---
Hindi ko inaasahan ang mangyari
Ng dahil sa bestfriend ako'y nasakatan
Umaasang ganito din ang nararamdaman
Ngunit mali, maling mali na ako'y nagmahalSa ilang taong lumipas
Na tayong dalawa'y di mapaghiwalay
Na sa isang iglap
Nagmahal ako ng hinding hindi ako kayang mahalin pabalikLagi tayong nandito para sa isa't isa
Ni minsan hindi kita hinayaan
Ngunit sa ating dalawa
Ikaw pa ang unang nawalaNoong panahong ako lamang ang nakakaalam
Na ako'y nahulog na pala ng malalim
Tinanong kita ng "may mahal ka na ba?"
Pero nanlumo ako sa iyong pagaminIlang araw ang lumipas
Na ako'y lihim na nasasaktan
Sa bawat motibong iyong pinapakita
Na sa kaibigan ko'y pala ika'y nahuhumalingHanggang sa inamin mo sa akin
"Siya, siya ang mahal ko"
Ngumiti ako na parang wala lang
Kahit ang kalooban ko'y durog na, na hindi mo manlang namamalayanUmiyak ako
Sobra sobra. Ngunit pinangako ko sa sarili kong "Kaya ko to"
Na habang lumilipas, sinusubukan na kitang kalimutan
Na kahit kailang hindi mo man lang nalamanNgayon alam kong masaya ka na sa piling niya
Habang ako'y narito't nasasaktan pa
Ngunit pakatandaam mo, handa akong saluhin ka
Kahit na ako'y masaktan paSana ang lang sa pagkakataong ito
Makita mo na ang halaga ko
Hindi nung una na ako pa'y naagrabyadoMahal kita, mahal na mahal
Na yung tipong ako'y nasasaktan
Naiiyak tuwing naiisip na
"Mukhang wala na talagang pagasa"---
---✨Rin.
~×~
Note: Sana magustuhan nito. Rilits q huhuhu :< HAHAHA. Tenkuuu.
YOU ARE READING
Rin's Compositions
De TodoIt's not a story. It's my compositions. A poem compositions. I'd like to share my thoughts, so I made this. Hope you like it! - Rin