helen kausapin ang lalaki at umalis na si Jasmine.

"Noah Landon Stevens, right?" Tanong ni Helen sa lalaking nasa harap niya.

"Oo," sagot ni Noah.

"Ikaw ang huling tinawagan ni Kelly the night na nawala siya?" tumingin si Helen kay Noah habang sinasabi 'to.

"Hindi ko alam na ako ang huli niyang natawagan. Pinaguusapan lang namin nun kung paano mag-commute. Nagpapatulong siya," sagot ni Noah.

"Bakit sa'yo?" Tanong ni Helen.

Umiling si Noah, "Hindi ko alam. Hindi ko nga din alam bakit kailangan niya mag-tanong ng gano'n. Eh kasama naman niya kayo. Bakit pa magcocommute, di ba?"

"Exactly," agad na sagot ni Helen. Umiling nalang siya at biglang pumasok ang iba pa nilang kaibigan.

"Ito 'yung files niya," lapag ni Jasmine sa table kung saan pumalibot silang magkakaibigan.

Tinignan nila ang papeles na nasa kanila. Nag-salita si Ida bigla, "Nahanap ang cap mo sa malapit na lugar kung saan nakita ang bangkay ni Kelly." Banggit niya kay Noah.

Napa-kunot ang noo ni Noah. "Cap ko? Paano?"

"Lumang factory, pare. Malapit sa kung saan ginanap 'yung program." Singit ni Chris sa usapan.

"Nag-hanap kami sa bodegang 'yun at nakita namin 'tong cap," may kinuhang plastic si Ida at nilapag sa table. Sa loob nito ay ang cap na madumi at madaming mantsa.

"Ayan ang suot mo nung program na 'yun nung nakita ka namin bago ka umalis 'di ba?" Tanong ni Isabel.

"Oo, cap ko 'yan," umigting ang panga ni Noah, "Pero hindi ako pumunta sa kung ano mang bodega sinasabi niyo."

"Bakit mapupunta 'yan sa bodega kung ganun?" Pagsali ni Ivo sa usapan.

"Hindi ko alam pero wala akong kinalaman diyan." Tanging sagot ni Noah sa tanong ni Ivo sa kanya.

"Hindi mo ba naramdaman na nawala sa'yo ang cap mo kung sakali man hindi totoo ang sinasabi mo?" Dagdag ng tanong ni Jasmine.

Umiling si Noah, "Hindi ko maalala. Naka-motor ako. Siguro nilipad o kung ano man."

"Edi hindi ka pala nag-helmet?" Singit ulit ni Chris. "Nako, 'di nagsusuot ng helmet 'to. Sumbong mo sa tatay mo, Jasmine." Tawa bigla ni Chris na siniko naman agad ni Ida.

"Sumeryoso ka nga!" Saway ni Ida sa kanya. Tumawa lang siya ulit.

"Guys," nag-salita si Helen. "Diretsuhin na natin si Noah." Tumingin ang lahat kay Noah at tinanong na siya ni Helen.

"Ikaw ba ang pumatay kay Kelly?"

"Hindi."

Sigurado ang pagkakasagot ni Noah sa tanong ni Helen. Umiling sila Ivo at sinabing hindi sila naniniwala.

Tumango si Helen at nag-salita ulit. "You may leave, Noah."

"Ano? Helen, suspect siya." Pigil ni Jasmine.

"Pero hindi siya ang killer. He's not guilty." Sagot ni Helen.

"I'm not," sagot ni Noah. "Alis na 'ko. Salamat sa paniniwala, Helen. Sana mag-tagumpay kayo sa paghahanap ng hustisya para kay Kelly." Agad nang umalis si Noah ng sabihin 'yon at hindi na nagpatagal pa.

"Helen, bakit mo pinaalis? Sa kanya naglelead 'yung evidence. Bakit ka naniwala sa kanya ng ganun ganun lang?" Tanong ni Isabel sa kanya.

"I'm not an interrogator for nothing. Alam kong hindi siya ang killer. Inosente siya." Sagot ni Helen.

"Hindi mo sigurado 'yun," sagot sa kanya ng kapatid niyang si Ivo.

"Hindi din tayo sigurado na siya ang pumatay. Wala tayong sapat na ebidensya." Pagtanggol ni Helen.

"Naiintindihan ko point ni Helen. Pagkatiwalaan muna natin siya." Pag-awat ni Ida sa pagtatalo.

"Buti pa 'ko chill lang," sagot ni Chris.

"Okay. Balikan na lang natin siya kapag meron pa ring lead sa kanya kung meron mang iba pa." Sabi ni Jasmine habang inaayos na ang files ng suspect nila na si Noah.

"Sana lahat binabalikan." Biro ni Helen.

"Gusto mong matadyakan?" Banta ni Ivo sa kapatid niya.

"Sige na, okay na. Investigate tayo ulit." Buntong hininga ni Isabel.

"Sigurado ka na ba talagang hindi siya yung suspect, Helen? Dedz ako n'yan kay Daddy 'pag nalaman niyang nangialam ako sa office niya." nag-aalalang tanong ni Jasmine habang isinasara ang folder na hawak niya.

"Hindi talaga siya. Sure na," saad ni Helen.

"Mukha ngang hindi. Tingin ko na-set up si Noah ng totoong suspect. Sinadyang ilagay yung cap niya sa bodega."

"PARA SIYA YUNG MAPAGBINTANGAN!!" dugtong ni Isabel sa sinabi ni Ivo.

"Oo nga ang galing... ang galing niya," kumento naman ng mapagbirong si Chris habang nakahawak pa sa kanyang baba.

Nagulat si Chris nang biglang may tumamang crumpled paper sa ulo niya. Agad siyang napatingin kay Ida.

"Tanginang yan?"

"Namatay na nga kaibigan natin nakukuha mo pang chumill dyan!" naiinis na sinabi ni Ida sa kaibigan.

"Hindi naman ako nagbibiro ah!"

"Tama na tama na. Mabuti pa tulungan na lang natin si Jas na ibalik yung files kay Tito Jude," pag-aawat ni Ivo sa aso't pusa niyang mga kaibigan.

"What if sabihin mo na lang sa kanya yung totoo, Jas? Na kinailangan mong kunin yung files ni Noah sa office niya due to... urgent matters?" suhestiyon ni Helen, habang pinaglalaruan ang dulo ng kanyang ballpen.

"Knowing my dad, magtatanong lang siya nang magtatanong hanggang sa maging unreasonable na ako. I'll surely end up being grounded," nakangusong sagot ni Jasmine habang pinapalo ang folder na hawak niya sa mukha niya.

"Edi sabihin mo na lang... Hey, Jude-- ARAY NAMAN SAAN NIYO BA NAKUKUHA YANG MGA PAPEL NA YAN!" sigaw ni Chris nang batuhin siya ni Helen ng panibagong crumpled paper.

"Samahan na lang kaya natin si Jas mag-explain kay Tito? Malinis naman intensyon natin so I guess makakalusot tayo sa kanya," sambit ni Helen habang nakaupo at nagkukuyakoy ng kanyang mga paa.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Ivo habang nakahawak sa bewang ni Ida. "Baka pwedeng humingi na rin tayo ng tulong galing kay Tito Jude para mas maagang magawan ng aksyon si Kelly. Okay lang ba, Jas?"

Agad namang tumango si Jasmine kay Ivo. "Let's give it a try."

Corrupted LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon