Bakit?✨

6 1 0
                                    

---

Bakit?
Bakit ganito ang nadarama?
Hindi na mawari kung ano ba talaga?
Bakit? Bakit nga ba?

Bakit sa oras na ika'y aking kailangan ay wala ka?
Na hindi ko maisip na may pagkukulang ba?
Na sana'y mapansin mong ako'y nahihirapan na
Saan nga ba patungo oh sinta?

Bakit ika'y ganyan ka lupit?
Na tila kahit ako'y nasa binggit hindi ka lalapit
Masakit man sa damdamin ngunit pipilitin
Na ang nararamdaman ay pilit iwawaglit

Sana naman masagot ang aking bakit
Upang hindi na mahirapan pang magisip
Na sana'y ika'y lubusang akin
Subalit, bakit?

---

--- ✨Rin.

~x~

Note: Enjoy reading! XOXO


Rin's CompositionsWhere stories live. Discover now