CHAPTER SIX

85 4 2
                                    

 Natigil ang discussion namin sa Physics ng biglang dumating yung lalaking siraulo kahapon, si Kian. 

“ Mr.Peralta? What brought you here? “ tanong ng teacher namin kay Kian na cool na cool lang. Isinuklay nya ang kanyang kamay sa magulo niyang buhok. Kitang-kita naman sa mga babae dito sa classroom ang kalandian este ang pagkabigla  dahil sa presensya ni Kian. Yung iba sinasaktan na ang katabi dahil sa kilig. Kinikilig ba sila sa siraulong yan? -_____- 

“ Kailangan pa ba ng dahilan sir kung bakit nandito ako? Malamang,studyante ako eh. Naturingan kang teacher ang tanga tanga mo.” sabay lakad papunta sa pwesto namin. Umupo siya sa desk na katabi ng desk ko. -___- Inusog niya yung desk niya para mas lumapit pa sa'ken. Hayst...  

“ Hi Alex! “ nakangiti niyang sabi. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at itinuon ang pansin sa harapan. 

“ Hello Kian.” rinig kong sabi ng isang babae. Pustahan kahit di ako nakatingin, boses pa lang nya alam kong nagpapacute siya. Well, wala naman din akong pake. 

“ Si Alex ka ba? Tss! Wag mo nga kong mahello hello dyan, di tayo close. ” - Kian. 

“ Oy, Alex naman. Makinig ka nga sa akin. Ba't ka umalis kahapon ha? Akala ko tuloy naghahallucinate lang ako.” ramdam sa boses niya ang pagkalungkot. 

Hinarap ko siya at tiningnan ng mabuti. Again, ito na naman yung feeling na may utang na loob ako sa kanya. Tch! What's with this man? Bakit ba ang gaan gaan ng loob ko sa kanya? Dapat ay hindi ko siya pinakikinggan o pinapansin. Lalaki siya at hindi ko pa siya kilala pero bakit ganon? Nararamdaman kong mabuti siyang kaibigan. Paranoid lang ba ako? Dapat ay hindi ako magpadala sa mga instincts ko. 

“ How sweet! Sa sobrang sweet niyo di niyo na napansin yung presence namin.Awwww. Pahingi nga tissue Troy, napapaluha ako eh." agad kaming napatingin sa harap. -_________- Sila na naman?

" Oh, si Alex pala to oh! Huh! Kaya naman pala himalang gustong pumas--- " 

" Shut the fvck up Kiel! " galit na pagputol ni Sky sa sinasabi nung Kiel at nakatingin sa akin ng masama na para bang may ginawa ako sa kanya.Psh! Kung kay Kian magaan ang loob ko dito sa lalaking to, kabaliktaran.Katulad ngayon, ngayon na nasa harapan ko siya.Gusto gusto kong ihambalos tong desk sa pagmumuka niya at kumuha ng ballpen ng maitusok ko sa mga mata niyang ang talas kung makatingin.Yung word na CALMNESS ay nawawala sa akin, kapag nasa paligid ko siya.Tch!

" Chill lang Sky.Sa sobrang hot mo, nadamay tuloy yang ulo mo." sabay lagay ni Troy ng kamay niya sa balikat ni Sky. 

Tinapik iyon ni Sky at pumunta sa desk sa likuran ko.Kung minamalas malas ka nga naman.-___-

" Oh, I smell something fishy." sabi nung Troy.

" Hala Brix! Nangangamoy isda ka daw oh! Haha!" yung Kiel.

" Gago."  bored na sagot nung isa pang lalaki na sa tingin ko ay Brix ang pangalan.

Nagsiupuan sila sa kani-kanilang desk.

" Naichapwera ako ha? Hoy Troy! Ano bang meron?" tanong ni Kian sa lalaking nasa likod niya, si Troy.

Itinaas lang nito ang dalawang balikat sensyales na di niya alam at agad nakipagusap sa babaeng katabi ng table niya. Psh!

" Brix?  " tanong niya ulit kay Brix na nasa likod ng desk ni Troy.

" Gago."  -_______- Pansin kong di mahilig sa " Gago" yang lalaking yan.

" Hoy ikaw Kiel?! " baling niya dun kay Kiel.

" Wala lang yun pareng Kian.Sweet lang talaga kayo ni Alex, ayan tuloy may tch tch." sagot ni Kiel na nakapangalumbaba lang.

Fell In Love with this CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon