chapter seven.

36 2 0
                                    

Nagising si Ivo sa kadahilanang siya'y napapaligiran ng mga halakhak at tawa na nagmumula sa kanyang mga kaibigan. Binigyan niya ng tingin ang bawat isa na nasa loob ng kwartong iyon hanggang madapo ang kanyang mga mata sa nag-iisang babae na nasa gilid niya.

"Kuyaaaa!" Sigaw ni Helen kaya biglang nawala ang mga tawa at halakhak na naririnig ng binata kanina at napalitan ito ng mga matang nakatuon lang ang tingin sa kanya.

"What? What happened?" Nakakunot-noong tanong ni Ivo sa kanyang mga kaibigan habang pasimple niyang hinawakan ang kamay ni Ida.

"Overfatigue," Sagot ni Sammie sa tanong ni Ivo na ngayon ay nakahiga sa hospital bed simula nung bumagsak siya sa sahig.

"From being too stressed, Kuya." Lumapit si Helen sa hospital bed ni Ivo at sinubukang sumiksik sa kapatid niya. "Masyado kang maraming pinroblema," Dugtong ni Helen habang humahanap ng pwesto na komportable siya sa tabi ni Ivo.

"You need to rest," Dugtong ni Ida sa sinabi ni Helen dahil hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin siya sa nangyari sa kanyang kasintahan. "I'm fine, baby" Sambit niya habang nilalaro ang kamay ni Ida.

"Happy Birthday, Helen Verona," Nakangiting bati ni Ivo sa kanyang kapatid na ngayon ay nakasandal na sa kanyang balikat. "Thank you, Kuya Pax," Sinuklian ng ngiti ni Helen ang kanyang kapatid.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU, SA'YO ANG PAGKAIN, KAMI ANG KAKAIN!" Singit ng nurse na kakapasok lang sa kwarto na naging dahilan upang matawa ang magbabarkada.

"Thanks Nurse Les!!" Natatawang sambit ni Helen sa nurse na naging ka-close niya dahil sa pagiging friendly at sabog nito.

"AYAN AYAN NAMATAY KA, ANG PANGET NG PAGMUMUKHA MO," Sigaw ni Chris habang seryosong nakatingin sa kanyang cellphone.

"BWISET KA, HINDI MO KO NI-HEAL!!" Naiinis na sigaw din ni Isabel at agad na sinabunutan si Chris.

"ANO BA ISA, MAMAMATAY AKO EH," Sagot ni Chris na hindi pa rin tinatanggal ang pagkakatuon sa cellphone habang pinipigilan ng isang kamay niya ang mga kamay ni Isa sa kanyang buhok.

"Kung gusto mo kasi ng holding hands Isa, sabihin mo na lang. Papayag naman ako eh" Halakhak na sabi ni Chris kaya sinabunutan ulit siya ng dalaga.

"SUMUNOD KA NA NGA KAY KELLY!" Biglang tumahimik ang paligid nang biglang sambitin ni Isa ang mga salitang ito.

Tila napansin ni Isa ang katahimikan kaya naman agad siyang humingi ng paumanhin sa mga salitang dumulas sa kanyang bibig.

"Huy, wag na nga kayo mag-away," Basag ni Sammie sa katahimikan dahil alam niyang walang magtatangkang maunang magsalita sa lima.

"Isa kasi eh" Sinimulan ng ayusin ni Chris ang kanyang buhok at tinuon na lang ulit ang kanyang sarili sa paglalaro.

"Have you eaten already?" Tanong ni Ivo sa mga kaibigan niya at isa-isa naman itong umiling.

"Mauna muna kayong kumain, babantayan ko muna si Ivo" Agad namang kinontra ito ng binata, "Seriously babe, I can manage" Ginulo ni Ivo ang buhok ni Ida kaya binigyan siya ng matalim na tingin nito na agad naman niyang ikinangiti.

"Sige na, go eat muna. I'll stay with Kuya. Kayo munang apat kumain, dito muna ako." Sambit ni Helen sa kanila.

"Paano ka? You should eat too." Kunot-noong sabi ni Ivo sa kapatid niya.

"Later nga. 'Wag ka magulo." Irap ni Helen.

Pumayag na ang apat na magkakaibigan na mauuna silang kumain at iiwan muna nila ang magkapatid. Lumabas na sila ng hospital room para mag-hanap ng pwedeng kainan.

"Kuya," Tawag ni Helen sa kanyang kapatid, "I know this is about Kelly."

Ivo closed his eyes shut. Bumuntong-hininga siya at tumango habang pinipilit ang sarili niya na huminahon.

"Kailangan na nating malaman kung sinong pumatay sa kanya, Ronnie," Umigting ang panga ni Ivo, "We won't stop until we find out."

"I just want to get this over with," Tumingin si Helen kay Ivo, "Hindi na healthy para sa iba yung topic na 'to. Lalo na sa'yo." Nag-aalalang tiningnan ni Helen ang kanyang kapatid.

Hindi na nag-salita si Ivo. Alam niyang kapag nag-salita pa siya ay ipipilit lang ng kapatid niya ang tungkol sa health niya so he decided against it.

Bumuntong-hininga na lang din si Helen at niyakap ang kuya niya. "Glad you're okay," Mahinang sambit niya. "Kain na 'ko. Sunod na ako sa kanila."

Nginitian ni Ivo ang kapatid niya at tumango.

"HELLO IVOOOOOOOOOOOOO," Muntik nang tumalon sa gulat si Ivo dahil akala niya ay mag-isa lang siya sa kwarto. Naalala niya bigla na hindi pa umaalis ang nurse na bumati kanina sa kanyang kapatid.

"Hi, Nurse Les,"

"Sino nga pala yung pinag-uusapan niyo na Kelly?" Tanong nung nurse kay Ivo kaya biglang kumunot ang noo nito dahil hindi niya alam kung tsismosa lang ba yung nurse o may alam ito tungkol sa kaibigan nila.

"Kilala mo siya?" Seryosong tanong pabalik ni Ivo sa nurse ngunit nagulat siya nang sinuklian lamang ito ng hampas sa balikat niya.

"Kaya nga tinatanong eh di ba?" Mapang-asar na sagot nung nurse kaya hindi na lamang nagsalita si Ivo, "May naging pasyente kasi kami dito na Kelly yung pangalan, mabait siyang kasama tapos parang may dinadalang problema." Dugtong ng nurse sa sinabi niya kaya mas lalong tumaas ang kuryosidad ng binata.

"Kelly Peralta, kilala niyo po ba?" Di na napigilang magtanong ni Ivo sa nurse dahil ang nais niya lamang ngayon ay makakuha ng hustisya sa pagkamatay ni Kelly.

Tumango na lamang ang kanyang kausap, "Siya nga, hanggang ngayon nasa isip ko pa rin yung mukha niyang malungkot habang kausap ko siya dati. Lagi nga lang siyang mag-isa eh tapos kapag tinitingnan mo yung mata niya, parang pati ikaw mismo, malulunod sa kalungkutan niya." Di makapaniwala si Ivo sa kanyang mga naririnig dahil hindi naman niya alam na may ganitong pinagdadaanan si Kelly.

"Lagi yung may pasa sa katawan pero lagi rin niya dinadahilan na nakukuha lang niya kung saan yung mga pasa" Tuloy na pagkkwento nung nurse sa kanya. Pasa? Bakit siya nagkakapasa?

"Anong p-" Narinig nilang bumukas ang pinto at inilabas nito ang limang kaibigan ni Ivo na masayang nagkkwentuhan tungkol sa mga bagay na nangyari sa mga nakalipas na taon.

"Hello 'tol,"

"Busog na busog ako,"

"Ang sarap nung adobo,"

"Mas masarap yung sisig!!"

"Mas masarap ka, yie."

"May alam siya tungkol kay Kelly" Bungad na pananalita ni Ivo sa kanyang mga kaibigan kaya biglang sumeryoso ang mga ito. "Madalas daw pumupunta si Kelly dito"

"Bakit siya pumupunta dito?" Tanong naman ni Chris, "Diagnosed with depression," Sagot nung nurse na ikinagulat ng lahat dahil parang wala man lang silang alam sa pinagdadaanan ni Kelly.

"Pumupunta siya dito para kausapin yung doctor niya sa mga pinagdadaanan niya." Dagdag pa ng nurse sa sinabi niya.

"Bakit parang wala tayong alam?" Nalulungkot na tanong ni Isabel na parang maiiyak kaya hinakawan ni Chris ang balikat nito.

"Kasi ayaw niya ipaalam," Sagot naman ni Ida na parang nababahala rin sa kanyang mga nalaman.

"Hindi man lang natin napansin," Nakayukong sambit ni Sammie dahil ayaw niyang makita ng mga kaibigan niya ang kanyang mukha.

"Kailan huling punta dito ni Kelly?" Pang-uusisa ni Helen dahil gusto na niyang matapos ito para sa lahat.

"Nung pinalaglag niya yung bata." Nawalan ng ingay sa paligid na parang may papatay kung sino man ang unang magsasalita. Agad na nagkatinginan ang magttropa na makikita mong may halu-halong emosyon sa kanilang mukha.

Nabuntis si Kelly?











Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Corrupted LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon