CHAPTER ONE

208 7 2
                                    

CHAPTER ONE ~~~~ 

"P-pano mo to nagawa saken J-jake? *sniff Akala ko mahal mo ko? *sobs A-akala ko ba nagbago ka na? Bakit J-jake? *sniff Kulang pa ba?Kulang pa ba yung pagmamahal ko? *sniff May mali ba kong nagawa para lokohin mo ko? Ano?! Sabihin mo! " sabay hampas ko sa malapad nyang dibdib habang nag-uunahan parin sa pagtulo yung mga luha ko. Nakita ko kasi syang may kahalikang babae. Hinawakan nya bigla yung kamay ko,pagtapos ay tinulak nya ko.Ikinabigla ko ng sobra ang ginawa nya.

" Ano ba Alex? Tigilan mo na nga yang pagdadrama mo.Di ko naman akalain na seseryusuhin mo tong relasyon natin. Look! Isa ka lang din sa mga fli-- "  

* PAKKKKKKK ! * isang malutong na sampal ang ibinato ko sa mukha nya.Lumalabo na rin ang paningin ko dahil sa mga tubig na lumalabas sa mata ko.

" Ang kapal mo Jake! *sniff Ang kapal kapal ng mukha mo. You are my first boyfriend after all tapos sasabihin mong hindi ka seryoso? *sniff Ano to? Lokohan? huh! lokohan jake? *sniff . Hindi ko alam kong anong kasalanan ang ginawa ko sayo para saktan mo ko ng ganito! Bakit mo ba to ginagawa saken? *sniff Mahal na mahal kita Jake, alam mo yan! Tapos ganto mangyayari? sabihin mo saken kung anong problema *sniff , Sabihin mo J-jake ng di naman ako magmukhang tanga ! " napahagulgol na lang ako sa harapan nya. Sumisikip na rin ang dibdib ko kasabay nun ang kanina ko pang habol ng habol sa hininga ko. Mas malala pa ata to nung iniwan kami ni Papa para sa iba. Ang sakit! *sniff Ang sakit,sakit! Masaya naman kami ah? Ba't ganto yung kinahinatnan ng lahat? May galit ba saken ang langit para mangyari saken lahat ng to? Lahat na lang ba ng lalaking mamahalin ko, lolokohin at iiwan rin ako? Una si Daddy, ngayon si Jake.

Hinihintay ko parin ang sagot nya, umaasang yayakapin nya ko tsaka nya sasabihing mahal na mahal nya rin ako. Pero hindi! Mali, Sana pala hindi na'ko umasa, pagkat ang sinabi nyang salita ang tuluyang dumurog sa puso ko.

" Sorry Alex, but i dont love you.Lets just stop this non-sense" saka sya umalis at iniwan akong umiiyak. 

" Alexis! Gising! Gising! " bumangon ako na hinahabol parin yung hininga ko, naramdaman ko ring basang-basa yung pisngi ko. PANAGINIP, -scratch that- BANGUNGOT! Tama, isang bangungot na hindi parin ako nilulubayan.Isang kahapong pilit parin akong binabalik-balikan, kahit anong gawin kong limot, bumabalik-balik parin ang sakit at sugat.

" Okay ka lang anak?Gusto mo ng tubig?" nag-aalalang sabi ni mama.Pinunasan ko muna ang luha ko tsaka sya hinarap.

"Nope. Im okay, just go out " walang emosyon kong sabi sa kanya.

" Pero anak, baka kasi kai.. "

"  GO OUT " matigas kong sabi sa kanya. bumuntong hininga lang sya tapos tumango at malungkot na lumabas ng kwarto ko.

“MRS CARILLO's POV”

Napabuntong hininga na lang ako habang tinitingnan ang picture ni Alexis.Ibang-iba sya sa larawang ito,masaya syang nakangiti tapos nakapeace sign pa. *sighs Miss na miss ko na yung dating sya.Mag-iisang taon na syang ganyan pero wala paring pinagbago.Mas lalo pang naging cold ang pakikitungo nya.Ni minsan nga di na sya ngumiti o tumawa.

Nagsimula syang maging ganyan nung iniwan sya ng boyfriend nyang si Jake.Nagulat na nga lang ako isang araw,umuwi yang magang-maga ang mata tapos umiiyak parin pero mas ikinagulat ko ang mukha nyang walang ekspresyon.Tinanong ko sa kanya kung anong nangyari,pero wala,hindi nya ko pinapansin, kay Jasmine at Jennifer ko,bestfriends nya,na nga lang nalaman na niloko at nagbreak sila ng boyfriend nya.

Awang-awa na ko sa anak ko.Alam ko kung anong feeling ng niloko at iniwan dahil yun rin ang ginawa saken ng Papa ni Alexis.Hindi namin akalaing isang araw, ipinagpalit kami ng walangya nyang ama sa ibang babae,hindi na rin namin ito nakitang muli.Kung nasaktan sya dahil sa Papa nya, triple ang epekto ng boyfriend nya.kinain na yata sya ng galit,puot at kalungkutan. Nag-aalala na rin ako sa kanya,masyadong malaking trauma ang dinaramdam nya ngayon. Katulad nung kanina, binabangungot na naman sya. Paulit-ulit na lang ang pangyayaring yun.

Fell In Love with this CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon