Martyr 🌸

3 1 0
                                    

Mahal kita
Dalawang salita na magmula sa'yo
Na hindi ko lubos maisip na
Magpapaganito sa aking tulirong puso

Hindi ko lubos na maintindihan
Kung bakit puso'y natibok ng mabilisan
Mga paru paro sa tiyan
Na nagpapakiliti sa akin ng tuluyan

Hindi naman nagtagal
Ako'y sayo'y nahulog ng tuluyan
Bawat ngiti, tawa na namumutawi sa aking labi
Ginusto ko na pang habang buhay

Ngunit isang araw
Ako'y iyong kinausap
Mga dating ngiti sa aking labi
Tuluyang nawala ng iyong sinabi

"Mahal pasensya na
Kailangan n'ya ako sa tabi n'ya
Pangako, babalik ako agad
Pagkatapos ko s'yang saglit na silayan"

Pagkatapos ng iyong linya
Hinalikan sa labi at nagmamadaling lumisan
Ni walang salitang "ingat ka"
At ang dalawang salitang lagi kong ninanamnam "mahal kita"

Ilang beses pa iyon nangyari
Umabot ang araw, linggo maging buwan
Na lagi mo s'ya inuuna
Kesa sa iyong kasintahan

Isang araw ako'y nagising na sa kahibangan
Pinuntahan ka sa iyong tunutuluyan
Pagbukas ko ng pinto ako'y natigilan
Ikaw at ang babaeng lagi mong pinupuntahan, magkayakap sa gitna ng daanan

Agad akong lumapit at ika'y kinalabit
Bakas ng gulat sa mga mukha n'yo'y gumuhit
Ngunit pinilit kong ngumiti kahit sobrang sakit
Sabay sabing

"Paalam na mahal
Hindi ko na kayang tumagal pa
Pagmamahal ko sa'yo'y kailan may hindi mawawala
Ngunit ako'y tuluyang napagod na
Sa relasyong ito, hindi ako ang laging uunawa
Sa relasyong ito, kailangan ng oras at pagmamahal ng isa't isa
Sa relasyong ito, kailangang magsakrispisyo
At ako ang gagawa nun
Sa pagmamahal hindi ko kailangang magpakamartyr
Sa pagmamahal kahit mahal mo pa'y kailangan mo ng bumitiw
Sa pagmamahal hindi mo kailangang magpakatanga
Katulad ko na naging isang sunod sunuran"

Tumalikod ako at handa ng umalis
Ngunit may isa pa akong mensahe na kailangang sabihin kung kaya't ako'y lumingon muli
"Magpakasakaya kayo. Ingatan mo s'ya, huwag mong hayaang maging ganito ang relasyon n'yo. Na may kailangang bumitiw para sa ikasasaya mo"
Tumalikod na ako at lumisan sa lugar na iyon, sa lugar kung saan naiwan ang mahal ko na may kasama ng iba.

Rin's CompositionsWhere stories live. Discover now