Chapter 5: IKAW?!?!?!

11 0 0
                                    

" What?!?! You're going to be her slave for 1 week?! Hell no!"

"Eh ano nga bang magagawa ko? That's the only way para hindi masira ang agreement ng mga parents namin".

"So hahayaan mo siyang abusuhin ka?! Naku Aobhe! Hindi porket may pinapang black mail siya sayo eh ganyan kana kung magpatalo!"

Minsan di ko din maitindihan tong bestfriend ko eh (-.-) Nong inaaway ko si Gail while nasa conversation kami sa phone ang sabi niya, magpakumbaba at maging sincere. Ngayon naman nagagalit siya kasi di ako lumalaban?? Gulo!

Nag-usap kami nong Saturday ni Gail sa court. This is what exactly happened..

Flashback..

"Ano? You're asking me to become you're slave? Wag na! Mukha ba akong katulong? Kung mukha akong katulong, ano ka pa? Taong grasa?" pang aasar ko sa kanya.

Natawa naman sa sinabi ko yung mga co-gangsters niya. Ah este, yung mga kaibigan niya. Yung mga alagad niya sa kasamaan. Tsss!

"Tignan mo Gail? Kahit yung mga kaibigan mo natawa sa sinabi ko? You really must have look like a beggar"

Biglang sinamaan ng tingin ni Gail yung mga kasama niya. Naaasar na din siya siguro. Well, may pagkapalpak din kasi tong babaitang to eh.

"Namumuro ka na Fajardo ah! Pwede ba? Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo once na ipagkalat ko tong kahihiyang ginawa mo. You don't want that to happen do you?"

Bigla kong naalala yung pinayo sakin ni Ashleen. Ok. Nandito nga pala ako para pakiusapan  siyang wag na ikalat yung video. At kung maaari, ay isurrender niya na lang sakin yun para talagang wala na siyang panakot sakin.

Gosh! Bigla ko tuloy naaalala si Sienna. Gail's quite scared with her. Kasi dati nong inaway niya yung kambal ko sa kadahilanang naging boyfriend niya yung hearthrob sa school namin na super ineffortan niyang landiin. Siniraan niya yung kambal ko non. Sa buong campus pa yun. 

Pinagkalat niya kasi yung pictures ni Sienn. It was not just the ordinary pictures. But those pictures revealing her personal secrets. Patago kasi ang buhay namin. Pinagbawalan kami ng parents namin na maging masyadong expose sa kung anik anik na social media. 

Again, ng dahil lang sa image ng family namin at ng company (-.-) What does it have to do with us anyway? Pero inintindi na lang namin sila.

Ang ginawa kasi ni Gail non, pinost niya yung picture ni Sienn sa website ng school namin. Nalaman nga yun ng parents namin eh. Sobra kaming napagalitan ni dad kaya ayun kay si Gail pinagbuntungan ng inis ni Sienn.

One time, nagulat na lang kami pumasok si Sienn na pilay. Ayun pala, ginulpi siya ni Sienna. No one knew the reason kung bakit siya nagkaganon except for me and Gail's friends dahil ang usapan nila, kapag may makaalam daw na siya ang gumulpi sa kanya, gugulpihin siya uli.

Yup that's Sienna. She took up taekwando and boxing kaya marunong yan dumipensa sa kahit kanino. Kaya kahit mga lalaki, di basta-bastang nakakalapit sa kanya. Unlike me? Tss! Pabebe type ako eh. Kaya di ako marunong mang gulpi. Kaya itong si Gail the bruha, tinitake advantage yun! ://

" Tanga ka ba Gail? Ako? Magiging katulong mo? Teka lang ha. Just to inform you, mas mayaman ang pamilya ko sayo. So if that's what you wanted from me, I'd rather accept the fact na pagagalitan ako ni dad kaysa naman magpa uto sa mga kalokohan mo!"

Pinilit kong maging matapang sa harap niya. I should be needing my twin by now. Di sana di ko na iniisip kung paano malulusutan tong problema nato. But then mas lalo pa akong nag effort. Pero hindi, kailangan ko ipakita sa kanya na hindi ko kailangan si Sienna sa ganitong mga sitwasyon.

Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon