CHAPTER FIVE

78 7 2
                                    

" Alex's POV " 

CHAPTER FIVE ~~~

“ Alex's POV “

Psh! Tss! Psh! Tss! -_______-+

Nakakainis! That casanova! Ugggh! Kung hindi bawal ang pumatay, kanina pa pinaglalamayan yung Sky na yun. Huh! Ang kapal ng bungo nyang hawakan ako! Come to think of it! HI NA WA KAN nya ako. Yung kamay nyang yun, baka nadikit na sa akin yung flirty germs nya, iniisip ko pa lang na hindi sya nanghugas ng kamay to think na naglaro sila ng hawak-hawakan nung babae sa sci lab o kaya sa iba pang babae, nasusuka na ako. Tss! Hindi ako maarte, im just allergic sa mga taong kagaya nya. Psh

Tapos may pa “ She's mine. She's mine” pa syang nalalaman, inangkin nya pa ako ha! Gusto nya ba akong idagdag sa mga babae nya? Hell no! Never! Kung akala nya madadala ako sa charms nya, nagkakamali sya. Minsan na kong niloko at hinding hindi na yun mauulit.

.

.

.

.

.

.

.

Nasan na nga pala ako? Psh! Ano bayan.Di ko pala namalayang naligaw na ako. Asan na ba to? Puro mga puno, may mga benches tsaka may fountain pa. Maganda ang tanawin. Napatahimik tsaka malakas ang hangin.Wala ka ring makikitang mga tao.

Umupo muna ako sa bench na nasa ilalim ng puno. Magpapahinga na siguro muna ako, nagmawala tong pagkabadtrip ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin.

.

.

.

.

.

.

.

“ Miss, okay ka lang? “

AY BABOY NA LUMILIPAD! Agad akong napadilat dahil sa gulat. Tiningnan ko ang lalaking nakangiting nakatitig sa akin. Tss! 

Kinuha ko ang bag ko at aalis na sana ng bigla syang magsalita.  

" Teka! Wag ka munang umalis. Kailangan ko lang ng kausap. Just stay for a while. Just for a while. Please? " malungkot yung boses nya. At ewan ko kung anong spiritong sumapi sa akin bigla na lang akong umupo ulit. 

" Thank you" balik sigla niyang sabi. Bakit? Bakit ang gaan ng loob ko sa lalaking to? Pakiramdam ko may utang na loob ako sa kanya. " Utang?" teka, may naalala ako sa salitang yan -_________-

" Im Kian by the way, and you are? " hindi ko na lang sya sinagot sa tanong nya. Pinagmasdan ko na lang ang paligid. Narininig ko ang pagsinghap nya. " Di ka pa rin pala nagbabago or should I say di ka pa rin nakakamove on. Still the old cold you Alexis. " Napatingin ako sa kanya. Kung ganon, kilala nya na ko? Have we met before? Hindi ko kasi sya matandaan. May nagawa siguro syang kabutihan sa'ken kaya pakiramdam ko may utang ako sa kanya.  Pero kailan? Kababata ko ba sya? 

" Alam kong iniisip mo kung bakit kilala kita o kilala mo ba ako. Wag mo na lang isipin.Alam kong di mo rin maalala." Itinuon na rin nya ang tingin sa paligid namin. May pagkamisteryoso din tong isang to. Mind reader pa ata, nabasa pa naman ang iniisip ko. Katulad ng sinabi niya hindi ko na inisip kung saan ko ba sya nakita baka sumabog pa tong ulo ko kakaisip.

Pareho naming dinama ang hangin. Napakaganda naman talaga dito, napakatahimik.

" Ano ang sinasabi ng isang kilay sa kapwa niya kilay? " biglaan nyang tanong. -_____- Ano bang pinagsasabi niya? May topak yata to eh.

" Edi........... Eyebrow"  kita nyo na? siya rin yung sumagot sa sarili nyang tanong. Tumahimik siya saglit tapos.....

 " HAHAHAHAHAHAHAH! HAHAHAHAHA! "  nakahawak na sya tiyan nya. Kian- Hari ng Kababawan. Seriously? Nakakatawa ba yun? -____- Psh! 

Matagal tagal ring bago makaget over si Kian, sa sarili niyang joke. Pinahid nya pa yung luha sa mata niya dala ng pagkakatawa niya kanina. Haaaayst! Umalis na kaya ako? Nakasinghot ata ng katol to. -_________- 

" Hindi ka ba natawa? " tanong niya habang inaayos yung sarili niya. Obvious? Ano naman ang nakakatawa dun? 

" Hindi. " walang gana kong sagot. Psh. 

" Grabe! Ansama mo naman. Kinuha ko pa yun sa t....." 

" HOY! Ba't kayo nandyan? Kanina pa nagbell ah! Bakit wala kayo sa mga klase nyo! Naku! Unang araw na unang araw, cutting ang inaatupag!! " may lalaking galit na galit na sumigaw sa amin, nasa likod siya ni Kian. Isa yata sya sa mga teachers dito based sa suot niya. 

" Ano?! Tutunga nga na lang kayo dyan?! Di nyo ba ko narinig?! Pumasok na kayo sa klase nyo kung ayaw nyong dalhi... "

" May sinasabi ka? " sabay lingon ni Kian na cool na cool lang. 

Si Sir naman, kanina mukhang dragon, ngayon mukha ng tuta. -_____- Takot ba siya kay Kian? 

" A-ah, s-sabi ko, s-steady lang k-kayo dyan. Pahinga pahinga mag may time. He-he! Si-sige una na ko." dali-dali itong tumalikod, aalis na sana pero nagsalita uli si K-kian.

" Sinabi ko bang pwede ka ng umalis? " 

Humarap uli ito at medyo pinagpapawisan. Sir pa naman siya tapos takot sya sa studyante. 

" Ano ang sinasabi ng isang kilay sa kapwa niya kilay? " -_____________-

" H-hindi naman po n-nagsasalita ang k-kilay."  

"  Basta! Sabihin mo ano! " halos mapatalon si sir dahil sa sigaw ni Kian. " A-ano??" 

" Edi....... Eyebrow " 

" A-haha-HA-HAAHAHAHAHA, " halatang pilit yung pagtawa ni Sir. Sinabayan na din siya ni Kian. Ayun tawang-tawa silang dalwa.

Makaalis na nga. -_- Mahawa pa ko sa mga siraulong to. 

-------------------------------------------------------------

Author's Note : Short short update, sabaw na sabaw. Wala lang gusto ko lang ipush yung joke ko! HAHAHAHA XD K. New character na naman ah! :D Ano kayang role ni Kian? Hmmmm. 

Fell In Love with this CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon