Aobhes POV..
Biglang napadilat ang mata ko ng malaman ko kung sino ang nakabangga ko. 0.o
Putek! Sa dinami daming pwedeng makabangga, bakit kailangan siya pa? What the f!! Taglay talaga ng nilalang nato ang kamalasan.
Ang masaklap, nangdadamay pa siya (-.-)
Pinulot ko kaagad yung mga nagkalat na libro na nahulog nong mabangga niya ako. Agad niya naman akong tinulungan na pulutin ito.
"You live around here?" tanong niya sakin habang tinutulungan niya akong tumayo.
In fairness may pagka gentleman naman pala tong tao nato. Dapat lang no! Kay gwapong nilalang walang kabaitan. Naku!
Kukunin ko na sana ang mga librong napulot niya ng sinabi niyang siya na lang daw ang magdadalat at hanggang sa makarating daw ako sa pupuntahan ko.
" Wag na. Di mo na kailangan pa! Baka kung ano na namang kamalasan ang gawin mo no! And fyi, galit na galit pa din ako sayo! Kung alam mo lang, nakatatak pa din sa isipan ko yung pag mmukha mong yan sa sobrang inis ko sayo!"
Pasigaw kong sabi sa kanya habang kinukuha ang mga librong dala-dala niya.
Halatang naguluhan siya sa sinabi ko dahil nagkasalubong pa ang kanyang kilay. Bigla kong naalala yung nagyari sa bookstore. That scandal.
Agad ko na lang siyang kinompronta para matapos kaagad ang usapan.
"Ayoko na makagawa pa ng eskandalo okay? Tama na tong isa. Kung alam mo lang, sobra ang consequences na hinaharap ko mapagtakpan lang yung nagawa ko sa bookstore ng dahil lang sa kadahilanang hindi mo ako pinagbigyan sa libro"
Mas lalo pa siyang naguluhan sa sinabi ko.
"What? Anong scandal ang sinasabi mo? Tsaka anong consequences ba yun?"
"Look. You don't have to know it okay? The least thing you could do, is to just stay away from me. I hope that this will be the last time na makikita kita".
At pagkatapos non ay umalis na ako at nagmadaling pumunta sa campus.
---
Brycen's POV..
"Ikaw?!?!?!"
Sa kakamadali ko, may nakabangga akong tao. At sa dinami-dami ng pwede kong makabangga siya pa ang nakabangga ko.
Tinulungan ko siya kaagad na pulutin ang mga libro at habang pinupulot ko ang mga ito, napatingin ako sa kanya. Pawis na pawis siya. But God, she still looks beautiful kahit nagkakalat na ang buhok niya at halos maligo pa siya sa pawis.
Saan kaya siya galing? Inalok ko siya na tutulungan ko na siyang dalhin yung mga libro sa pupuntahan niya but she insisted.
I was only searching for ways para makabawi sa kanya. I know na kasalanan ko din yung nangyari sa bookstore so I have thought that maybe asking her would be a great start.
"You live around here?".
Napatingin siya sakin bigla, hindi niya siguro inaasahan na tatanungin ko siya ng ganon tapos bigla niya pang binawi sakin yung mga libro niya.
" Wag na. Di mo na kailangan pa! Baka kung ano na namang kamalasan ang gawin mo no! And fyi, galit na galit pa din ako sayo! Kung alam mo lang, nakatatak pa din sa isipan ko yung pag mmukha mong yan sa sobrang inis ko sayo!"
Mas lalo tuloy akong nakonsensya sa ginawa ko sa kanya. Hindi naman talaga ako yung tipo ng lalaki na mang gganon sa babae. i don't treat women like that. I find it so unmanly.